Kabanata 1

32 1 0
                                        

Vanu

"Hello Suzanne?"
Tinapat ko sa tenga ko ang phone ko pagkatapos kong ireceive ang tawag niya.

"Where are you?"

"Papasok palang" sagot ko sakanya habang nagalalakad. Naglalakad na ako tutal maaga pa naman at malapit lang ang pinapasukan kong eskwelahan. Siguro malalakad ko lang ito ng 20 minutes.

Naglalakad ako papuntang school nang maramdaman kong may nakatingin sa akin. Natigil ako ng bahagya sa paglalakad.

"Later Suzanne. I gotta go" pinatay ko agad ang tawag at Binilasan ko pang maglakad.

Dahan-dahan akong lumingon pero wala akong nakita.
Pinagpatuloy ko ulit ang paglalakad nang may naramdaman kong may nakasunod nanaman sa akin. Sumbol agad ang kaba sa dibdib ko.
Halos magpawis na ako ng malagkit.

Napatigil ulit ako nang may tumunog na naputol na kahoy. Binilisan ko ang lakad ko nang hindi lumilingon.

Baka sinusundan na nila ako!

Tumakbo agad ako ng mabilis nang hindi lumingon. Kung ito na talaga ang dulo ng buhay ko. Atleast I tried to keep my mouth shut.

Takbo lang ako ng takbo nang may mabanga akong matigas na bagay
Inangat ko ang ulo ko nang makita ang dibdib ng isang lalaki. Lalo akong kinabahan.

"Lucas?" I breath out his name. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko ang mukha niya.

Nakatingin lang sa akin ang matatalim niyang mata.

"What the hell are you doing?"
Tanong niya. Nagsitayuan mga balahibo ko. Napakalamig at napakababa ng boses niya.

"A-ano may sumusunod yata sa akin."

"Wag kang lilingon..." sambit niya.
Di ko alam pero sinunod ko ang sinabi niya. Linabas niya 'yung phone niya at kinalikot ito.

"Hello? Sunduin mo ako dito sa Laura Street. Sa may tapat ng bus stop."

Nakaharap parin ako sakanya. Malapit sa dibdib niya.
Sininghot ko ang pabango niya. Ano kayang pabango niya? Masarap sa ilong. Hindi matapang, sakto lang.
Habang tumatagal nagiging kumportable na ako malapit sakanya. I don't know why, But I feel comfortable.

"A-ano. Pwede na ba akong lumingon sa likod?" Sambit ko sakanya. Kahit na takot ako gusto kong kumpirmahin kung wala na ba talaga sila.

"Not yet" sambit niya. Hindi ko inalis ang tingin ko sa dibdib niya.

Tumagal kami ng limang minuto sa ganong posisyon. Hindi ako gumalaw at hindi rin ako nagsalita.

Hanggang sa may dumating yellow na sports car sa tapat namin.

"Teka, kasama mo ba yan?"Tanong nung Lalaking Blonde ang buhok na may hikaw sa kaliwang tenga.

"Oo."

"Seriously? Wala na siyang space dito sa sasakyan. Two sitter lang 'to" nakakunot noong sambit niya.
Sinilip ko ang sports car. Oo pang dalawahan nga lang talaga ito.

"So what?"malamig na sambit ni Lucas

"Ah! Siya lang isasakay ko? Eh pano ikaw? Maglalakad ka?" Nakangiti siya ng matamis sa akin tapos kumindat.
Napangiti ako ng pilit.

Narinig kong tumikhim si Lucas at agad na Lumapit sa Driver's seat at binuksan yung Sasakyan.

"You" tinuro niya ako ng hintuturo niya. Tinuro ko din ng may pag-aalinlangan ang sarili ko

I Tamed the GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon