"Beauty is the Beast" ⓒ 2013, omoshiroi & ponkaaan
Ponkaaan's Note:
Hola, Ponkaaan here! Tama po ang nabasa n'yo people, kaming dalawa nga po ni Omoshiroi ang may-akda ng kwentong ito. Masasabi ko lang na ito ang greatest watty collab ever dahil nagsanib-pwersa ang dalawang magagaling at magagandang writers sa balat ng wattpad. Wahahaha! Anyway, we'll try to make this as excellent a possible since dalawa kaming nagsulat nito. Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na rin kami sa mga nagbasa ng naunang chapters at sa mga magbabasa pa ng mga susunod na kabanata. Gracias!
Trivia: Si Ponkaaan po ay ang author ng stories na 'When Two Worlds Collide' at 'Bastos Mo!' If you haven't read either of those stories yet, then better read it now 'cause you're missin' out all the fun. Chos! Hahahaha!
Omoshiroi's Note:
Oy, Ponkaaan! Ayos ka makapag-advertise ng story mo dito! Ako nga din! Sa mga bitter dyan, pakibasa ang 'Worth The Wait'. Hahahaha! (Lol sikat daw kami kunwari)
Anyway, yay! Mabuhay! Rank # 192 na tayo sa Teen Fiction tsaka Rank # 198 naman sa Humor!
Additional Ek-ek: Alam niyo ba sa phone ko lang galing 'tong story na 'to dati. Tapos biglang nakisali si Ponkaaan. Lagay ko daw sa wattpad blah blah. Tapos eventually, nakisawsaw na siya sa paggawa ng story na 'to. Hahaha! Kaya ayan, puro kalokohan na ang nangyari dito sa kwento na 'to. Kapag nakornihan kayo, siya sisihin niyo a. De joke lang, partners in crime kami nyan e. Hahaha!
Trivia: Alam niyo ba na galing sa prutas yung username ni Ponkaaan? K. Hahaha.
~
C H A P T E R 3 - T H E P R E M I E R E N I G H T
Isang magandang gabi sa isang magandang nilalang na katulad ko.
So, tonight's the night! Ngayon ko na maipapakita ang mala-dyosa kong ganda sa harap ng madlang pipol! Suot-suot ko pa ngayon ang aking gown, personally made by Francis Libiran. Hair and make-up by Mary Coleen Salon, and special thanks to Dra. Cielo for my ever stunning and fabulous skin.
Ang ganda ko talaga! Thank God for concealer at natakpan ang aking, well labag man sa kalooban kong sabihin, "imperfection".
Ack! I really hate that word. Hindi karapat-dapat na i-pares sa pangalan ko. Cannot be, borrow one talaga.
Anyway, at least hindi ako kasing panget ni Renee.
Sigh, I wonder, when will she quit kaya? Tito Boy kasi, my manager, gustong gusto si Renee na maging PA ko. ANYWAY, speaking of that ugly bitch, where the hell is she?!
Nandito na ako ngayon sa first floor ng aking condo at hinihintay si Renee para ibaba ang aking purse.
"Reneeeeeee!!!!!"
Ugh! Nasaan na ba ang panget na iyon? Baka ma-late ako nito eh! Oh well, the word "late" doesn't exist sa mga dyosang tulad ko anyway. A goddess is never late, everyone else is just simply early. Probably can't wait to see my beauty.
At long last, dumating na rin!
"Heto na yung purse mo," Padabog nyang ibinigay sa akin ang bag.
"Hey! Watch it! Do you even know how much this costs? Hermes ito for Pete's sake. And unlike any other bags, hindi ito local, this one's from Paris!" I shrieked.
How dare she? Walang utang na loob! Isa na ngang honor ang pagpapahawak ko sa kanya ng purse na ito eh.
"'Wag kang OA Isabelle, bag lang iyan. Kung masira, edi palitan! Ang dami kaya nyan sa 168 mall. Kahit sa Tutuban mall at sa baclaran meron din nyan eh,"