Continuation...
Kinuha ko yung phone ko sa bag tas sinagot ko yung natawag ang kaso number lang yun sino kaya yun... Pumunta ako sa Bench para dun ko makausap ng maayos yung tumawag sa'kin
Ako: Hello po... Sino po to?
Caller: Morisette si Dustin to... Anjan pa ba sila?
Ako: Wait papano mo nakuha number ko?
Dustin: Tinatanong kita kung nandiyan pa ba sila...
Ako: Oo, Tinanong ko nga rin kung may klase sila eh... Kaso ang sabi nila Wala daw silang pake sa klase nila...
Dustin: Mga punyaterang kambing na pabebe! Paano ko niyan makakalabas malapit ng magtime...
Ako: Alam mo rin yung pabebe?
*call ended*
Aba bastos yun ah! Binabaan ako! Magtiis siya ngayon! Alam ko pa naman na sobrang panghi ng Hindi ko ba alam kung CR ba yun oh Dump Site nung minsan kasing pumasok si Kuya Pakoy , Janitor namin, jan sinabi niya sa Adviser ng Supreme Students na tambak daw ang nagkalat na balat ng Richeese at Mga basag na bote ng Lipton! Jusme binaboy nila ang paborito kong Snacks and drinks...
Habang naglalaro ako ng Minecraft sa phone ko... Biglang nagring yung bell...
Hala! Paano siya makakalabas niyan...
Student 1: Bestie! CR muna tayo... Kanina ko pa pinipigil ihi ko kaso di pa rin siya lumalabas..
Student 2: Oo nga...
Aba Nakikiayon ata si panahon ngayon...
Itetext ko na siya...
*sent*
Tapos mga 20 seconds nakalabas na siya...
Dustin: Salamat! Tara na Morisette!
Sakto naman kaming nakapasok sa room...
Kaso... Sana pala nalate na lang kami! Math yung subject!
Tas nakakawalang gana pang magturo teacher namin... Jusme! When Boredom strikes...
****
Time Check: 4:30 pm
Aba may napansin ako Journal ko!!! Isang araw pa lang 4 pages na nasusulatan ko masyado ata kong nagenjoy sa pagsulat sa'yo...
Nagpaalam na nga rin pala ko kanina sa mga bago kong kaibigan...
Pero ang katakataka may tumawag sa'kin... Nang sagutin ko naman si Mystery Caller... Parang pamilyar ang Boses niya... Napakalamig and sobrang lambot ng pagkakasalita niya... Inisip ko nga nung una bakla ang kausap ko eh... Pero nang tanungin ko siya kung bakla siya... Hindi naman daw... pero grabi naman kung magmalfunction ang bibig ko... Di ko man lang natanong kung ano pangalan niya... Haisst... Di bale na nga...
Tanong: Sino si Mystery Caller?