•What if maka-coffee date mo si Hye Kyo?•
2 days...
Sa tuwing naiisip ko kung gaano kabilis ang oras at sa tuwing naiisip ko na kailangan ko nang iwan ang Korea sa mga susunod na araw ay napapabuntong hininga na lamang ako. Gustuhin ko mang manatili dito ay hindi na talaga pwede.
"Are you okay, Kiara?" kasalukuyan akong nasa tent ni Joongki. May meet and greet kasing magaganap mamayang 10am.
"Y-yes, of course I am." Nauutal kong sagot sa kaniya. Napalingon ako sa pinagkakaguluhan ng mga photographers at nakita kong si Hye Kyo ito. Nakatulala lang ako sa kaniya hanggang sa marating niya ang pwesto namin.
"wow" bulong ko sa aking sarili. Ang ganda niya! Kung sa screen nga ay maganda siya, mas lalo na sa personal!
Lumapit siya sa amin at sinalubong naman siya ni Joongki ng halik. Namula ako sa inggit, or should I say selos ang nadarama ko? Lumingon siya sa akin at ngumiti ng malapad.
"Hi kiara. It's very nice to meet you." kinamayan niya ako at mas lalo akong nanginig ng nahawakan ko ang malambot niyang palad.
"How to be you po?" bulong ko na alam kong hindi maririnig ng kahit sino man sa kanilang dalawa.
Umupo kaming tatlo sa sofa. Habang naguusap silang dalawa, inabala ko ang sarili ko sa pagcecellphone. Hindi ko maintindihan ang pinaguusapan nila kaya hindi na akong nag-abalang makinig pa o maging chismosa.
Maya-maya lang ay kinailangan na ni Joongki na lumabas kaya naman nagpaalam siya sa akin at pinangakuan akong babalik din siya agad kapag natapos na ang kanta niya.
"You're more beautiful than how Joongki described you. Whenever we're having a talk, he never forget saying your name." Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Totoo ba 'yun? Walang halong biro? Sa totoo lang, kinikilig, nagtataka, at ang saya-saya ko ngayon. Hindi ako makapaniwala. Yung bang it's too good to be true.
"Can you come with me, Kiara?" tumango na lamang ako kahit hindi ko naman alam kung saan kami pupunta.
Nakita kong dumiretso siya sa isang cafe at umupo sa may bandang dulo.
Ngumiti siya sa akin bago umupo. Umupo ako sa harap niya at pinagmasdan siya habang pumipili ng order niya. Napatingin siya sa akin na naging dahilan para magpanic ako at daliang ibaling ang mga mata sa menu. Umorder ako ng fettuccine carbonara at isang caramel latte.
Noong una ay tahimik lang kami parehas hanggang sa mag-open siya ng topic sa akin. Napagusapan namin ang lahat ng tungkol sa DOTS. Kung paano ito ginawa at kung gaano kasaya katrabaho ang casts ng dots.
"When is your flight back to the Philippines?" tanong niya habang iniinom ang kanyang kape. Nakita ko ang pagkaelegante at classy niya kahit umiinom lang siya ng kape. Grabe!
"This friday morning." matipid kong sagot sa kaniya. Honestly, nahihiya pa rin ako sa kaniya hanggang ngayon.
"Really? How I wish that I can be with you, shop or girl-talk with you before you leave the country." medyo nag-pout siya kaya naman agad kong sinabi sa kaniya na pwedeng-pwede naman namin iyon gawin bukas kaagad. Sabi niya pa sa akin ay isasama niya si Joongki. Tagabitbit daw ng pinamili namin si big boss, biro niya sa akin.
Nag-ring ang cellphone niya at sinagot niya ito kaagad. May kinausap siya doon at sandali lang ay inaya niya na akong bumalik sa tent dahil hinahanap na daw siya.
"Ladies, shall we?" simple pero nakakatindig balahibong tanong niya sa amin.
Una niyang hinatid si Hye Kyo at sumunod naman ako. Nagkwentuhan pa kami tungkol sa mga nangyari kanina. Nagopen din ako sa kaniya kung gaano ako kasaya na nakacoffee date ko si Hye Kyo. "Grabe! Yung amoy ng damit niya kapit na kapit pa rin sa kamay ko. Yung kagandahan niya, nasagap ko!" sabi ko kahit hindi niya ako maintindihan." This is one of the best day ever. Thank you, Joongki. Thank you for making my day happy."
"Thank you, Kiara, for you make my every day special." he leans towards me and gives me a quick kiss on my forehead.
Ano nga ba tayo, Joongki? Ano nga ba ako sayo kung mayroon ka ng Hye Kyo?
---
Please let me know kung itutuloy ko pa to :)