Sabi ng isang reader, may forever daw sa wattpad. Totoo kaya?
---
• What if makausap mo siya ng harapan? •Kasalukuyan akong nasa hotel. 6am na at mamaya-maya kailangan ko na rin bumangon para pumunta sa studio kung saan pepwede kong makita si Yoo Si jin. Nagiisip ako ngayon kung paano ako makakapagpapicture sa kaniya.
Alam kong iniisip mo ngayon na swerte ako. Pero te okay lang yan, cheer up! Malay mo next time ikaw naman ang swertehin.
Siguro itinadhana talaga kami para sa isa't-isa. Oha oha! Hindi masamang mangarap! Hahahahahaha
Tumayo ako at kinuha ko ang notebook ko na punong-puno ng sulat tungkol sa fangirling.
Binuksan ko ito sa first page at ito ang bumungad sa akin.
Fangirls
Sila yung tunay magmahal.
Sila yung loyal.
Sila yung maeffort.
Sila yung friendly.
Sila yung masaya kasama at kausap.
Sila yung matapang at kaya kang ipaglaban.
Tama naman diba? Diba?!
Tumayo na ako at napagdesisyunan na magayos na. Ginamit ko ang binili kong shampoo, conditioner, at sabon na amoy peppermint.
Blinower ko ang buhok ko at plinantsa rin. Naghalf bun ako. Yung paariana grande pero imbis na ipit lang yung sa tuktok eh nakabun. Imaginin mo na lang, aba! Isearch mo para masaya.
Isinuot ko ang white longsleeves ko na parang dress na sa super haba at tinernohan ko ito ng ripped jeans. Ribbon na black ang ginamit ko imbis na tie. Yung bang suot ni Sandara sa Penshoppe. Gamit kong sapatos ngayon ay ang Kitten Heels, ayoko naman magstiletto baka kasi kapag kailangan ko tumakbo eh hindi ako makatakbo kaagad sa taas ng heels ko. Nagdala din ako ng hand carry na bag na ang laman ay puro pictures ni Yoo Si Jin na balak kong papirmahan sa kaniya.
Pag kalabas ko, naramdaman ko kaagad ang lamig. Nagsitaasan ang balahibo ko sa ginaw. Hindi kaya ng longsleeves ko ang lamig dito ngayon. Wala naman akong jacket. Nakakainis.
Pumunta na ko sa studio at pumila sa mga nagpipilahan. Ito siguro ang pila para makapasok. Guest ngayon si JoongKi.
Unti-unting umusad ang pila at ng ako na ang susunod bigla namang sinabi na, cutoff na daw. Halos magwala na ko. Pero ayoko namang gumawa ng issue kaya pumunta ako sa isang sulok. Dito na lang ako maghihintay.
Pinapanood ko lang ang mga dumadaan. May nga nakita kong pamilyar na muka na sa tingin ko ay mga artista din dito sa Korea. Napapalibutan sila ng mga guards kaya naman talagang walang masyadong makapagpapicture sa kanila.
Naghintay pa ko ng 30mins hanggang sa makatulog ako ng nakatayo.
zzzz..
Naalipungatan ako ng may mga tumili. Nakita ko si Joongki pero medyo malayo na siya. May namuo na luha sa gilid ng mata ko. Gusto ko na talagang umiyak pero hindi pwede papanget ako. Huminga ako ng malalim at kumawala ang isang mabigat na buntong hininga.
![](https://img.wattpad.com/cover/69647253-288-k215569.jpg)