"Zhaimae!" Ginigising ulit ako ni mama
"Ahhhh" Nagulat nalang ako at pumuntang banyo
"Ay Zhaimae kanino nga pala galing yung delivery box!?" Tinanong niya saakin habang ako ay naliligo
"Ahhhh kay Niel!"
"Ahhhhh"
Nung tapos na akong maligo pumunta na ako sa kwarto ko at nag-bihis
Hangang ngayon nag tataka parin ako kung anong ibig sabihin ng 143 parang code yun ng mga mumu ehh nakakakilabot
Pagkatapos kong mag-bihis bumaba ako at may tinanong ako kay mama
"Mama alam mo yung ibig sabihin ng 143?" Nung tinanong ko yun kay mama hindi siya nakapag sagot at ngumiti lang siya na paran kinikilig
"Bakit mo tinatanong?"
"Wala lang kasi doon sa delivery box may sinulat si Niel sa malaking paper na 143" Hangang ngayon nakangiti parin si mama may meaning ba yung 143?
"Tara na nga kain na tayo!" Sabi ni mama
Pinipilit ko ng pinipilit si mama kung anong ibig sabihin nun pero ayaw parin niya saakin sabihin
"Sige mama aalis na ako" Nagpaalam na ako kay mama
Pagkalabas ko ng village naghihintay ako ng jeep
Pero bago yung jeep ay may tumigil na sasakyan kulay itim at malaki t may nag beepbeep
P-parang kay Niel yang sasakyan yan ah
"Hoy Zhaimae sakay kana!" Sigaw saakin ni Dave kaya sumakay na ako
"Hay nako hindi ko pala alam na ipapasakay mo ako dito kahit papuntang school" Sabi ko kay Niel
"Eh crush ka niyan" Sabi saakin ni Dave at hinampas ko siya
"Aray grabe siya" Sabi ni Dave
"Ay oo nga pala alam niyo yung ibig sabihin ng 143?" Tanong ko sakanila at kitang-kita ko kay Niel na parang kinalabahan habang nag dadrive
At nagtinginan silang apat na gulat na gulat
"143!?" Gulat na gulat talaga sila kaya napa sigaw si Jacob
"Bakit sinong nag sabi nun?" Tinanong saakin ni Donny
"Basta sasabihin ko sainyo mamaya but first anong ibig sabihin nun?" Tinanong ko sakanila pero parang shock na shock sila may cursed ba yun?
"Sasabihin naba natin?" Tinanong ni Dave at patingin tingin lang siya sakanila
"Wag! Wag niyong sabihin" Bigla naman sumulpot si Niel habang yung kamay niya naka stop action
"Ohhh!" Nagulat si Jacob at tinuro niya si Niel
"Ikaw ba nag sabi nun?" Tinanong ni Dave habang tinutro niya si Niel
Pero si Niel parang kinakabahan na ewan
"Sabihin na nga natin yung ibig sabihin nun" Sabi ni Dave
".........I LOVE YOU!" Sinigaw nila
"I-I-I love you?" Sinabi ko sakanila at tumango nalang sila
At kitang-kita ko kay Niel na maiiyak sa narinig niya
"Ok Zhaimae tell the truth sino nag sabi nun?" Kinabahan ako sa tanong ni Jacob dahil kasi baka asarin ako eh
"Si-si-si N-Niel" Sinabi ko at sila parang gulat na gulat
"Ah" Biglang pumalkpak si Dave
"Sabi ko na nga ba eh may gusto talaga sayo si Niel!" Sabi ni Dave at ako parang hindi makapaniwala, si Niel naman parang mamamatay sa narinig niya hindi maiiyak mamamatay
BINABASA MO ANG
One Of The Boys
RandomSa lahat ng mga babae mas masaya kasama ang mga lalaki Ano kaya ang feeling maging One Of The BOYS? Sila kaya ang magiging turi niyong pamilya or sila kaya ang lagi niyong pwedeng maasahan Pwede mong asarin at pwede mo ring paluuin kung may nangy...