KABANATA 6: "Ramdamin ang Sakit at Kirot"
A/N: oh ayan na po :) may updates na... Pasensya na sa mga naghintay :) kahit papano hindi ko naman po nakakalimutan na I-updates itong kwento... Naging busy kasi ako sa work :) Salamat po pala sa mga bumasa... VOTE naman jan :)... Hindi ko na patatagalin... Heto na po :)
Song: Something i need by One Republic
Picture: Kapteyn and White of Love sick the series
Credits sa kanila :-)
_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-
KABATA 6: "RAMDAMIN ANG SAKIT AT KIROT"
Kinabukasan pagkagising ko, mag 11AM na pala ng matanaw ko ang orasan. Naalala ko nanaman ang mga nagyari kagabi. Hindi ko parin mapigilan ang mapaluha. Iyak nanaman ako.
Bumangon ako at humarap sa salamin. Kitang-kita ko ang sarili ko na hirap na hirap ang kalagayan. Mugtong-mugto ang mga mata ko at masasabi mong puyat at hindi talaga nakatulog ng ayos.
Iniangat ko ang ulo ko at natanaw ko ang mga figurine, ewan ko pero nakaramdam ako ng muhi... Galit na sobrang nagbabaga. Dahilan upang sirain ang mga figurine na iyon.. Binasag ko ang mga iyon.
"Pvtang in* mo Jerald!" patuloy kong pinupukpok ang mga figurine. Duon ko lang naibuhos lahat ng galit na nararamdaman ko.
"Mga hayop kayo!" binuksan ko ang drawer at kinuha ang box na puno ng mga sulat ni Jerald.
Kinuha ko ang kulay blue envelop at binuksan ito. Tandang tanda ko pa kung kelan ito ibinigay ni Jerald sakin. Noong kaarawan ko. Binuksan ako ang sulat: "Buddy ko, Happy Birthday, Sana Happy ka agi, Love na Love kita Buddy ko, Hindi ko alam kung bakit napakahalaga mo sakin, special ka sakin Budz... At hindi kita ipagpapalit kahit na kanino man!"
Sulat yan sakin ni Jerald.
Parang gripo nanaman kung tumulo ang mga luha sa pisngi ko. Walang pigil ito kahit na nakapikit na ko.
"Jerald, huhuhuhu...bakit? Bakit mo nagawa ang mga ito, bakit moko niloko? Akala ko totoo ang mga ipinakita mo sakin, akala ko ito ang gusto mo. Bakit Jerald..? Bakit...!?" ang tanging nabulalas ko ng pasigaw. Sabay punit lahat ng mga sulat na nasa box.
Mag 2PM na ng hapon ng maisipan kong bumaba ng kwarto.
Inayos ko ang sarili ko dahil ayokong makita nila mama ang kalagayan ko ngayon. Na namumugto ang mga mata at puyat.
Pagbaba ko patungong kusina ay nakita ko sila mama, papa at Jen na nasa hapagkainan... Nagtatawanan.
Hindi ko nalang sila pinansin.
Sa isip-isip ko "Hayop na Jen, parang walang nangyari kagabi ah! At kung makaasta eh parang natural lang ang lahat sa kanya! Pokpok talaga ang gaga na yun!"
Binati ako ni Jen "Hi cous! Maghapon kitang hindi nakita, sarap yata ng tulog mo ah?" Sabay ngiti ni Jen sakin.
Hindi ko alam kung nang-iinsulto ba ang punyetang ito at gusto akong inisin. Subalit nagpigil ako ng inis dahil nandun sila mama at papa. Siguro nga kung wala lang sila mama at papa rito kanina ko pa to kinalbo!
Nagkunwari akong walang narinig. Dumirestso lang ako sa ref at kumuha ng juice at dali-dali akong umalis ng kusina.
Tinawag ako bigla ni mama. "Arjhay hindi ka ba kakain?" Tanong nya."Later nalang ma" ang tanging naisagot ko sabay alis.
Saka ko narinig si mama na may sinabi kay Jen. "Pagpasensyahan mo nalang ang pinsan mo"
Umakyat nalang ako ng kwarto. Nadatnan ko ang mga basag na mga figurine at mga punit na sulat. Wala kong choice kundi ayusing ang mga iyon at itapon. Baka kasi makita pa nila mama at papa mas lalo akong lagot. Di ko kasi masabi sa kanila kung ano talaga ako. Hayysss ang hirap.
YOU ARE READING
Mahal Ko Si Buddy
RomanceAuthor's Note: June 2014 "Ewan ko ba sa title na yan, hindi ko kasi alam ang ipapamagat ko basta basahin nyo nalang ang kwentong 'to. Salamat sa mga mag-babasa" "Ang kwentong ito ay BoyxBoy or Men to Men Love, kung kaya't kung ayaw mo nang nakiki...