Chapter 2: The kiss of an Angel

281 4 0
                                    

Hindi ako makapag salita..

para akong istatwa..

totoo ba talaga to? Kung panaginip lang ito sana wag na kong magising..

hindi ko maialis ang mukha ko sa kanya..

Parang may sariling pag iisip ang utak ko..

"Ayy sorry Johnny! Sorry talaga! Hindi ko sinasadya!" Natatarantang sagot nya sakin. Para bang hindi nya gusto ang nangyari.

"Ayos lang sakin.. alam ko namang hindi mo gusto ang ginawa mo." Whoah! Ang sarap sa feeling! Parang pinanganak ako ulit. Hahaha! Biro lang.

"Sige.. punta na ko sa room ko." Teka? Nakita ko ba syang ngumiti? Hindi siguro.. namamalik mata lang ako.

Dali dali akong pumunta sa room ko, at nakita ko si Rex na hinihintay ako.

"Oh? Ano nangya--" Pinutol ko muna ang gusto nyang sabihin gusto ko munang marinig nya agad ang aking kwento.

"Pre! Hindi ka maniniwala sa ikukwento ko!" Sa mukha ni Rex parang sa tingin ko hindi sya maniniwala.

"Sinasabe ko na eh! Hindi sya naniwala ano! Sabi ko naman sayo wag mo nang sabihin at baka hindi lang sya maniwala! Oh yan tuloy sinampal ka nya." Ano ba naman to! Wala panaman akong sinasabe ah! Lupet talaga! HAHAHA!

"Tanga! Naniwala nga sya saken eh!" Pasensya na! hindi ko lang napigilan ang sarili ko.

"Eh? Bakit namumula yang mukha mo? Hindi ba sampal yan?" Ahhh! Kala nya sampal to... teka? Namumula ko?! Nakakahiya!!

"Ahh.. ehhh... basta mahabang kwento!.." Kinuwento ko sa kanya ang lahat lahat! Pati ang part na nasa ilalim ng bayabas!

"Weh? Tol? Nananaginip ka yata eh?"

Sabi nat hindi sya maniniwala eh.

"Tol.. akala ko nga paniginip lang eh. Totoo pala." Napapangiwi sya.. alam ko na nandidiri sya. HAHAHA!

"Pano mo naman papatunayan sakin? Hah aber?" Hindi ko rin alam kung pano ko papatunayan ito sa kanya pero isa lang talaga ang aking nasa isipan..

Kung bakit nya nagawa iyon?

May nararamdaman kaya siya sakin?

Oh hindi nya talaga sinasadya?

AHHHHH! BASTA!

Teka? Si Diamond yon ah! Padaan ba sya dito?

Dadaan nga sya dito..

Teka..

Nginitian nya ko!

May nararamdaman nga ba sya saken?

Mukhang hindi ako makakatulog mamaya. ^_^

ITUTULOY...

Hey guys! Salamat sa pag basa nyo saking first story!

Araw araw po ko nag uupdate! Kaya sana po nagustuhan nyo!

Sorry po kase nag away pa po kami ng GF ko. ^_^

Paasa Nga BaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon