/play you found me by the fray, loop it if you have to/
Paglingon niya, ibang mukha ang kanyang nakita.
Isang pamilyar na mukha, isang kaibigan ang nakita niya. Hindi alam ni Mika kung bakit pero bigla na lamang siyang napayakap sa taong nasa harap niya.
"Mika, shh, it's going to be okay." sabi sa kanya ng taong nakakita sa kanyang luhaan at sobrang nasasaktan.
"Gabby, h-hin-di ko alam...... S-sobrang sakit......" sambit naman ni Mika habang patuloy ang kanyang pag-iyak sa mga braso ng lalaking matagal na niyang kaibigan at matagal na kakilala.
Nagkakilala ang dalawa noong unang pagpasok ni Gabby sa La Salle. Rookie siya noon at second year naman si Mika. Pinakilala sila sa isa't isa ng isang common friend. Hindi sila ganun kalapit sa isa't isa dahil nakatuon ang oras ni Mika kay Jeron palagi. At kung hindi naman ay ang Lady Spikers ang kasama niya. Nakakausap niya lamang si Gabby sa tuwing may lakad sila bilang grupo.
Pero kahit ganun, sa panahong mga ito, kailangan ni Mika ng balikat na sasandalan.
"Iiyak mo lang, Mika. It will help ease the pain." sagot naman ni Gabby habang hinahaplos ang buhok ni Mika na nakayakap parin sa kanya.
Matapos ang ilang minuto ay unti-unti nang naubos ang luha sa mga mata ni Mika. Hindi dahil wala na ang sakit na nararamdaman niya, kundi dahil wala na siyang natitirang tubig sa kanyang katawan. Nakaramdam na siya ng tinding pagod, mula sa pagtakbo niya kanina at sa pagiyak niya sa gitna ng napakalakas na ulan.
Nakaramdam si Mika ng panlalamig, umikot ang kanyang paningin at biglang....
~~~~~~~~
Tatlong linggo matapos ang insidenteng iyon, kapansin-pansin ang biglang pagtamlay ni Mika. Araw-araw na ginawa ng Diyos, halatang pinipilit na lang niyang magpanggap na kaya niya. Tuwing nakikita niya si Jeron ay pilit niyang nginingitian ito. Pero katumbas naman nito ay ang pag-iyak niya sa gabi.
Minsa'y kinausap ni Ara si Gabby tungkol kay Mika. Si Ara at Gabby ay malapit na sa isa't isa dahil naging magkaklase sila sa ilang subject. At si Gabby rin minsan ang nagbibigay kay Ara ng tickets sa games ng UST para mapanood si Kevin Ferrer.
"Gab, ano sa tingin mo? Paano na si Yeye?" tanong ni Ara, na alalang-alala na sa bestfriend niya.
"I don't know, pero alam kong hindi pa siya nakakamove-on kay Jeron. She obviously loves him too much because she's letting him be happy and be with Joanna. She could've begged him, I think kaya niya namang ipaglaban si Jeron, but she chose not to." sagot naman ni Gab sabay buntong hininga.
"Oo, mahal na mahal nga niya si Jeron. Masyado niyang ininvest yung sarili niya sa relationship nila, kaya ngayon na hiwalay na sila, nahihirapan siya, kasi buong puso niya binigay niya kay Jeron. Wala siyang tinira sa sarili niya." dagdag naman ni Ara.
Tumango lang si Gabby, na halatang malalim ang iniisip.
"Alam mo Gab, never kong nakita si Mika ng ganito.Yung sobrang down na siya, tulala lang lagi. Hindi na siya tumatawa, yung ilang beses na nakita ko siya ngumiti ay dahil sayo. Buti na lang talaga dumating ka sa buhay niya. Alagaan mo siya." sincere na sinabi ni Ara kay Gabby.
Napatingin si Gab kay Ara at sinabing, "Oo. I will, I promise."
Sa pagkawala ni Jeron sa buhay niya, ay siyang pagdating naman ni Gabby. Tinupad nga niya ang kanyang pangako kay Ara, Sa mga panahong malungkot si Mika, pilit siyang pinapasaya ni Gabby. Iniiwas niya si Mika sa mga lugar na pwedeng puntahan ni Jeron at Joanna. Sinusundo at hinahatid niya si Mika mula sa dorm at sa school. At sa loob ng tatlong linggong yun, nabuo ang tiwala ni Mika kay Gabby bilang kaibigan at nasigurado na ni Gabby ang dati pa niyang nararamdaman para kay Mika.
BINABASA MO ANG
The Art of Letting Go
FanfictionPaano mo nga ba malalaman kung tamang bumitaw na lang at tumigil na sa pakikipaglaban para sa taong mahal mo? A Mika Reyes, Jeron Teng and Gabby Reyes Fanfiction