KABANATA 7: ANG TRAHEDYA AT BAKASYON

200 3 2
                                    

Kabata 7: "Ang tahedya at ang Bakasyon"

A/N: Heto na ulit yung updates hehehe.... Sana naman may mag-vote sakin ;(

Picture: ako po hehe
Video: 14 by Silent Sunctuary

Credits po sa lahat....

_-----------------_

Mabilis na tumakbo ang araw..

Linggo na agad at excited ako dahil babatiin ko na ang mahal ko. Babatiin ko na si Jerald. Miss na miss ko na sya.

Pababa ako ng kwarto nang makita ko sila mama at papa kausap si Jen at mukahang seryoso ang pinag-uusapan.

Kaya naman naki-upo ako sa kanila, sa tabi ni mama ako naupo.

"Arjhay, ano ang dapat nating gawin?" tanong ni mama sakin.

"Bakit Ma?" ang tanong ko.

"Yang pinsan mo, buntis" ang sagot ni mama.

Biglang nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Pero hindi pinahalata.

May ini-abot si Jen sakin, isang sobre. Binuksan ko yun at nakita ko isang pregnancy test, nakita ko dalawang lines. Positive nga. Buntis si Jen.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, ang tanging naitanong ko nalang: "Paano? A-at kanino?" "Sino?" Sunod-sunod kong tanong sakanya.
"Si Jerald cous! Si Jerald! Natatandaan mo ba yung gabing galing tayong bar? May nangyari samin ni Jerald" pagpapaliwanag ni Jen.

Sino ba namang hindi makakalimot nun? Natulala ako.

Bigla nalang may pumasok sa pintuan. Paglingon ko si Jerald, kasama ang nanay nya, si Tita Maricar.

"Oh ayan na pala si Mare, pag-usapan natin kung anong gagawin natin sa mga batang ito" Muling sabi ni mama.

Nakatingin ako kay Jerald na nangungusap ang mga mata. Ano to? Gusto nyang mag-explain...pero hindi pwede dahil nandun ang mga parents namin.

Umupo si Tita Maricar sa tabi ni Jen at si Jerald sa harap namin ni mama.

Nagsalita si Tita Maricar, "Pananagutan ni Jerald ang nangyari sa kanila ni Jen", ipakakasal natin sila"

Natulala ako. Legit! Bigla akong nabingi. Dumilim ang paligid ko at si Jerald lang nakikita ko.

=================

(Play ths video: https://youtu.be/6bKFDhdvDZo?si=2leG_CWje4z7yPUB habang binabasa hahahahaha)


=================

Kasal? Para akong sinasak ng kutsilyo sa likod. Kasal? Napatingin ako kay Jerald. Walang magawa si Jerald. Nangingilid na rin ang mga luha nito sa mga mata nya. Hindi ko alam kum bakit, maaaring ayaw nitong pakasal o dahil alam nyang sa pangatlong pagkakataon nasaktan nanaman nya ako.

Nagpaalam akong kukuha ng tubig at magpeprepare lang ng meryenda. Pero ang totoo unti-unti nang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan, pagtayo ko ay tuluyan ng bumuhos ang agos ng luha sa mga pisngi, luha na hindi nakaligtas sa paningin ni Jerald.

Hagulgol ko na pilit pinapatahan ang sarili ko, baka marinig ako sa sala. Ilang minuto nakaramdam ako ng taong paparating. Kung kaya naman dali-dali kong inayos ang sarili ko.

Si Jerald lang pala.

"Sorry hindi ko sinasadya" pagharap ko kita ko na umiiyak na sya. Yung pinipigilan kong luha kanina ay ngayon mas bumuhos at sumabog na... 

Napayakap ako kay Jerald. "Iiwan mo na talaga ako, mahal ko." ang hikbi ko sa kanya.

"Bakit lagi mo nalang akong sinasaktan? Wala anaman akong kasalanan sayo ah, Jerald. Lahat naman ng ginawa ko sayo ay maganda, minahal kita Jerald... Sobra pa sa sobra... (14 palang ako minahal na kita) Pero bakit ito ang kapalit?" muli kong hikbi sa kanya.

Mahal Ko Si BuddyWhere stories live. Discover now