Epilogue

425 14 1
                                    

Tarantang-taranta na si Mika at hindi magkaugaga sa dami ng biglaang trabahong kailangan niyang tapusin. Ilang oras na rin siyang nakapirme sa munti niya opisina, ngunit tila hindi pa rin nababawasan ang gabundok na mga papel sa lamesa niya. Alas nuebe pa lang ng umaga ay nagsimula na siya, ngunit alas singko na nang hapon at hindi pa siya nakakakain nang pagkain bukod sa ilang pakete ng biscuit at ilang baso ng kape.

Napabuntong hininga siya at napaisip nanaman kung tama ba ang pinasok niyang trabaho. Pagkatapos niya sa college ay nagdesisyon siyang unahin ang pagtatrabaho at ipinagpaliban muna ang paglalaro ng volleyball. Psychology ang natapos niyang course, pero lingid sa kaalaman nang marami ay isa siyang frustrated writer. Kaya't pagka-graduate niya, nag-apply kaagad siya sa isang sikat na magazine publishing company. Nagsimula siya sa pagiging asisstant editor ng news, dahil sa pagsisikap niya sa loob ng limang taon ay naging features editor na siya.

Dinaanan niya ng tingin ang buong lamesa niya at napahawak na lang siya sa kanyang ulo sa sobrang inis dahil sobrang gulo na nang mga gamit niya. Napadpad ang kanyang mga mata sa isang picture frame. Picture frame na naglalaman ng isang litrato nila nang lalaking pinakamamahal niya. Napangiti na lang siya dahil naalala niya ang araw na kinunan ang litratong iyon.

Unang anniversary nila noon at sinurpresa siya ni Gabby sa training. Hinarana siya nito at binigyan ng mga bulaklak. Tandang-tanda pa niya noon kung gaano siya napakilig ni Gabby sa napakasimpleng bagay.

September 3 ang anniversary nila. Bigla siyang napaisip...

"Shit! Shit! Shit!"

Pinagsasampal ni Mika ang kanyang sarili sa sobrang inis. Sa lahat ng pwedeng niyang makalimutan, anniversary pa nila ni Gabby. Napahawak siya sa mukha niya at kinausap ang sarili, "Kaya pala nagyaya siya ng dinner mamaya! 7th anniversary niyo pa man din! Hay Mika Aereen, ang tanga-tanga mo talaga! Siguro kaya hindi ka binabati nun kasi nagtatampo na, nako naman ang hirap pa naman lambigin nun."

Biglang nagring yung telepono niya, na natabunan na rin ng mga papel kaya nagulo pa niya lalo yung mga gamit sa lamesa niya sa paghahanap dito

Nang nahanap niya ito, agad niyang sinagot ang tawag, "Hello?"

"Ma'am Mika, sabi ni Sir Henry kayo daw po muna yung umattend nung dinner meeting niya with the Tius later to talk about the collaboration of the two sports magazines of the company for the anniversary special and to present the ideas daw." sabi nung boses sa kabilang linya, boses ng sekretarya niya sa opisina.

Napapikit si Mika sa pagkalula sa dami nang kailangan niyang gawin, dagdag pa na may dinner sila ni Gabby nang gabi iyon. At kailangan pa niya amuhin ang boyfriend niya. At napamura siya sa isip niya ng hindi oras, "Leche, anniversary special pa talaga..."

"Ah, Kat... Hindi ba pwedeng si Ma'am Carla na lang yung umattend, siya naman yung managing editor siya yung may alam nung ideas. Ang dami ko pa kasing kailangang tapusin eh." pagpapalusot ni Mika kahit alam niyang wala siyang kawala dahil kung may pagpipilian naman, hindi siya ang ipapadala sa mga meeting na ganun dahil kakapromote palang sa kanya at kailangan pa niyang magsanay.

"Sorry Ma'am Mika, kayo po kasi yung ipinagbilin ni Sir Henry talaga. Tsaka sabi niya ibigay mo na lang daw muna yung mga proof reading and editing na lang kay Ma'am Lea. At yung sa presentation naman po, may nakahanda na ditong plan, basahin niyo na lang daw po." pagpapaliwanag nang sekretarya niya sa kanya.

Hindi na makaisip ng palusot si Mika at tinanggap na lang niya na mas lalaki pa ang atraso niya kay Gabby.

"Sige na Kat, saan daw ba at anong oras?" tanong ni Mika na sumuko na rin sa pakikipagtawaran.

"Sa NBA Cafe sa SM Aura at 7PM, and don't worry about the traffic Ma'am. Ihahatid ka na nang company driver. Aalis na po kayo when you're ready, baka matraffic pa kayo." sagot naman ni Kat.

The Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon