Si Reylan..(^__^) ================================================>>
-
Iniwan ko muna yung bag ko sa baggage counter, kinuha ko lang yung wallet, cellphone pati libro ko tsaka pumasok na sa loob. Pagkapasok na pagkapasok ko sa Library, dumiresto na agad ako sa pinakadulo kung saan wala gaanong tao, yun bang parang tambakan ng mga books na hindi pa naiaarrange sa shelves. I check my watch kung anong oras na.
11:30 pa lang, meron pa akong 2hours bago yung next class ko.
Umupo ako sa sahig at nilabas ko ulit yung libro na binili ko pati sinalpak yung earphone ko sa tenga ko. Nagbabasa lang ako for almost 45 mins ng makaramdam ako ng antok.
Iidlip muna ako tutal matagal tagal pa naman bago magtime.
Inayos mo muna yung pagkakaupo ko sa sahig, isinandal yung ulo ko sa book shelf sa likod ko tsaka inistraight yung paa ko saka pumikit.
(u_u)zZz
..
“Hey Miss, wake up”
“Hmmm?”
Nagising ako sa mahinang pagtapik sa balikat ko. Pagkamulat ko, bumungad sa akin ang isang lalaking nakangiti na may band aid sa left cheek. Napayuko ako bigla.
“Hey, your phone is ringing. I bet kanina pa yan, buti na lang wala yung librarian kaya di ka nasita.” Mahinang sabi nung lalaki na ngayon ay nakahalf sit na sa gilid ko. Nakikita ko sa peripheral view ko na malapit yung mukha nya sa akin, kaya bigla akong nailang.
“Oh!.. S-so-sorry..” Tumayo na ako tsaka kinuha yung phone at libro ko sa sahig.
“By the way, I’m Reylan. Ikaw? What’s your name?” Pakilala niya sa akin. Nilahad niya pa yung kamay niya, nagdadalawang isip ako kung makikipagkamay ako sa kanya o hindi..
“Uhmmm..”
*KRIIIIIIIINNNNG!!* (Tunog ng bell ^^)
“Thank you ha.. magtatime na kasi. Sige salamat ulit.”Dirediresto at walang lingon akong lumabas ng library hindi dahil doon sa lalaki kundi dahil dun sa bell kanina, warning bell na kasi yon na ibig sabihin ay 5 mins na lang bago matapos o magsimula ang klase.
*Dismissal time*
“Ok class, next meeting we will start our first lesson. Good bye!”
“Bye Miss”
Inayos ko na yung mga gamit ko at lumabas ng classroom namin. Pababa na ako ng hagdan ng may makasaubong akong dalawang babae, tinignan nila ako, pero hindi ko na lang pinansin kasi di ko naman sila kilala.
“Kylee wait!!” Napahinto ako ng may tumawag sa akin sa likuran, kaya nilingon ko.
“Bakit?” Si Abby pala, kablockmate ko din.
“Sabay na tayong umuwi, ok lang ba?” tanong niya sa akin.
“Oh sige” Sabay na kaming bumaba ni Abby. Nasa may lobby na kami ng may tumawag sa kanya. Si Judes pala, yung boyfriend niya. Nalungkot tuloy ako bigla, may naalala kasi ako.
“Pasensya na Kylee ha, hindi pala ako makakasabay sayo pauwi.”
“Sige , ayos lang” Tumalikod na ako sa kanila at pumunta na ng guard house. Pagkakuha ko ng bike ko nagpasalamat muna ako kay manong guard at sumakay na ako. Papalabas na ako ng gate ng school ng biglang..
*BLAAG!*
==
ROSE's NOTE:
Pasensya na po kung ngayon lang ako nakapagupdate tapos maikli pa.. :P
Salamat po sa mga nagbabasa. God Bless!!
-------{{@
BINABASA MO ANG
Heal my broken heart
عاطفيةThis is a story about a girl na nawalan ng taong sobrang mahalaga sa kanya. Makakaya niya pa kayang bumangon mag-isang sa isang mapait na nakaraan na kahit kelan ayaw nyang kalimutan?