"Zhaie, gising na" Rinig ko yung pag gising saakin ni kuya Nimby, pero parang
ayaw ko parin bumangon"Yuhoo! Gising" Hindi parin ako magising
"Tignan niyo magigising toh" Rinig ko rin magsalita si NielHala ano kaya yung gagawin niya saakin--
*pshh*
SHET ANG LAMIG
Binuhusan ako ni Niel ng malamig na tubig, luh bwiset ka basa na ako
Sinubukan ko narin magising, at buti naman nagising narin ako
"HAHAHAHAHA!" Narinig ko yung malakas nila na tawa, nakakainis kayo ah, bwiset ka Niel papatayin kita
"Nakakainis ka Niel binasa mo ako, ang lamig pa naman" Simangot ko sinabi sakaniya at hindi parin siya pumipigil sa kakatawa, SHET KA!
Sa sobrang inis ko bumaba agad ako sa sasakyan, nandito na pala kami sa mall, nakita ko rin na sinundan nila akong tatlo, pero hindi ko sila pinapansin
"Zhaie! Sorry na" Hindi ko parin pinapansin si Niel at tuluyan pa ako maglakad
"Sorry ok sorry!" Sigaw pa niya, lumingon nalang ako sakaniya para manahimik na, ang lapit niya saakin shet
"Sorry" Tumango nalang ako sakaniya pero hindi yun yung ibig sabihjn na forgiven na siya hahahaha
"Hoy baka langgamin kayo diyan!" Sigaw ni ate Nisha, langgamin? Bakit lalanggamin? Anong meron?
"Pumasok na nga tayo sa loob" Aya ni ate Nisha, tumango nalang kaming dalawa at pumasok na kami sa loob
"Saan niyo gustong pumunta?" Tanong saamin ni ate Nisha, naging maligaya na ako dahil gusto ko pumunta ng Timezone
Tinaas ko ang kamay ko habang nakangiti
"Timezone!" Napatingin lahat sila saakin pati ang nga tao, so anong tinitingin tingin niyo? May problema ba kayo? Gusto niyong tumilapon sa Antartica?
Binaba ko ang kamay ko at ngumiti nalang ako sakanilang tatlo
"Tara ba!" Sigaw ni Kuya Nimby, tumango nalang silang dalawa at pumunta na kami sa timezone
Pagkapasok namin sa timezone sabi saamin ni ate Nisha na kampi kampi daw, kakampi ko si kuya Nimby, si ate Nisha naman si Niel, kung sino daw ang pinakamaraming tickets sila ang panalo at yung talo naman yung maglilibre ng Dairy Queen, nag agree naman silang lahat at naghiwalay na kami para maglaro
"Saan tayo?" Tanong saakin ni kuya Nimby
"Ayon oh" Sabi ko habang tinuturo ang isang section na laro, madami din kami nakuha na tickets, pagkatapos naming maglaro pumunta agad kami kung saan kami kanina
Pumunta rjn kami sa cashier at nakita namin na 1,000 ang amin at kela Niel naman 920, yuuhhhoooo panalo kami
"Oh diba panalo kami, monehey monhey" Pagyayabang pa ni kuya Nimby, tinignan ko siya ng masama at nagulat naman siya sa tjngin ko
"Oh bakit?" Takot na tinanong ni kuya Nimby, hinampas ko muna siya sa braso, umaray naman siya
"Ang yabang mo, halos ako nga nakapanalo lahat eh" Hinampas ko ulit siya, yeh hindi pa kami close pero ginanahan ko ko gawin yun sakaniya
"Eh hindi naman pala ikaw eh, kay Zhaie lang yung ice cream wala ka" Pang-asar pa ni ate Nisha
"Hala hindi naman sa ganon eh, ang daya niyo" Natawa nalang kaming tatlo
"Hindi joke lang pumunta na tayo sa cashier at piliin na natin ang gusto niyo" Tumango nalang kami kay ate Nisha at kinuha ko yung malaking teddy bear 500 siya, si kuya Nimby naman Headphones siya 800 yun pero kulang, ng 300, kaya binigyan nalang ni Niel at ate Nisha ng 300 para makabili siya ng headphones
BINABASA MO ANG
One Of The Boys
De TodoSa lahat ng mga babae mas masaya kasama ang mga lalaki Ano kaya ang feeling maging One Of The BOYS? Sila kaya ang magiging turi niyong pamilya or sila kaya ang lagi niyong pwedeng maasahan Pwede mong asarin at pwede mo ring paluuin kung may nangy...