Marami ng tao ang nakahalata ng pagiging tahimik at tulala ni Jeron. Tandang-tanda parin niya ang araw na iyon. Nakikita parin niya ang sakit sa mga mata ni Mika. Hindi niya maalis sa kanyang isip ang naging pagtakbo muli ni Mika at paghabol naman ni Gab sa kanya.
Isang araw ay kinausap siya ni Thomas na nakahalata sa kakaibang ikinikilos niya.
"Bro, ano bang nangyayari sa'yo?" tanong nito sa kanya.
Napabuntong hininga lang si Jeron at napailing.
May hinala na si Thomas sa mga nangyayari ngunit ngayon sigurado na siya, "It's Mika you're thinking about right?"
Tumango naman si Jeron at sumagot, "Oo. I feel such a bad person for making her feel that way. Tuwing magkikita kami alam kong hindi pa rin siya okay. Alam kong nasasaktan parin siya. Pero kasi nga, maraming complication ngayon. Mahal ko parin naman si Mika..... Kaso nga..."
Tumango naman si Thomas, "Nung bumalik si Joanna, narealize mo na siya pala talaga yung mas mahal mo."
~~~~~
Flashback: March 2011
Naghahanda na si Jeron para sa Graduation Ball nila ngayon. Suot na niya yung suit niya, nakasapatos na rin siya. Ngunit nasa harap parin siya ng salamin, paulit-ulit na inaayos yung buhok niya.
Natigil lang siya nang may kumatok sa pinutuan ng kwarto nila.
"Shoti, dalian mo na, ihahatid na kita." sabi ng kapatid niyang si Jeric.
Tinignan muli ni Jeron ang sarili niya sa salamin at sumagot, "Sige Ahia, ito na."
Kinuha na niya ang boutonniere at corsage na binili niya para sa kanya at para kay Joanna. Si Joanna ang magiging date niya sa gabing iyon.
Lumabas na si Jeron sa kanilang kwarto at dumiretso na sa sala kung saa'y hinahantay na siya ng kanyanag mga kapatid at mga magulang.
Napangiti naman sa kanya ang kanyang nakatatandang kapatid na si Alysh at sinabing, "Wow, shoti. You look good."
Natawa naman si Jeric at sinabing, "Of course, ako kaya pumili nung suit niya!"
"Psh, Ahia. You weren't the one who chose it kaya, I did. Ako din nga pumili nung boutonniere at corsage nila eh." sabat naman ni Almira.
Natawa na lang ang mga magulang nila.
Nilapitan nila si Jeron at niyakap.
Unang nagsalita ang ina nilang si Susan, "Shoti, we're so proud of you! You're finally graduating high school!"
Tinapik naman ng kanyang ama ang kanyang mga balikat at sinabing, "Oo nga anak, enjoy the night and be home before 1."
Tumango naman si Jeron, "Yes dad. Sige po, mauna na kami ni Ahia."
Habang nasa kotse sila ay hindi mapakali si Jeron. Kinakabahan siya dahil baka mautal lang siya sa ganda ni Joanna.
Napansin naman ito ni Jeric at sinabing, "Ano ba yan Shoti! Don't overthink, kakabahan ka lang lalo."
"Eh Ahia, diba nga aamin na ako sa kanya..." sagot naman ni Jeron.
Napailing lang ang kuya niya, "Psh, kung umasta naman kayo eh. You don't even need to admit anything. Halata namang mutual yung feelings eh."
"Ahia naman eh, iba naman kasi kapag sinabi ko na talaga..." nakasimangot na sagot ni Jeron.
"Hay nako Shoti, basta just be sincere and tell her how you really feel." sagot naman ng kuya niya.
Maya-maya pa'y nakarating na sila. Nagpaalam na si Jeron sa kuya niya at dumiretso na sa lobby ng hotel kung saan magaganap ang Graduation Ball nila.
Napagkasunduan nila ni Joanna na magkikita na lang sila. Gusto sanang sunduin na lang ni Jeron si Joanna, ngunit nagpumilit ito na magkita na lang sila.
