Chapter Four

207 9 4
                                    

Sorry for the veeeeeeeeeeeeeeeeerrrrrrrrrrryyyy late update. Sana kahit ang tagal ko itong hindi inaupdate eh may mga readers pa ring nagaantay. I rarely check this account kasi at wala akong matinding inspiration para makapagisip ng iuupdate ko, alam niyo na bakasyon kaya wala si CRUSH! hahaha! CHOS!

Pasensya na po talaga. PISYOH! (^^)v

Comment kayo para naman malaman ko na may nagbabasa pa pala nito. Hmmm, kahit isa lang okay na sa akin. 

Okie dokie?

Oh! and si Kylee po pala yung nasa side with her blue bike. :)

**

Papunta na ako ngayon sa school, naglalakad lang ako kasi ayaw munang ipagamit sa akin ni tita Joy yung bike ko gawa nung nangyari sa akin kahapon.

"Good morning ma'am. Paki-tap po yung I.D."  Sabi sa akin ni manong guard habag chinicheck yung laman ng bag ko. Tinap ko na yung ID ko at lumabas sa monitor yung student no. , ID picture, at course ko. Pagkatapos pumasok na ako.

Maaga pa kaya kukunti pa lang yung mga estudyanteng nakikita ko sa loob at paniguradong nakalock pa yung room na gagamitin namin for our first subject. Pumunta muna ako sa cafeteria at umupo sa pinakadulong upuan, halos 3weeks na rin nang magsimula ang 2nd term at ganito lagi ang daily routine ko, papasok ng maaga, uupo sa wala gaanong tao, magbabasa ng libro at makikining ng music.

Siguro nagtataka kayo kung bakit lagi akong nagiisa at walang kasamang barkada o kahit isa man lang kaibigan. Nasanay na kasi akong ganito ng mawala si Dustin, nawiweirdo-han na nga yung mga tao sa akin eh hindi naman daw porket nawala si Dustin eh lagi na lang akong magmumukmok sa isang tabi. Sabi nila nung nawala si Dustin, hindi na daw ako yung dating Kylee na nakilala nila, Kylee na masiyahin at palakaibigan, palibhasa wala sila sa katayuan ko kaya hindi nila ako naiintindihan, palibhasa hindi nila nararamdaman ang nararamdaman ko kaya feeling nila nagiinarte lang ako, at palibhasa hindi nila alam ang hirap na pinagdaanan ko noon kaya naging ganito ako ngayon. 

Ako na yung lumayo sa mga kaibigan ko dati kaysa naman mapilitan pa silang pakisamahan ako dahil sa nagbabago kong ugali, nung una sobrang hirap kasi nasanay ako na lagi silang andyan pero hindi rin nagtagal unti unti ko nang nakakasanayan kagaya na lang ngayon.

Tinignan ko yung wrist watch ko at malapit na palang magtime kaya I gather all  my things at pumunta na ng room namin, buti naman bukas na yung pinto at meron na ring iilang ka-blockmates ko na nasa loob na.

**

*KRRIIIIIIIIIIIIIIINNGG!!*

"We will have a quiz next meeting regarding this." Tumayo na yung prof namin pagkatapos kunin lahat ng gamit niya ay lumabas na ng classroom. 

"HUUUUUUHHH?!"

"Grabe naman."

"Ang hirap kaya nito. tsk!"

"Oo nga, hindi pa naman ako nakining."

"Yari ka nan. hahaha!"

Usap-usapan sa loob ng classroom yan pagkalabas ng prof namin. Lunch time na kaya nagsilabasan na kami, 2 hours ang lunch namin kaya kanya-kanyang galaan na naman ang iba sa mga ka-blockmates ko. Lumabas na rin ako at dumiretso sa cafeteria para bumili ng makakain.

Ang daming tao sa cafeteria ngayon kasi magkakasabay ang lunch time ng mga estudyante kaya sobrang ingay akala mo'y nasa palengke ka. Pagkatapos kong bumili ng sandwich at C2, lumabas na ako, pumunta ako sa field para doon na lang kumain at least doon kahit magingay ka hindi naman kulob yung lugar. Pumuwesto ako sa ilalim ng puno para presko at tahimik.

May practice pala ngayon ang soccer team.

Nakita ko kasing papunta sila sa field at nakapangsoccer outfit.

Parang pangbakla naman yung "outfit" ms. Rose. (eh hindi ko alam yung tawag sa damit nila tsaka yun ang unang pumasok sa isip ko, hahaha.) 

Pagkatapos kong maubos yung sandwich ko tumayo na ako para maitapon sa basurahan yung pinaglagyan ng sandwich. 1 hour lang naman ang lunch time namin kaya pumunta na ako sa room namin ang init kasi dito sa labas at least doon may air-con pa.

**

Dinismiss kami ng maaga ng prof namin kasi daw may biglang faculty meeting, ito namang mga ka-blockmates ko eh syempre tuwang-tuwa dahil nacut ang klase at makakauwi "daw" sila ng maaga.

Naglakad-lakad muna ako dito sa loob ng campus kasi wala rin naman akong gagawin sa bahay at dahil pa-hapon na hindi na masakit sa balat yung sikat ng araw.

"Dito, 'pre"  

Sa  paglalakad ko napadpad na naman ako sa soccer field at hanggang ngayon nagpapractice pa rin ang soccer team ng school. Naghanap muna ako ng bakanteng bench na mauupuan ko.

"Miss, watch out!" Napalingon ako sa sumigaw na yon at hindi ko inaasahan na sa paglingon ko eh   ang soccer ball ang tatambad sa mukha ko.

*BLAAAG!*

Sakto sa mukha ko yung bola at dahil sa lakas ng pagkakasipa dun sa bola napaupo ako at automatic na naitakip ko yung palad ko sa mukha ko. 

"Awwww.. sakit.." Bulong ko.

"Alah! Ayos ka lang ba, miss?" Naramdaman ko na may humawak sa balikat ko at nakarinig pa ako  ng mga yabag na papaunta sa akin.

"Yari ka 'pre. sabi ko kasi sa akin mo isipa yung bola eh, yaan nakadisgrasya ka pa tuloy."

"Nakuu.. dalhin na natin siya sa clinic para sure."

"Tara! Tara!"

"Nn-no, I'm ok." Mahina kong sabi at dahan dahan akong tumayo at inalis ko na rin yung palad ko sa pagkakatakip sa mukha ko. 

"Sigurado ka ba miss?" Tanong nung isang nasa kanan ko.

"Yeah!" 

"Alah!"

"Nakuu"

"OH EM!"

"Dios mio." Sabay-sabay nilang sabi. Hindi ko na sila pinansin at nagsimula na akong maglakad. Nagulat ako ng may biglang humawak sa braso ko na ikinahinto ko sa paglalakad.

"Your nose is bleeding." Sabi nung lalaking nakahawak sa braso ko.

"Hh-huh?" (0_____0)

**

 comment ko po huh? hohoho! :)

Thank you for reading.

~~~{{@

Heal my broken heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon