A Letter for Him

185 0 1
                                    

Hi. Kamusta ka na? Ginagawa ko ito kasi alam ko na hindi mo ito babasahin. Alala mo pa ba nung sabay tayo nanuod ng volleyball sa MoA Arena? Ako oo kasi yun yung araw na narealize ko na may gusto ako sayo. Alala ko din na nakita natin yung mga kaibigan mo sa mall kasi dun tayo naglunch. Napagkamalan pa na magshota tayo. Nagulat ako kaya agad agad kong naghindi. Kasama pa natin yung best friend mo, pero lagi niyang binabagalan ang lakad para magmukhang tayo lang at makatyempo ng picture satin. Hanggang ngayon nasaakin parin yung mga pictures natin together.

Hanggang ngayon, nasakin parin yung mga memories natin ng magkasama from day 1 pahanggang ngayon.

"Yes ma magboboard na kami ng plane." sabi ko through phone call. Papunta kami sa America ng brother ko, business matters niya, sinama niya ako para daw makapagbonding.

"Hey, tara na, flight na natin." kinuha ni kuya yung maleta ko pero kinuha ko yung hand carry ko. Tumayo ako pero ambilis maglakad ni kuya, hinabol ko pa.

Malapit na ako pero biglang may natamaan ako.

"Ouch!" napaupo ako sa sahig at tumalsik yung bag ko sa gilid.

"Shet, sorry!" Kinuha niya yung kamay ko at tinulungan ako tumayo. pinagpagan ko sarili ko at kinuha niya yung bag ko. 

"Sorry talaga, i didn't mean it, may hinahabol lang ako. Okay ka lang?" Tinanong niya sakin, His eyes and face etched with concerned.

"Ayos lang ako, sige na baka malate ka na sa hinahabol mo." nginitian ko siya at naglakad papunta sa kapatid ko.

"Wait, miss!" tumingin ako pabalik sakanya, "Ano name mo?"

"Felicity, Felicity Montemayor."

Ngumiti siya, "Oliver, Oliver Vega."

Pati yung sakit na dinulot mo nararamdaman ko parin hanggang ngayon.

Nasa mall ako ngayon, magisa, may sakit daw kasi si Oliver, dapat icecelebrate namin yung anniversary namin bilang best friends, ritwal na namin yun for the past 7 years.

Papasok na ako sa McDo at oorder sana ako ng makakain na itatake out, pero may nakita ako na pumigil sakin.

Si Oliver na may kasamang iba.

Akala ko may sakita ka?

Akala ko hindi ka pwede?

Akala ko di mo kaya?

Sana sinabi mo nalang yung totoo para di ako masasaktan ng ganto.

Lumingon sa Oliver at nakita ako, nabura yung ngiti niya at napalitan ng gulat.

pinunasan ko yung luha ko at lumabas ng McDo at dumerecho sa parking lot at nagdrive paalis.

Araw-araw, tinatanong ko parin yung sarili ko, Bakit ka nagsinungaling?

Kahit na sinaktan mo na ako, hinihiling ko parin na masaya ka ngayon kasama siya.

Minahal kita kahit alam ko na hindi mo ako kayang mahalin pabalik at masasaktan lang ako.

Alam ko kasi na hanggang best friends lang tayo, pero ramdam ko na isa na akong stranger sa paningin mo.

Ayos lang, titiisin ko lahat ng sakit, basta masaya ka lang, kahit sa piling ng iba.

Paalam na, aking mahal.

                                                                                                                  Felicity XOXO

                                                                                             

One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon