C

77 3 1
                                        

•What if kantahan ka ni Song Joongki?!•

"I love you too, kiara." rinig kong aniya mula sa labas ng pinto. He chuckled and giggled hanggang sa tuluyan na siyang naglaho. 

Pumunta ako sa bathroom dahil napagpasyahan kong muling maligo. Nagpakulo muna ako ng tubig kagaya ng karaniwang ginagawa ni mama tuwing malamig ang tubig o kapag umagang-umaga.

Nang tapos na itong pakuluan, inilagay ko ito sa bathtub. Nilagyan ko ito ng liquid soap at binabad ko na ang sarili ko dito.

Bumalot sa buong katawan ko ang maligamgam na tubig. Ipinikit ko ng dahan-dahan ang aking mga mata at dinama ang tugtog na "Secret Love Song" mula sa aking cellphone.

"Why can't you hold me in the street? Why can't I kiss you on the dance floor? I wish that it could be like that. Why can't we be like that? 'Cause I'm yours..." pagsabay ko sa chorus ng kanta.

Maya-maya lang ay nakaramdam na ako ng antok at handang-handa na akong matulog dito ngunit naisip kong mas okay siguro kung sa kama na lang ako aabutan ng tulog.

Nagbihis na ako at ramdam ko ang bango ng akin balat. Ang sarap sa pakidamdam. Pinihit ko ang doorknob at sakto pagkabukas ko nito, may bumungad sa aking pagkatangkad-tangkad na lalaki. Tiningala ko ang aking ulo at nakita kong si JoongKi ito.

Hinila niya ako palabas ng cr at itinulak niya ako sa pader. Tinitigan niya ako at ganun din ang ginawa ko. Yung mata niya nakakatakot. Nagkukulay apoy na ito. Itinulak ko siya pero mas lalo siyang lumapit sa akin.

"A-are you drunk?" tanong ko na may buong takot sa boses.

Siniil niya ako sa halik at alam kong hindi ito tama. Lasing siya at hindi ko dapat itake advantage ang pagkakalasing niya.

Pinilit ko muling itulak si Joongki ngunit imbis na siya ang masaktan eh ako ang naumpog ng malakas sa pader.

"Whaaaaaaaaa!!!" napahawak ako sa ulo ko at napatingin sa paligid. Mabilis pa rin ang paghinga ko.

Panaginip lamang pala iyon. Whoo buti naman! Pero whaaaa ang sakit ng ulo ko. Tumayo ako at binuksan ang kurtina upang makita ang liwanag na nanggaling sa labas. Sunod akong dumiretso sa ref upang kumuha ng yelo. Dahan-dahan ko itong inilapat sa ulo ko.

1 unread message 6:26 am

Binuksan ko ito at nakita kong mula ito kay Joongki.

Big boss

Goodmorning. Have a good day ;)

Simula kahapon, mas naging madalas ang pagtetext at pagtawag sa akin ni JoongKi. Masaya siya kausap. Nakakatawa. Nakakakilig. Nakakatuwa.

I'm starting to see his other side. How I wish na sa akin lang niya ipinapakita iyon, at hindi sa lahat ng fans.

Nireplyan ko siya ng Goodmorning din pero hindi pa siya nagrereply. Siguro may shoot o kaya naman ay busy. 

Buong araw akong nagstay sa isang park, ninanamnam ang kagandahan ng Cherry Blossom Tree. Nagselfie ako nang nagselfie dahil wala namang pake ang mga tao dito sa akin. Nakuha ko pa ngang tumawag ng iba para lang mapicturan ako ng whole body.

"Sir..sir! Excuse me? Can you do me a favor?" Inilahad ko sa kaniya ang phone ko pero tinignan lang niya ito ng nakakunot ang noo at bumaling muli sa akin.

Pumose na ko at nakikita kong medyo tumatawa-tawa pa si kuyang gwapo. Inilahad niya pabalik sa akin ang phone ko at nang tignan ko ito nakita kong isang maayos na picture lamang ang kuha niya sa akin at ang iba ay puro selfie na.

"Aba loko ka ah!" sigaw ko sa kaniya ng medyo malayo na ang agwat niya sa akin. Tumingin siya sa akin na may gulat sa mukha. Lumapit siya muli sa akin at "Aba, sino ang loko ha?"

Ngumiti siya ng mapangasar habang nakanganga naman ang bibig ko sa sobrang gulat. Tinignan ko mabuti ang mukha niya at hindi talaga mahahalatang may dugo siyang Pnoy sa unang tingin.

Yung mata niya medyo singkit pero ang nakakapukaw pansin duon ay ang eyelashes niyang mas mahaba pa sa eyelashes ko.

Maputi siya. Matangos ang ilong. Hindi gaanong manipis ang labi. At higit sa lahat, halos perfect na ang jawline niya!

Tinalikuran ko siya at nagdabog-dabog pa. Narinig ko ang pagtakbo niya palapit sa akin at nang makalapit na siya ng tuluyan sa akin, hinila niya ako na naging dahilan para bumagsak ako sa yelo.

Dalian niya akong itinayo pero mas ikinagulat ko nang pagpagan niya ang pwetan ko. (a/n: sorry for the word)
Humarap ako sa kaniya ng may nanlilisik na mata at binigyan siya ng isang malakas na sampal. "Bastos!" sigaw ko bago tuluyang lumayas sa harapan niya.

"Ang bastos niya! Akala ba niya porket nandito ako sa lugar niya eh pwede niya na akong ganunin? Aba, baka gusto niyang paliparin ko siya sa Pilipinas para duon siya ipabugbog! Gwapo sana, bastos lang. Hmp!" bulong ko na pasigaw. Feeling ko umuusok na ang ilong at tenga ko sa sobrang galit dun sa lalaking yun!

"Miss! Miss!" siya na naman?! Nakakainis naman talaga oh!!!

"What?! Pwede ba tigilan mo kakasunod sa akin! Baka gusto mong sumigaw ako dito ng rap*!!" pagbabanta ko sa kaniya. Medyo namula ang pisnge niya, na siguro ay dahil sa hiya at pati na rin sa sampal.

"Look miss. Im so sorry, okay? Nawala lang sa isip ko na, you're a Filipina and you're not that open-minded." mas lalo akong nainis sa huling sinabi niya. Sasampalin ko dapat uli siya pero umilag agad siya at "I mean.. ano.. syempre diba, Dalagang Filipina." itinaas ko ang kilay ko, naghihintay sa susunod niyang sasabihin.

"Relax, miss. Ibabalik ko lang 'tong panyo mo."ngumiti siya sa akin  at nakuha pang magpacute.

"I gotta go, miss. By the way, I am Zeke. Bye!" Gusto kong sumigaw ng "Wala akong pake" pero nakakahiya naman kaya hindi ko na itinuloy.

Umuwi na ako dahil nawala na ako sa mood.

Kumain ako ng kumain at nanood lamang ng DOTS . Hindi ko namalayan na 10pm na pala. Ganoon ba katagal manood ng kalahating episode?

Sumulyap ako sa cellphone ko at nakita ko ang 5text messages at isang tawag mula kay Joongki. Kinuha ko ito at sinubukan siyang tawagan. Buti na lamang dahil sa pangatlong ring ng phone ay sinagot niya na ito.

SJK: How's your day, kiara?
Me: Honeslty, my day's boring. But then you call me, so now my day is totally complete and happy. (laugh)
SJK: Well, I feel the same. Aren't you going to sleep?
Me: I'd like to hear you sing before I sleep.
SJK: Sure, kiara.

Kinantahan niya ako ng Always hanggang sa matapos niya ang chorus. Nagpaalam na siya sa akin, at ganon din naman ang ginawa ko kahit gusto ko pa siya marinig.

Mali ba na hilingin kong maging ganto na lang kami forever? Hays..

---

Big Boss's BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon