A/N:
Dedicated nga po pala ito sa aking dating classmate. Hi Jelou! Kaway-kaway naman dyan. Hehe. Miss you na. Uwi ka na, hane? ^___^
Sorry po sa mga wrong grammars and spellings.
Basahin niyo po 'yung note sa dulo. Thank You.
***********
Sophia's POV
Umuwi na si besty, baka daw hinahanap na siya sa kanila. Sabi ko nga na dito na kumain sa amin kaso sabi niya nagluto daw si tita Jenny. Inaantay ko lang na maluto 'yung niluluto ni mommy, it's already 6:30 but Angela and kuya Mark still isn't here. Si mommy nag-luluto ngayon, trip niya daw eh, pagbigyan. Kare-kare with alamang ang ulam. Hmm, sarap!
"Mom nasaan po sila kuya? Bakit wala pa po sila? Tsaka si daddy 'asan siya?" nag-aalala na kasi talaga ako lalo na kay Angela, 12 years old pa lang 'yun eh.
"Si Mark nagpaalam sa akin sa text, may gagawin pa daw silang project nung mga ka-klase niya. Kaya mga 10 pm na daw siya uuwi, sa labas na lang daw sila magdi-dinner" project? Baka magbubulakbol lang sila. Tss. "Si Angela naman pauwi na may binili lang daw siya sa mall, pati kasama niya naman si Manong Erdie. Ang daddy mo nasa Korea may business trip, 'di mo ba alam? Sa bagay kanina lang naman siya umalis mga 10:30 am." miss ko na si daddy, minsan na lang kasi kami makumpleto, palagi na lang siyang may business trip kung saan-saan. Sayang nga 'di ko siya naabutan kanina pero ok na din 'yun, baka kulitin pa ako ni daddy kung bakit ako maaga umuwi. I'm such a daddy's girl. Parehas ko silang mahal ni mommy syempre pati mga kapatid ko.
"Ok, mommy matatapos na ba 'yan? Gutom na po ako." kanina pa talaga ako nagugutom, gutumin kasi ako. Madami talaga ako kumain, tawagin niyo na akong matakaw, ok lang. Maganda't sexy naman.
"Malapit na. Ikaw talaga, ang bilis mong magutom, parang kanina lang nagmerienda kayo ni Jasmine. Ayy, nga pala bakit nga pala ang aga niyo umuwi? 'Di kayo pumasok ng afternoon class niyo 'noh?" hindi lang po afternoon, half of the morning class din. Kung kaya ko lang sabihin naku, sinabi ko na.
"Opo, hindi nga po kami pumasok." naka-yukong sabi ko. Awkward.
"Bakit hindi kayo pumasok may nangyari ba? Kwento ka naman!" sasabihin ko naman po talaga eh.
"Hi mom! Hello ate! Ano 'yung narinig ko? Anong nangyari? Kwentohan mo din ako." ayan na ang tsismosa kong kapatid na manang-mana sa akin. Naku mangungulit 'yan. Nakita kong may mga dala siyang paper bags. Hayy. Kababata pa ang hilig nang mag-shopping.
"Wag ka nga Angela, ako lang pwede diba anak?" si mommy parang bata, oh.
"Mamaya ko na lang po sayo iku-kwento, mommy. May tsismosa eh." nag-high five pa kami ni mommy pagkasabi ko 'nun. Nag-tawanan pa kami. Si Angela naman nag-pout tapos padabog na umakyat papuntang kwarto niya. Hahaha.
"Ang tsismosa talaga niyang kapatid mo, I wonder kung kanino siya nagmana. Sa daddy mo siguro, 'noh?" kay daddy? Pero hindi kay daddy eh. Si daddy kasi makulit 'yun laging naka-joke, I think nagmana ang pagiging tsismosa namin kay mommy.
"Kay daddy? Sa iyo po ata mommy. Hahaha!" sinamaan lang ako ng tingin ni mommy. "Joke lang mom, eto naman si mommy oh, 'di mabiro." tagal naman nung food. Tinanggal ni mommy 'yung takip dun sa niluluto niya. Naamoy ko nanaman 'yung kare-kare, ang bango.
"Ayan, luto na pala, ilalagay ko na lang 'to sa bowl. Tawagin mo na si Angela, kakain na tayo." tumango na lang ako at pumunta sa kwarto ni Angela. Kumatok ako.
"Bukas 'yan." pumasok na ako. Nakita ko siyang inaayos 'yung mga pinamili niya. Bumili pala siya sa National Bookstore, hindi pala siya nag-shopping. Napaka-palaaral talaga ng batang 'yan, manang-mana sa ate. Since nursery siya, top 1 na 'yan. "Oh, ate. Kakain na ba?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
Crazy Friendship
Hayran KurguMahal ko siya pero hindi niya ako minahal na katulad ng pagmamahal ko sa kanya. Anong gagawin ko? Patuloy pa ba akong aasa sa pag-ibig ko sa kanyang wala namang pag-asa? O sumuko na lang at kalimutan ang pagmamahal ko sakanya? ***************** La...
