"Beauty is the Beast" © 2013, omoshiroi & ponkaaan
~
C H A P T E R 1 - T H E B E L L E
Isang magandang umaga sa isang magandang nilalang na katulad ko.
Ako nga pala si Beauty Isabelle. Ang Nation's Sweetheart.
Mayaman, matalino, sexy
At higit sa lahat
MAGANDA!
Kitang kita naman sa pangalan, di ba? From head to toe nails lahat sa akin, maganda! Need I say more? Yes, nung nagpaulan si God ng kagandahan lahat lahat yun ay nasalo ko. And yes, hindi na ako nagtira.
Bakit pa? E nandyan na sa harap ko ang blessing. Sayang ang opportunity, di ba?
I love my face. I love it a lot.
I aim to be perfect.
Correction, I'm already perfect.
"Belle, take tayo a! In 3..2..1.."
....Action!!!"
"...because only Cielo touches my skin.."
*tingin sa camera sabay pose*
"...who touches yours?"
"Aaaand cut!! Nice take, Belle!"
Did I forgot to mention? I'm an actress. Ibig sabihin nun, sikat ako. Tinitingala ng madla. Bakit?
E kasi nga, maganda ako!
Ningitian ko lang si direk at pumunta sa dressing room ko.
"Renee! Where's my freaking drink?!"
"Eto na, Isabelle wait lang."
"Panget ka na nga, makupad pa!"
One thing I hate the most? Ugly people. Kung pwede lang malayo sa mga ugly freaks na 'to, gagawin ko talaga! The government should isolate those ugly freaks so that us perfect ones will live happily ever after. I really can't stand seeing anything ugly. I want everything to be perfectly beautiful. Like me. But, I have no choice. This is reality. May mga panget talaga at magagandang nilalang. Ang mga panget nararapat lang maging alila ng mga magaganda.
Di ba?
Mwahahahaha.
"Isabelle, eto na tubig mo."
Kasalukuyan akong nakaupo ngayon at pinagmamasdan ang aking mala-dyosang mukha sa salamin nang biglang dumating si Renee, ang aking panget na PA.
"Umalis ka nga! Nasisira ang view ko!"
Pinaalis ko si Renee nang nakita ko sa salamin na nasa likod ko pala ito.
"Pero yung tubig mo, Isabelle."
Oh right, my precious water.
"Gimme."
Inabot ni Renee ang bote ng tubig..
"What the hell do you think this is, freak?!"
"Ah, mineral?"
"Di ba sabi ko sayo, Pocari Sweat lang ang iniinom ko! Pocari Sweat lang! And now you gave me this?"
Tiningnan ko ang logo nung bote.
"...this Mt. Makiling Mineral Water? Ha! So cheap!"
Inirapan ko lang si Renee at ipinagpatuloy ang pagtingin ko sa salamin.
"Isabelle..okay na yan. Lasang tubig naman yan e." Nakayuko nyang sabi.
"Do you know who I am, you little bastard?"
"Oo. Ikaw si Beauty Isabe--"
"Exactly! Ako si Beauty Isabelle! I use, drink and eat only the finest! Tapos iyan lang ang ipapainom mo sa akin? Sa ganda kong 'to?"
"Sorry na. 'Di ko naman po alam eh," Sabay kamot sa batok.
"Hindi alam? You've been my PA for two freaking days, hindi mo pa rin alam? Geez, panget na nga inutil pa!"
Have I told you how much I despise hideous people? Oh yeah, I already did. Ang dapat sa kanila nila-ligate at kina-castrate para hindi na mag-reproduce! Just imagine a world filled gorgeous people.
*sighs dreamily*
"Sorry na, bibili na lang po ulit ako," Parang nanlulumo nyang sabi.
"You better! Or else," I warned. "Oh, and make sure na sa Rustan's mo binili yan." Pahabol ko pang sabi.
~