Mga 30 minutes na ang nakalipas ay wala parin si Joanna. Nakailang text at tawag na rin si Jeron ngunit hindi ito sumasagot.
Lumabas na si Jeron ng hotel at doon na lamang naghintay. Matapos ang ilang pang minuto, dumating na ang sasakyan nila Joanna. Nakahinga na ng maluwag si Jeron.
Unang bumaba ang driver nila Joanna.
Binati siya ni Jeron, "Good evening po, Mang Jaime."
Nginitian naman siya nito. Binuksan nito ang pintuan ng sasakyan ngunit wala si Joanna. Ang nakita niya lamang ay ang isang malaking teddy bear - teddy bear na siya ang nagbigay kay Joanna. Kinuha ito ni Mang Jaime at iniabot sa kanya.
Litong-lito si Jeron sa mga nangyayari. Tinignan naman siya ni Mang Jaime at tinapik ang mga balikat nito, "Iho, pinapabigay ni Joanna. Sana maintindihan mo siya."
Hindi maipinta ang mukha ni Jeron ng tanggapin niya ang sulat mula kay Mang Jaime. Napaupo na lang siya sa sidewalk habang binubuksan ang sulat.
Jeron,
While you're reading this, I'm probably now on a plane to New Zealand. I don't know how to tell you, but I think you at least deserve to know why I had to leave. I'm sick. I have a degenerative disease that they can't name here in the Philippines. That's why my parents decided to look for a country that has the right treatment for my sickness. And it just so happened that it's in New Zealand.
I don't know how I can begin to tell you how sorry I am for not letting you know. I feel like the worst person in the world for lying to you, for hiding this disease from you. It's just that I don't want you to worry. I don't what you to get distracted from your basketball career and your studies. I don't want to be the reason why you wouldn't be able to get into the collegiate basketball team you want to be in. I don't want to be the reason you wouldn't reach your dreams.
You're always there for me. I'm really sorry I can't be there for you now. Now when you're just about reach your dreams.
But I want to let you know that you're one of the reasons why I still fight. You're one of the reasons why I want to get rid of this disease. You're one of the reasons I want to stay alive.
But there's no assurance that I'll get better. And in case I don't, I want you to continue living. I want you to continue with your life. I want you to be happy.
And I just want you to know that I love you, Jeron. More than just a friend. I love you and I'll be back for you.
-Joanna
Hindi napansin ni Jeron na umaagos na pala ang mga luha mula sa kanyang mga mata.
End of flashback
~~~~~
Napabuntong hininga naman si Jeron at tumango, "Nagalit ako noon kay Joanna eh, kasi hindi na siya nagparamdam ulit. Pero nung dumating siya 2 months ago. Bumalik lahat. Nangibabaw yung mga pinagsamahan namin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Mika. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para lang maipaliwanag sa kanya yung mga nararamdaman ko in the less painful way. Pero tuwing iisipin ko kahit anong gawin ko, masasaktan ko siya. Kaya nga lang ang kasalanan ko ay pinatagal ko masyado. Hay..."
"I get you, bro. Pero don't you think you should at least talk to Mika and Gab as well." suhestyon naman ni Thomas.
"Siguro nga... Siguro nga we should talk..."
~~~~~
Nagulat sina Mika at Gab ng sabihin sa kanila ni Thomas na nagyayang makipagkita si Jeron.
Napasimangot si Gab, "I don't think we-"
"Sige, Thomas. Pakisabi na lang sa kanya na meet us tomorrow sa Holly's Cafe." simpleng sagot naman ni Mika.
"But-" muling sabat ni Gab.
"No, Gab. I think we should finally set things right, para rin matapos na."
/the last chapter is next, salamat sa pagsubaybay sa short story na 'to/
BINABASA MO ANG
The Art of Letting Go
FanfictionPaano mo nga ba malalaman kung tamang bumitaw na lang at tumigil na sa pakikipaglaban para sa taong mahal mo? A Mika Reyes, Jeron Teng and Gabby Reyes Fanfiction