Chapter 14: Tadhana kaya?

8 1 0
                                    

Pupunta na dapat ako kila Niel kaso lang napansin ko na wala si Jacob kaya pagkatingin ko sa gilid ko nakaupo si Jacob sa duyan nila na parang may pinagdadaanan

"Teka lang" Sabi ko sakanila at tumango nalang sila

Pumunta ako sa duyan at tumani ako kay Jacob

"Bakit?" Tinanong ko kay Jacob pero hindi siya nagsasalita at nakatingin lang sa harapan

"Huy ano ka pipe hindi nagsasalita?" Sinabi ko sakaniya at ngumiti lang siya

"Ah alam ko na dahil ba sa kanina kaming dalawa ni Dawn?" At nanlaki yung mga mata ni Jacob at hindi nalang ulit nakapagsalita

"Bakit ba ayaw mo magsalita?" Tamad na tamad magsalita tong lalaking toh kapag hindi toh magsalita makakatikim yan saakin

"Ang dami kasing nangyari na malas sa birthday ko ngayon" Naawa naman ako sa sinabi niya. Ngayon ko din na realize na dahil saakin nangyari toh lahat

"Alam ko na yan dahil saakin" Palunkot kong sinabi sakaniya pero siya wala lang din

"Uy sorry na oh hindi nayan mauulit" Palunkot ko rin sinabi sakaniya

"Ok lang yun" Parang palusot pa niyang sinabi

"Ehhhh alam ko naman na hindi kaparin ok eh" At tumingin saakin si Jacob at ningitian nalang niya ako

"Sabi ko sayo ok na ako tutal lahat naman ng tao nagkakamali diba?" At hinawakan niya yung balikat ko at tumango nalang ako

Pero sa totoo lang medyo nagiging guilty ako sa mga ginawa ko feeling ko hindi masaya si Jacob ngayon sa birthday niya dahil-dahil saakin dahil kay Dawn at kay Ms. Geraldine

"S-s-sigurado k-ka?" At nagsimula na tumulo yung luha ko nagpipigil nga ako kaso lang hindi ko kaya eh hindi ko narin keri

"Oh bakit ka umiiyak?" Tinanong saakin ni Jacob at natatawa nalang siya

"Ang OA mo naman Zhaimae" Patawa niyang sabi saakin

"Eh kung ikaw kaya may kasalanan ka sa birthday ng matalik mong kaibigan hindi ka kaya maiiyak doon sa ginawa mo?" Ang lakas na nga ng pag-iyak ko pero si Jacob natatawa nalang saakin sa mga sinasabi ko sakaniya

"Kasalanan ano bang kasalanan mo?" Palusot pa niyang sinabi eh nakakainis na siya baka mamaya sumabog na utak ko sakaniya eh

"Sus naman Jacob palusot kapa eh bwiset ka talaga" Natawa nalang siya at niyakap niya ako

"Zhaimae kaibigan kita dapat hindi mo ikaiiyak yan" Ay wow ah ganun ang pagsabi niya ah

"Eh siyempre iiyak talaga ako kaibigan kita siyempre pag may kasalanan ako sa pinakamalapit kong kaibigan iiyak talaga ako kasi alam ko na may kasalanan ako sayo" Sabi ko sakaniya at hinigpitan ko yung pagyakap ko sakaniya

"Ok lang yan Zhaimae I forgive you" Napangiti nalang ako sakaniya at tinangal ko yung pagyayakap ko sakaniya

"Sorry na talaga Im sorry" Hangang ngayon ang lunkot ko parin talaga eh

"Oh bakit ka umiiyak parin?" Tinanong niya saakin at pinunas ko yung luha ko ano bayan masyado naman ako OA pinapakita ko pa sakaniya yung OAyan ko talaga

"Oh ano hindi kapa kakain?" Tinanong ko sakniya

"Oo kakain na ako samahan mo ko" Niyaya niya pa talaga ako hindi niya ba kaya kumuha ng sarili niya?

"Sige na nga!" At sinamahan ko siya kumuha ng pagkain mukua naman kasi na hindi nauubos ito ang dami naman kasi eh

Kumuha narin siya ng plato at nakita ko kumuha din siya ng manok at kanin parang ako kaso lang nilgyan niya yung plato ko ng palabok at nilagyan din niya yung sarili niya na palabok ano yon twins lahat talaga parehas pati pagkain?

One Of The BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon