Chapter 8: Tragedy

55 0 0
                                    

Rex's POV

"Johnny! Gumising ka Johnny! Idilat mo yang mata mo!" Niyuyogyog ko na yung katawan nya pero hindi parin sya magising.

"TULONG!" Ano bang nang yayare sayo Johnny?!

Si Ruby papalapit na dito..

"Ruby! Bilis kailangan na natin siyang madala sa ospital! Tawagan mo na rin ang Mama nya!"

"Anong nangyare Rex?!"

"Hindi ko alam. Basta nabuwal nalang sya! Bilis tumawag ka na ng tricycle!"

Nakahanap na ng tricycle si Ruby..

Binuhat ko na si Johnny at pinasok ko sa tricycle, kasama nya sa loob si Ruby. Habang ako nandito sa likod ni Manong Driver.

"Manong sa ospital. Pakibilisan lang po!" Inistart na ni manong ang tricycle at umalis na kami..

Naririnig ko sa loob si Ruby kausap ang mama ni Johnny..

"Tita, Ruby po ito.. si Johnny po bigla nalang po nawalan ng malay.. opo.. dinala na po namin sya sa ospital malapit sa school.. sige po ingat po kayo."

"Ruby. Anong sabi ni Tita?"

"Papunta na sya."

Nandito na kami sa ospital. Idinaan na namin sya sa emergency room at inihiga ko na sya sa stretcher. Dinala namin sya sa emergency room.

Habang hinihintay namin ang mama ni Johnny, hindi naman maiwasang mag tanong ni Ruby..

"Rex. Ano ba talaga nangyare?"

"Hindi ko nga alam. Basta nalang syang nabuwal."

"Meron ba syang huling sinabi? Bago sya nabuwal?"

"Diamond."

"Anong meron kay Diamond?"

"Yon yung huli nyang sinabi. Diamond."

"Bakit si Diamond?! Ano bang sinabi mo sa kanya?"

"Sinabi ko lang na umalis na sila Diamond kasama ng pamilya nya sa Australia. Yun lang."

"Si Diamond ang mahal nya."

"Oo. Matagal na. At ikaw mahal mo siya."

"Pano mo nalaman?!"

"Kita naman sayo na nag seselos ka kay Diamond eh."

"Rex? Ruby? Asan si Johnny?!" Eto na pala si Tita.

"Tita nasa emergency room po."

"Kumusta sya?"

"Hindi pa po namin alam tita. Hindi pa po lumalabas yung doctor."

Bumukas yung pintuan ng emergency room at lumabas yung Doctor..

Tumayo kami nang lumapit sya samin..

"Kayo po ba ang ina ng pasiyente?"

"Opo. Ako nga po. Kumusta napo ang anak ko?"

"Ang anak nyo po ay merong skull fracture."

"Skull fracture?! Panong nangyari yun doc?"

"Yun po ay dahil sa matinding force na tumama sa ulo ng anak nyo po. Kadalasan po dito ay yung mga nababagok."

"Pero sabi ng anak ko gasgas lang daw yung nasa ulo nya."

"Hindi po yun gasgas. Maaaring gasgas po sya from outside pero yung skull po nya ay sobrang laki po ng crack."

"Magkano po aabutin yung operation?"

"Mga nasa hundred thousand po."

"Buti naman at medyo maliit lang na halaga."

"Pero ang magiging epekto po ng operasyon nating gagawin ay mag kakaroon po sya ng..

AMNESIA.

To be Continued..

Author's Note:

Salamat po sa pagsubaybay ng kuwento ni Johnny! 😁
Ano napo kaya ang mangyayari sa kanya? Ngayong mag kakaroon sya ng amnesia? Abangan nyo po ang next update. 😁

Please vote or share this Story sa iyong pamilya o mga kaibigan. 😊

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paasa Nga BaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon