Chapter 1: Diamond

587 12 8
                                    

Isang maganda araw nanaman para saken.

Ay oo nga pala! Ako nga pala si Johnny! 14 years old! Grade 9 student sa isang hindi magandang private school..
ANG HOGWARTS INSTITUTE! Ang pangalan? Oo maganda ang pangalan pero ang campus ang problema..

May mga kalat sa hallway, may mga bote bote pa, KALA MO DUMPSITE EH!

Tyaka meron ding magandang binti..

Teka anong binti? Kanino ba to?

"Hi Johnny!" Si Diamond lang pala, siya ang aking ultimate crush since grade 7 palang ako, siya ang babaeng gusto kong makasama habambuhay (Echos lang!) Syempre kailangan muna makapag tapos bago ang lahat.

"Hello Diamond! Musta weekend?" Malambing kong sabi sa kanya na may konting kilig.

"Eto masaya! Nag sleepover kase samen nung saturday si Jude." Si Jude, ang Boyfriend nyang alam kong lolokohin lang sya. Di ko nga alam kung tanga ba si Diamond o sadyang mahal lang nya talaga.

"Sige punta na ko ng room ko!" Naiinis talaga ko sa Jude na yun ang yabang yabang naman kase. Bat ba kase si Jude pa? Pede naman ako? Cute naman ako, malambing, medyo matalino, yun lang nga..

Marami nakong naging past sa lovelife..

Lagi nalang kase akong iniiwan sa ere, na parang walang nagyare.. PERO KAHIT GANON TULOY PARIN ANG BUHAY!

Papunta pa lang ako sa room namin narinig ko na agad ang familiar na boses na lagi kong naririnig..

"Johnny! Ang tagal mo naman! Kala ko late ka. Hahaha!" Si Rex, ang kaibigan kong tunay. Since Grade 7 palang ako siya na ang kaibigan ko. Sa kanya ko napatunayan na mayroong forever! HAHAHAHA!

"Oh? Ano nanaman? Pustahan may balita ka ulet." Sabi ko sa kanya habang nag pipigil ako ng tawa.

"Pano mo nalaman? Hahaha! Echos lang. Pre! May balita ko sayo na nakalap ko pa sa mga chismosa at mala paparazzi nating kaklase." Sa pag kakasambit nya, para syang nag pi-fliptop.

"Oh? Ano nanaman yan?" Sabi ko sa kanya na may halong pag tataka.

"Si Jude pare.. may ibang babae." Sa narinig ko.. parang lumabas ang pagiging HULK KO! Pero bago pa mahuli ang lahat..

Kailangan kong sabihin ito kay Diamond.

"Oh. Pre san ka pupunta?" Hindi ko sya pinansin, dahil sa mga sandaling ito ang gusto ko lang ay malaman ni Diamond na may ibang babae si Jude. Sinasabe ko na eh.. alam kong sasaktan lang sya ng hinayupak na SHREKROK na yon.

"Pre! Mag hunus tili ka!" Sigaw nya saken habang nakahawak sya sa braso ko.

"Pre.. alam mo naman na mahal ko na si Diamond. At alam mo rin na ayaw ko syang nasasaktan, kaya ang mag sawalang kibo ay katangahan lang pre!"

Natameme sya, mukhang napag tanto nya na tama ako.

Habang tumatakbo ko sa hallway, nakita ko si Gem at Ruby.. ang dalawang tapat na kaibigan ni Diamond.

"Nakita nyo ba si Diamond?" Tanong ko sa kanila.

"Oo, nandun sya samay cafeteria." Sagot saken ni Ruby.

Dali dali akong tumakbo sa cafeteria.. ayun! Nakita ko syang naupo at parang walang alam sa mga nang yayare sa paligid.

"Diamond! May gusto kong sabihin sayo na kailangan mong malaman." Sabi ko sa kanya habang nag hahabol ako ng hininga.

"Ano yon Johnny?" Tanong nya sakin na may halong pag tataka. At sa may bandang gilid nang aking mata, nakita ko si Jude na papunta sa direksyon namen..

Hinintay ko talaga syang maka lapit at..

"JUDE!" Sigaw ko sa kanya habang naka akmang susuntukin.. at.. *BOG! Tumuwad si Jude habang dumudugo ang kanyang ilong sa lakas ng suntok ko.

"Ano bang problema mo?!" Galit na tanong sakin ni Jude. Hindi ko talaga napigilan ang sarili kong suntukin si SHREKROK.

"Diamond.. niloloko ka lang nya.. meron syang ibang babae." Marahan kong sinabi sa kanya ang lahat para maintindihan nya. Habang si Shrekrok nakahandusay parin.

"Diamond. Sinong paniniwalaan mo ako na Boyfriend mo? O sya?" Aba! Pinamimili pala talaga. Ang mukha naman ni Diamond ay parang naguguluhan kung sino saming dalawa ang dapat nyang paniwalaan.

"J-Jude.. oo boyfriend nga kita pero si Johnny iba sya eh.. tapat sya saken at hindi nya masasabe yon kung gusto ka lang nya siraan, pero feel ko na kaya lang nya yun sinabe kase ayaw nya kong masaktan." Sa sinabing yon ni Diamond.. gumaan ang pakiramdam ko.

Biglang tumakbo palayo si Diamond at parang umiiyak. Sinundan ko sya sa may puno ng bayabas malapit sa school gate.

"Salamat Johnny.. kasi sinabe mo agad saken." Sa pag kakasambit nya sakin ng mga salitang yon.. napuno ako ng pag aasa.

"Ayy. Dapat nga akong mag sorry sayo eh.. kase parang nakielam ako sa relasyon nyo." Medyo pahumble pa ang peg!

"Hindi ka dapat nag sorry. Pero ayos lang saken. ^_^ Teka ano tong nararamdaman ko? Parang may dumikit sa mga labi ko.

ITUTULOY..

Hi guys! Sana nagustuhan nyo ang first story ko! Basta kapag nag karoon ng kahit isang view. Mag uupdate agad ako!
RIGHT AWAY!
ATTTTTT! Based to sa buhay ko. ^_^

Paasa Nga BaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon