This is a short story guys. :) 20 na chapters lang. Hope you enjoy muuah
All rights reserved. No to plagiarism ;)
---
• What if makita mo siya sa personal? •Ako si Kiara, a big fan of Descendants of the Sun.
Late ko na to napanood dahil nung una akala ko waley lang to. Triny ko itong simulan at mukhang kasisimula pa lang ay tinamaan na ko dito.
Yung bang feeling na kasisimula pa lang, ipinagche-cheer na agad si Captain.
Yung bang kakakita pa lang ni Captain Si-Jin at Doctor Kang, eh kilig na kilig na agad.
Yung bang isang ngiti pa lang ni Captain, eh nafall na kaagad.
Yung bang naiinggit ka sa friendship ni Captain Yoo Si Jin at Sergeant Seo Dae Young.
Yung bang gusto mo na rin maging sundalo o doctor dahil sa kanila.
Yung bang nahahawa ka sa tawa nila o kaya naman iyak nila.
Yung bang nung napanood mo yung earthquake scene eh halos bumaha na ng luha sa bahay niyo sa kakaiyak mo.
Yung bang nung nabaril si Captain eh gusto mong patayin o gumanti sa gumawa nun sa kaniya.
Yung bang tiwalang-tiwala ka kay Captain kapag nasa panganib si Doctor Kang.
Yung bang feeling mo ikaw ang sinasabihan ni Yoo Si Jin ng mga banat niya.
Yung bang tuwang-tuwa ka sa part na lasing silang dalawa.
Yung bang tawa ka ng tawa dun sa wheelchair scene at halos mapakanta ka na ng hala mahulog log log.
Yung bang nung naghiwalay si seo dae young at yoon myung ju eh gusto mong pumasok sa eksena at pagbatiin silang dalawa.
Yung bang nung nawala si big boss at wolf ng isang taon eh halos gumuho na mundo mo pero nanalig ka pa rin na hindi totoo yun, at hindi sila mawawala lalo na't bida sila.
Yung bang ayaw mong tanggapin na tapos na yung DOTS.
Yung bang halos makabisado mo na ang mga kanta sa DOTS dahil sa paulit-ulit mong pinapakinggan ito.
Yung bang save ka ng save ng picture na about sa DOTS at hindi mo pa rin makalimutan lahat ng scenarios dun.
Yung bang hinihingi mong magkapart 2 ang DOTS.
At higit sa lahat, yung bang pinapangarap mo na sana makita mo sila at makilala.
Kung lahat yan napagdaanan o napagdadaanan mo ngayon, apir! Hindi lang ikaw ang nagiisa, karamay mo ang sandamak-mak na tao ngayon.
Nasabi ko na bang... Papunta ako ngayon sa Korea. Oh well well well. Iyon ang hiling ko ngayong 18th birthday ko. To travel alone. No big party, no 18th roses, no gown, no cake, just a travel to Korea.
Pinayagan ako ng dad at mom ko. Wala na rin silang magawa. Spoiled ako eh. hahahaha patola! Syempre sapilitan yun no! Pero sa huli, they give me trust.
Iinggitin ko kayo ng bongga kapag nagkakita kami ni Captain Yoo Si Jin!
Nasaan na nga ba ako ngayon? Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang mga mukha ng korean. Syempre nasa korea ako. Duhhh
Wala pa akong matutuluyan jusmiyo. Nafefeel niyo ba kung gaano ako nahihirapan ngayon? Kakayanin ko lahat makita ko lang si song joong ki. Hehez
Kung saang lupalop na ko napunta wala pa rin akong nakitang hotel na matutuluyan ko.
Lumapit ako sa isang koreana para humingi ng tulong "Hi. I need your help." pero umiling siya at sa palagay ko ayaw niya kong tulungan. Snob si ate. Sinubukan ko uli sa ibang tao pero wala pa rin. Wow ha balak niyo bang patulugin ako sa kalye ngayon?
Pumunta ko ng buo dito, kaya kailangan kong makabalik din ng buo sa Pinas. Kung hindi, baka di na ako makabalik dito.
Umupo ako sa bench sa may gilid ko at napagdesisyunang magpahinga muna. Masakit na tuhod ko sa kakatayo. May jetlag pa ko.
Sana maghimala ngayon. Sana mangyari yung mga nasa palabas. Sana makatabi ko ngayon si Yoo Si Jin.
Alam niyo yun? Yung dahil pinagtagpo kayo ng tadhana, ibabagsak siya mula sa langit para bigyan ka ng munting tulong.
Katulad ngayon. Sa kakaisip ko sa kaniya. Naiimagine ko siyang nakaupo sa tabi ko. Hindi siya nakatingin sa akin. Pinagmamasdan niya lang lahat ng taong dumadaan ngayon. Lumingon siya sa akin at nginitian ako. Ngumiti din ako sa kaniya kaya napailing na lamang siya. Nagsuot siya ng shades pati ng cap. Kinuha ko ang cellphone ko at pasikretong kinuhanan siya. Nababaliw na ko. Baliw na talaga ko.
Nagdadaydreaming na naman ako. Hays "I love you big boss""Sarang hae yo. Haha" nagising ang diwa ko dahil nakarinig ako ng totoong boses. Nakita ko siya. Totoong totoo. Buong-buo.
Kinurot ko ang sarili ko para magising. Pero kahit ilang kurot pa ang gawin ko. Hindi pa rin ako magising.
Feeling ko namumutla na ko ngayon..
"Do you need some help, miss?"
Tumango ako. Kailangan ko ng tulong mo Song Joong Ki. Kailangan mong gamutin ang isip at puso ko. Nawawala na sila parehas. Ninakaw mo ba parehas? Whaaaaaa"I-I'm-" bago pa ko makapagpakilala at makanakaw ng yakap madami na ang tumakbo patungo sa kinaroroonan namin.
Kaya nagmadali na siyang tumayo at sinabing "You're Beauty." kumindat siya sa akin. At para bang mahihimatay na ako. Jusq paano?!
--
Unedited.
princessrocket