Unintentional

115 0 1
                                    

Andito ako sa Cavite, sabi ni mama sumama ako sa mga ninang ang ninong ko and tulungan daw sila sa business. Bakasyon naman so pumayag ako, wala din naman ako pupuntahan. 1 month daw ako dito .

Hindi ko alam kung bakit pero pinaempake ng mama ko almost lahat ng dresses ko at mga special occasion outfits and shoes ko, pati bags and accessories ko na minsan o lang suotin, syempre dinala ko din yung comfty clothes ko pati pajamas.

Hindi din sumama si mama dito sa Cavite so kami lang ng family ng Ninong ko, Asawa siya ng kapatid ng papa ko, si Ninang. Ang family ng Ninong ko talaga nagstart yung business at nagexpand na siya. Isa ito sa pinakafamous na company sa buong Pilipinas at ngayon, pinasa na ito sa ninong at ninang ko. Wala silang anak so sabi nila, sila daw yung second parents ko.

"Neng, come here, tulungan mo si Ninong sa business." Lumabas ako para tulungan ni Ninong pero pinigilan ako ni Ninang.

"Neng! Ano suot mo? Magpalit ka may bisita tayo. Maligo ka ng mabilis, ihahanda ko damit na susuotin mo." Currently I was wearing a giraffe onesie at nakasalamin ako kasi nagbabasa ako ng libro sa balcony.

"Okay po, give me 10 minutes." Sabi ko, pumasok ako sa kwarto ko at tinanggal ang salamin ko, kinuha ang tuwalya at pumasok sa banyo ko.

10 mins later

Lumabas na ako ng banyo ko at nilagay ang pajamas ko sa laundry basket at umupo sa kama ko at naglotion. Pagtapos ko maglotion, tumayo ako at nilock ang pinto ng kwarto.

Pumunta ako sa closet at nakita ang hinanda ni Ninang.

Isang maroon dress na loose fitting, long sleeved, round neck hanggang above the knee.

May necklaces din na nakasabit sa hanger at sa baba naman nun ay yung valentinos ko.

Wow, grabe naman ito. Party? Mahihimatay ako dito sa bistida na toh! Ang inet tapos long sleeve? Hay nako ninang. Wala naman akong choice kaya sinuot ko na, tinuyo ko ang buhok ko with a hair dryer at nilagay ko half updo bun. Sinuot ko ang sapatos at bumaba sa dining room.

Pagdating ko dun, nagtinginan sila sakin, pati ang mga bisita nila Ninong.

Umupo ako sa tabi ng ninong ko at sinabing," Ninang said you needed my help?" tanong ko

"ahh oo, I want you to meet the Montereal's. Sila ang magmemerge sa kompanya natin in a few weeks, at siya naman," tinuro ni ninong ang isang lalaki, mukhanamang kaage ko," ay ang boyfriend mo."

Ang boyfriend mo...

Boyfriend mo...

Boyfriend...

Nanlaki ang mata ko nung nagsink in na.

"Ano po?!" napatayo ako at lumakas ang boses ko

"Neng, sit down muna, let us explain." Sabi nung babaeng bisita, si Mrs. Montereal.

Umupo ako, kinuha ang tubig na nakatapat kay Ninang at uminom.

"Ninong, explain." Sabi ko

"Uhh, kasi ano eh, Magmemerge na ang kompanya natin. Napagusapan na nain ng mama mo at napagdesisyonan na ikaw ang heiress ng aming kompanya, at si James," tinuro niya yung lalaki na kaage ko," ang heir ng kompanya nila, at since magmemerge na an gating kompanya, both of you are, well, engaged pero pinalabas naming sa public na ang heir ng kompanya nila ay may girlfriend, at ang heiress ng kompanya natin ay may boyfriend, pero hindi namin pinalabas na kayo talaga." Sabi ni ninong.

Ako? Heiress?

"Teka, bakit po ako?" tanong ko after minutes of silence.

"alam mo naman na wala kaming anak diba? And we gave up on that possibility. Kaya ikaw nalang dahil ikaw na din ang naging anak namin." Sabi ni Ninang.

One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon