Chapter 1 :: START/EPICMOVE

14 0 0
                                    

Liam's POV

Inlove na talaga ako sakanya... unang kita ko palang sakanya patay na patay na agad ako! Ano ba 'tong babaeng to, Ginayuma mo ba ako? Makukuha rin kita someday.. and I will know you and your name.

***

Nandun sya sa Library at pumipili ng libro. Grabe parang akong baliw dito na nakasandal sa pinto at nakatitig sa napakaUnique nyang mata. habang naghahanap sya concentrate sya sa paghahanap at di nya ata ako napapansin na sinusundan ko sya habang tinititigan sya. Lalo ako naiinlove na parang bakla! Hay.

"NALULUSAW NA AKO." nakakahiya takte! Napatitig ata ako ng sobra sobra. di ko alam gagawin ko. Ano sasabihin ko. Its my chance para makilala sya. "Tinitignan ko lng yung mga libro ah ano naghahanap ako, kasi nab-bored ako.." ano ba nakain ko at bat' ko sinabi yun?

"mukha bang Libro mukha ko at nakatitig ka sakin?" Grabe sobrang halata na nya! Potek naman oh kasalanan to ng Ganda nya eh pinipilit akong tumitig sa kanya! "Ah hindi noh, Yang mukha mo? Hindi.." its 100% true.

"Then stop staring at me or else tutusukin ko yan ng ballpen." Ay sunget naman neto. Ganda nga pero ang sungit.
"Okay sorry sorry, chill muna hahaha, Liam Cruz nga pala" mag'dadamoves' lang ako makikipagshake hands ako eh.
"not interested. go away." ouch lang! Sunget naman neto.
"Hindi ako aalis hangga't di mo sinasabi pangalan mo!" Sabi ko sakanya kaso dedma lng pasalamat sya hindi ako magagalitin sa mga babaeng katulad nya. kinalbit ko sya wala parin eh! Alam ko na! Wahahaha!

Pumunta ako sa likod nya at ginulat sya. "AHH!!" HAHAHA yung reaksyon nya parang mahihimatay na hahaha!!

"You two! Out!" Hala didnt expect that.. syempre library eh paoalayasin talaga kami.

Tinignan ko mukha nya, Hala! Kamatis na! Diba pagkamatis namumula or kinikilig eh sya hindi eh, Kamatis na Ininit. Galit ata wah! Ayoko nun!

"Uy! Hahaha sorry na! Unexpected eh hahaha!" Nakakatakot naman mukha neto seryoso lang at nakatayo sa harap ng library.

Kita ko yung kamay nya na parang manununtok. Baka masakit 'to manuntok magkaBlackeye pa ako sayang kagwapuhan ko.

"Unexpected?" Buti kalma-- "What do you mean UNEXPECTED?! THAT IS A LIBRARY!! DO YOU THINK HINDI TAYO PAPALABASIN KAPAG MAINGAY TAYO?! OR SHOULD I SAY IKAW! YOU KEEP ANNOYING ME! AND I ALREADY SAID THAT I.AM.NOT.INTERESTED! DONT EVER FOLLOW ME OR KINABUKASAN NAKALIBING KA NA!" nagwalkout na sya.

Grabe napakahalaga ba ng Library sakanya? Pwede pa naman bumalik bukas Or later diba? tska sa sa kagwapuhan kong ito 'i am not interested' daw?! parang naman di makakabalik O.A lng. Pero kasalan ko eh. Ano ba kasi nakain ko at ginulat pa sya. Yan tuloy dahil sa akin pinalayas kami. What an Epic Move.

Gusto ko magsorry sakanya kaso paano? Edi kinabukasan nasa lupa na ako. Ayoko nun syempre sayang gwapo ko noh! Hahaha. bahala na nga kailangan ko talaga eh. For her :)

ano bang paa ang meron sya? Buong building ko sya hinanap wala parin. Ano ba 'to nakakapagod ah. Ayun! Salamat din at nakita ko na sya umiiyak?!. teka, may namb-bully sakanya. Lagot sakin to.

tumakbo ako palapit at hinila si .. ano ba pangalan neto? Di ko pa pala natatanong mamaya na nga.

"Pre, babae yan. hindi tama patulin ang mga babae."

"Wala ka ng pakielam! Alis di pa ako tapos!" Walanjo tong Lechong buhay na 'to.

"ako nantapusin mo. Kung kaya mo."

Susuntukin na sana nya ako pero naiwasan ko agad. Ako naman sinuntok ko sya sa may tsan nya at napahiga sya. Sabay tingin ng masama sakin at umalis. Diba natakot sa Gwapo skills ko. Hahaha. Wait si ano..

Totally CRAZY for YOU [PAUSED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon