Friendship 01: Walkout

75 6 5
                                    

"Bestyyyyyy!" hay ayan nanaman ang best friend ko. Ang ingay lagi e. Pero wag kayo, mahal ko yan. Pag may kaaway ang isa pagtutulungan naming dalawa. Super bait nyan, totoo! Pero iba yan magalit! Patakbo siyang lumapit siya sakin, sabay tili. Waaaaaah! Sakit sa eardrum.

"Kyaaaaaaah! Oh My Gosh Sophia! Kasabay ko pumasok si Sean my loves. <3" ah si Sean lang pala, OA talaga nito eh. Crush niya kasi yun eh. Ako din may crush, I think mahal ko na nga eh pero hindi ako ganyan ka-OA noh. Pati alam ko namang wala kaming pag-asa. Whatever! Nevermind that thing.

"So ano naman kung sabay kayo? May mangyayari ba sakin? Gaganda ka ba?" hayaan niyo ganyan talaga kami.

"You're sa bad to me talaga! I'm so bait naman to you! Why are you like that?" ayy, inatake nanaman siya ng sakit niyang pagiging conyo. Aish! Mababatukan ko to! Pigilan niyo ko! Pigilan niyo.

"Tumigil ka nga sa pagcoconyo, ang pangit tignan. Gumaya ka sakin, habang tumatagal gumaganda lalo! Eh ikaw, anong nangyayari sayo? Bwahahahaha!" wahahhaha, hindi ko na napigilan tumawa. Ang sama ng tingin niya sakin tapos parang na-iiyak na siya. Well, I'm the winner again! Epic talaga.

"Maganda kaya ako! Tara na nga baka ma-late pa tayo lagot tayo kay Ms. Francia." oo nga ang sakit pa naman nun magsalita. Kahit kanino hindi natatakot. Maganda naman talaga si Jasmine eh, magsing ganda kami nan. Jino-joke ko lang naman siya.

"Weh? Pa-change topic ka lang naman!" sabi ko.

"Tse!" hahaha, pikown siya ih!

Sabay kaming pumunta ni Jasmine sa classroom. Buti na lang wala pa yung teacher namin, kundi lagot kami! Terror kasi yun, ayaw niya ng may malalate. Pag na late ka sorry wala kang matututunan sa class niya. Hindi ka na papapasukin nun. At bibigyan ka pa ng detention slip. Ayaw mo naman sigurong mamatay sa boring dun sa detention office sa loob ng tatlong oras. Hindi ka pa makakapag-klase sa next two subjects mo.

"Buti na lang umabot pa tayo noh?" tamango lang ako habang umuupo sa aking upuan. Lapit kami ni Jas kahit na magkalayo yung apelyido namin, De Guzman apelyido ko and Rivera naman sa kanya. Wala naman kasing arrangement of seats. Kahit saan basta hindi kayo mag-iingay.

"Nga pala, kung kasabay mo siya bakit wala pa siya dito? Tsaka yung ibang ka-grupo niya." curios lang naman ako kung bakit wala pa sila Ethan dito. By the way, sila ay ang The Boyz Youth, isa silang grupo ng mga dancer dito sa school kaya sikat sila, pero close kami sa mga yan. Hindi pa sila sikat noon pero friends na kami. Madalas pag may mga program may dance number yan sila.

"Ah, may practice daw kasi sila sabi ni Ethan. Nakasalubong kasi namin yung iba nyang ka-grupo, kaya ayun sabay sabay na sila umalis. Dun lang naman sila sa studio room nagpa-practice." ah. Six members yun sila, lahat gwapo at magagaling sumayaw, mapapatulala ka na lang habang sumasayaw sila. Si Ethan ang leader nila. Sobrang galing niya sumayaw, ma-swag siya sumayaw, masyadong malambot ang katawan. Siya din yung pinaka-matangkad sa kanilang lahat. Ang sumunod naman na magaling sumayaw si Xavier and Luke. Then si Sean, tapos pantay lang si Gab at Elexis. Pero pagsila nagsama-sama sa isang sayaw sabay sabay talaga sila, ang galing.

"Eh kung puntahan natin sila mamaya pag-break na natin." hindi naman yan tatanggi eh basta makita niya si Mr. Sean Dominic Mendoza. Patay na patay dun si besty! Hindi naman ako magtataka kasi sobrang bait nun si Sean, happy-go-lucky-guy pa, bonus pa yung gwapo! Oh, diba san ka pa sa kanya ka na! Da best na yung ganon for me. Pero meron na kasing nagpapatibok ng puso ko eh. Ako din kaya yung nakakapag-patibok sa puso niya?

"Waaaaah! Sige, sige! Go ako dyan basta para kay Sea--" napuol ang sasabihin nya dahil nandyan na pala si Ms. Olivia Francia.

"Good Morning Class!" sabi ni Ms. Masungit.

Crazy FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon