Palabas na ako ng gate ng may kotseng biglang dumaan kaya naipreno ko agad yung bike ko kaso natumba naman ako sa lakas ng pagkapreno ko.
“Miss, are you ok?” Tanong nung lalaki na lumabas doon sa kotse. Napansin kong schoolmate ko siya kasi nakasuot din siya ng uniform na kagaya ng amin.
“Err.. yah” Tinulungan niya akong makatayo tapos itinayo niya din yung bike ko. Yumuko ako para pagpagin yung parte ng damit ko na narumihan.
“Ok ka lang ba talaga? Sorry miss ha.. di kasi kita nakita na papalabas sa gate eh ka—“ Di ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. Kinuha ko na kasi bigla yung bike ko sa kanya..
“Ayos lang ako” Sumakay na ako sa bike, pagkaupong pagkaupo ko saka ko lang napansin na may sugat pala yung tuhod ko, galos lang kaya hindi gaanong masakit. Pinaandar ko na yung bike ko ng hindi man lang nililingon yung lalaki.
..
Pagkadating sa bahay, nakita ko si Tita joy na nagdidilig ng halaman sa tapat ng bahay.
“Anjan ka na pala, Hija” Puna sa akin ni Tita. Pinasok ko muna yung bike ko sa garahe saka ko binalikan si Tita at nagmano sa kanya. Pabalik na ako sa loob ng bahay ng magsalita ulit sa tita.
“Anong nangyari sayo? Bakit may sugat ka sa tuhod ha?” Napatakbo sa akin si tita na halatang halata yung pagalala sa mukha.
“Natumba po kasi ako kanina sa kalsada. Galos lang naman po ito tsaka tita.. hindi naman po siguro ako mapipilay sa sugat na to noh.” Pabiro kong sabi sa kanya.
“Ikaw talagang bata ka, sabi ko naman kasi sayo na wag ka na gaanong magbike dahil dalikado sa daan. Paano na lang kung may mas malala pang mangyari sayo bukod jan. Haaaaaay hija.. di ko na talaga alam ang gagawin ko sayong bata ka.”
“Sorry na po tita, di na po mauulit. Magiingat nap o ako lagi. Promise” Lumapit ako kay tita tapos ikinawit ko yung kamay ko sa braso niya at isinandal ko yung ulo ko sa balikat niya.
“Oh ‘syah, sige na magpalit ka na ng damit mo’t may merienda jan sa mesa” nakangiting sabi ni tita sa akin.
“Cge po.” Tumakbo na ako sa loob ng bahay. Pagkaakyat ko dumiretso na agad ako sa CR para kunin yung first aid kit para linisin yung sugat ko sa tuhod pagkakuha, pumasok na ako sa loob ng kwarto ko..
Ilang beses na akong nasusugatan pero parang bale wala na lang sa akin yung sakit na dulot ng mga sugat na nakukuha ko sa sugat na meron pa rin ang puso ko..
Kinuhako yung box sa ilalim ng kama ko at binuksan, box na naglalaman ng lahat ng alaala sa akin ni Dustin. Nilabas ko yung maliit na color blueng photo album na nasa loob ng kahon. Sinimulan kong buklatin isa isa yung page ng album, nasa ika-tatlong page palang ako ng maramdan kong nanlalabo na ang aking paningin. Sinara’t binalik ko na agad yung photo album sa box bago pa tumulo ang luha ko.
Hindi pa rin ako nagbabago, sa nakalipas na labing isang buwan akala ko kaya ko na ulit makita ang mga ito. Hindi pa rin pala, hindi ko pa rin mapigilan ang mapaluha kapag nakikita ko ang mga bagay na nakakapagpaalala sa akin kay Dustin. Si Dustin na kinuha na sa akin at kahit kelan hindi na Niya ibabalik pa.
Nagsimula ng tumulo ang mga luhang ilang buwan ko ng pinipigilan na wag ilabas.
Akala ng ibang nakakakilala sa akin lalo na si tita Joy na tanggap ko na ang pagkawala niya pero hindi nila alam na nagpapakatatag lang ako sa harap nila pero alam ko matagal na akong sira dahil nawala na ang pinakamahalagang parte ng buhay ko, ang mga magulang ko at si Dustin.
Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa nakatulog na ako.
..
“Hija” Nagising ako sa mahinang pagkato sa pinto ng kwarto ko.
“Po?” Tumingin ako sa bintana at nakitang madilim na pala.
7:30 pm na pala.
“Handa na ang hapunan, halika na’t habang mainit pa ang pagkain” Narinig kong sabi ni tita Joy sa likod ng pinto.
“Sige po, Tita. Susunod na ako” Bumangon na ako at lumabas ng kwarto para sumunod kay tita.
Pagkatapos naming maghapun, niligpit at hinugasan ko muna yung pinagkainan namin ni tita saka ulit ako umakyat sa kwarto ko’t humiga sa kama.
-----{{@
BINABASA MO ANG
Heal my broken heart
RomanceThis is a story about a girl na nawalan ng taong sobrang mahalaga sa kanya. Makakaya niya pa kayang bumangon mag-isang sa isang mapait na nakaraan na kahit kelan ayaw nyang kalimutan?