Chapter One

384 13 6
                                    

*KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!*

“Uhh..” nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Bumangon na agad ako at naligo, nagbihis at lumabas ng kwarto ko.

Nakita ko si Tita Joy sa kusina na nagluluto.

“Good morning, tita.” Bati ko sa kanya.

“Good morning din hija, umupo ka na’t maluluto na itong agahan mo”

“Cge po”  umupo na ako at maya maya nilapag na ni tita yung almusal ko. Pagkatapos kong kumain, naghanda na ako para pumasok sa school.

..

“Alis na po ako tita!” Sigaw ko habang nagsasapatos, nasa likod kasi ng bahay si tita inaayos yung mga labahan kaya di na ako lumapit kasi malelate na rin ako halos 20mins na lang kasi.

“Cge, ingat ka hija!” Narinig kong sabi ni tita ng papalabas na ako ng pinto ng bahay.

Kinuha ko yung bike ko sa garahe namin at sumakay na. Nilagay ko muna yung backpack ko sa basket sa harap ng bike saka ako umalis. Malapit-lapit lang kasi yung school na pinapasukan ko sa bahay namin, kaya kapag nilakad aabutin ng 10 mins papuntang school, pero kapag nagbike syempre mas mabilis tantiya ko nga hindi pa aabot ng 5 mins eh.

..

Ilang saglit lang nakarating na ako sa school, nilagyan ko muna ng kadena yung bike ko at ibinilin kay manong guard tsaka na ako tumuloy sa school.

By the way, I’m Kylee Mae Alba. 2nd year college student sa Holy Queen University, taking up BS Business Administration. My parents died before I was born, and according to my Tita Joy, my father died due to a car accident and my mother died while giving birth to me. Kaya since then si Tita Joy na ang nagalaga sa akin, and she is my mother’s twin sister, kaya para ko na rin nakikita si mama sa kanya kasi identical twins naman sila.

Sobrang hirap lumaki ng walang magulang pero si Tita Joy ang tumayong papa at mama ko. Kaya nga sobrang thankful ako sa kanya eh, nagkaasawa naman siya dati pero nakipaghiwalay ito sa kanya dahil daw kasi sa akin, ang laki ko daw kasing pasanin sa bubuoin nilang pamily, pero di pumayag si Tita Joy anak na nga ang tawag niya sa akin nong mga panahon na yon eh..

“Ms. Alba.” Napahinto ako sa paglalakad ng may tumawag sa akin.

“Yes Miss?” Si Miss Azagra pala, professor namin sa Accounting.

“If you don’t mind, can you please give this folder to Ms. Atienza?” She ask.

“Yeah, sure Miss” Tsaka ko kinuha yung folder na ibibigay kay Ms. Atienza, buti na lang madadaanan ko yung faculty ng CAS (College of Arts and Sciences).

“Ahm’ excuse me, is Ms. Atienza already there?” Tanong ko kay Ms. Lyka yung secretary ng CAS.

“Wait.. She’s not yet here.” Ms. Lyka replied.

“Oh, Ms. Azagra asked me to give this folder to her.” Inabot ko yung folder sa kanya.

“Ok, I’ll give this to her when she arrive.” Kinuha ni Ms. Lyka yung folder tapos ipinatong niya dun sa table niya.

“Thank you, Miss” Lumabas na ako ng CAS Faculty at dumeresto na sa classroom namin.  Habang papunta nadaanan ko yung barkadahan ni Ariel, classmate ko nung highschool pero hindi kami gaanong close, na nagkwekwentuhan sa hallway.

“Pre, ganda ng chickababes na nakasabay ko sa jeep kanina eh.” Narining kong sabi nung isa nung dumaan ako sa gilid nila.

“Ang aga aga, babae nanaman yang bukang bibig mo ‘Vin.” Sabat nung isa.

“Sus, wag ka nga magmalinis jan JC. Kala mo naman hindi ka ganon dati ah.” Malokong tukso nung ‘Vin daw.

“Dati Pre, dati pa yon, di na ngayon noh.” Tapos nagtawanan pa sila.

Nakalayo na ako kaya hindi ko na narinig yung mga pinagsasabi nila. Maya-maya nakarating na ako sa classroom namin.

“Good morning, Kylee” Bati sa akin ni Aira, kablockmate ko. Nginitian ko lang sya tapos dumiretso na sa upuan ko at umupo.

Di nagtagal dumating na yung prof namin. Start palang ng second semester kaya orientation pa lang sa mga subject yung ginawa namin ngayon. Diniscuss yung silabus o yung outline ng mga topic for the whole semester.

*Lunch Break*

Pagkabell na pagkabell, bumaba na agad ako at pumunta sa cafeteria. Pagkapasok ko naghanap ako ng mauupuan at nakakita ako ng vacant seat na malapit sa bintana, buti na lang maaga kaming dinismiss ng prof namin kaya wala pa gaanong etudyante dito sa caf. Nilabas ko na yung baon kong sandwich sa bag ko pati yung librong binili ko sa Book Sale.

“Ui, di ba siya yun?” Sabi nung babae na nakaupo sa likod ng inuupuan ko.

“Ay, oo nga. Kawawa naman siya noh?” Sabi pa nung isa.

Sino nanaman kaya pinaguusapan nitong mga babaeng ‘to. Hindi ba pwedeng hinahinaan nila yung paguusap, rinig na rinig ko eh.tsk!

”Oo nga, kung ako din naman mamatayan ng boyfriend, magiging ganyan din siguro ako. Di ko kakayanin, promise ‘teh.”

“Hangang-hanga nga ako sa kanya, kasi mukhang nakamove-on na siya eh.”

Napailing na lang ako. Aish! Hindi niyo lang alam.

Kinuha ko yung cellphone ko at sinalpak sa tenga ko yung earphone, para hindi ko na marinig yung mga pinaguusapan nung mga babae sa likod. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain at pagbasa. Nang medyo nabobore na ako, sinara ko na yung libro pati tinatago ko na rin yung cellphone ko at nilagay sa bag. Napansin ko na medyo nagkakagulo yung mga tao dito sa caf, lalo na yung mga babae.

“Grabe ang cool nya talaga, nakakainlove!!” Napatingin ako dun sa babaeng nagsalita na katapat lang ng table ko. Tapos may tinitignan sila nung mga kasama niya sa bandang likod, bale nakaharap kasi ako sa kanila.

“Sobra!! At hindi lang cool ang pogi pa niya, kyaaaaaaaaah!!” Impit na tili nung kasama niyang babae.

“Ang pagkakaalam ko Engineering siya, Tama nga yung sabi nila na yung mga pogi nasa COE (College of Engineering), hihihihi.” Sabi pa nung isa nilang kasama tapos busy na sila sa pagtitig dun sa sino mang tinitignan at kinakikiligan nila.

Tumingin din ako sa ibang tao sa dito sa loob ng caf, ganoon din yung mga reaksyon nila. Mga nakangiti tapos parang nagdedaydream. Di ko na lang pinagaksayahan na lingunin yung taong tinitignan nila sa likod. Kinuha ko yung bag ko at napagpasyahan na umakyat sa 3rd floor kung nasan yung Library, tutal maaga-aga pa naman. Doon muna ako, para hindi maingay.

==

ROSE's NOTE:

Ayon! may bumasa naman nung prologue. Kaya pinost ko na yung chapter 1, tsaka wala kasing magawa sa bahay. hehehe. salamat po sa bumasa at ngvote! :))

Pasensya na po pala sa mga wrong grammar at typo. trying hard kasi. chos! 

Thank you uit!

----{{@

Heal my broken heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon