Ethan's POV
10 seconds yung tinagal ng kiss namin. Hindi ko naman sinasadya na magkiss kami, sinalo ko lang naman siya. Nanlaki talaga yung mata ko, may naramdaman akong kakaiba habang nagkiss kami. Kaya nung tumakbo siya, sinundan ko. Kaso hindi ko na naabutan, sports niya ang track and field pati nauna siyang tumakbo eh. Mabilis siyang sumakay sa kotse niya at pinaandar niya yun ng mabilis.
Natulala na lang ako dito sa may gate ng school. Ano ba yung naramdaman ko, kakaiba talaga eh. Parang ngayon ko lang naramdaman. Tss. Wag na nga lang pansinin. Ang dapat kong isipin ay kung paano ko maliligawan si--.
"Ethan!!!" natauhan ata ako sa narinig ko. Napalingon ako sa sumigaw si.. Athena kasama ang mga ka-tropa ko. Binigyan ko sila ng tingin na nagtatanong. Aba naman makasigaw tong si Athena. Napangiti tuloy ako.
"Kanina ka pa tulala dyan at kanina ka pa din namin sinisigawan. Si Jasmine lang pala mag papabalik sayo sa realidad." sabi ni Luke sabay kindat sa akin. Siya ang best friend ko. Hindi ko nga alam kung bakit kami naging mag-best friend niyan. We are totally opposite. Tss. Siya lang ang may alam kung sino ang taong gusto ko.
"Bakit ka ba tulala dyan? Tsaka nasaan na si Sophia?" sabi naman ni Xavier. Hindi ko siya masyadong close pero syempre friends kami niyan, mabait naman yan, palagi kami nililibre. Hehe ^___^.
"Ewan." simpleng sagot ko, aba'y hindi ko naman alam kung nasaan si Sophia eh. Hindi ako manghuhula kaya bakit ko malalaman? Tss.
"Tara na nga lang sa Cafeteria, tanong ko na lang si Besty kung na saan siya." sabi ni Athena. Nauna siyang lumakad papuntang Cafeteria. Bigla na lang siyang inakbayan ni Sean. Nandilim kaagad ang paningin ko. Naiinis talaga ako pagnakikita ko silang magkasama.
"Oyy! Oyy! Oyy! Ano yan?" patanong na sigaw ni Luke, napansin niya siguro ang nanlilisik kong mga mata na nakatingin kay Athena at Sean. Aba wag nilang intayin na magbuga ako ng apoy.
"Bitter ka lang, Luke. Haha." sabi ni Sean dulat. Tss. Bakit ba feeling ko ako yung sinasabihan niya.
"Hindi ako bitter, sadyang hokage ka lang." sabi naman ni Luke. Bahala silang mag-bangayan dyan. Mauuna na ako sa Cafeteria. Naiinis lang ako pagnakikita ko yung mukhang kwagong pagmumukha ni Sean.
Naglakad na ako papuntang cafeteria pagdating ko sa may pinto, hindi pa ako nakakapasok ay nakarinig na ako ng tilian. Tss. Sawa na akong mapansin ng ibang tao. Parang hinuhubaran pa nila ako sa mga tangin nila, ah. Dire-diretso lang ako papunta sa tambayan namin. Hindi ko na lang sila pinansin. Para ano pa, wala naman akong mapapala sa mga yan. Suplado na kung suplado, ganon talaga ako eh, lalo na ngayon bad trip ako. Tss.
Sa wakas dumating din ang mga kumag, syempre hindi kasali sa mga kumag si Athena. Lumapit sila sakin at tinanong kung anong gusto kong orderin.
"Lasagna and sprite-in-can." sabi ko at inabot ang pera ko kay Luke. Hindi talaga ako umoorder ng sarili kong pagkain dipende na lang kung wala sila.
Magugutom ako eh, anong magagawa ko diba.
"Alright, sir." sumaludo pa yung baduy kong best friend. Tss. Siya kasi palagi ang nagpi-prisinta mag-order ng mga gusto namin kainin. Ewan ko ba dyan kay Luke, masyadong masipag.
"Oh, kayo? Anong order niyo? Sean, sorry pero hindi kita ibibili ng order mo ngayon. Bwahahaha!" buti nga sayo Sean. Salamat sa baliw kong best friend.
"Ok lang, sasamahan naman ako ni Jasmine sa pagbili, kaya hindi talaga ako papabili sayo. Ble!" aba itong kwagong to. Pag hindi pa ito tumigil sa pagsama-sama kay Athena masasapok ko ito. Grabe nagseselos ako ah. Ilang beses niya na akong pinagseselos ngayong araw.
BINABASA MO ANG
Crazy Friendship
FanfictionMahal ko siya pero hindi niya ako minahal na katulad ng pagmamahal ko sa kanya. Anong gagawin ko? Patuloy pa ba akong aasa sa pag-ibig ko sa kanyang wala namang pag-asa? O sumuko na lang at kalimutan ang pagmamahal ko sakanya? ***************** La...