Simula

36 1 0
                                    

Simula

"Jaina Mojica!"

Napatayo ako sa upuan ko nang sigawan ako ni Mrs. Cruz. Agad-agad kong inayos ang Kusot kusot kong damit at dali daling lumapit kat Mrs. Cruz.

"Bakit po ma'am?" Mahinang sambit ko sakanya

"Yong pictures para sa Presentation bukas asan na?!" Nanggagalaiti niyang sigaw sa akin. Namumula ang kanyang tenga at pisngi sa galit. Halatang halata ang kanyang pamumula dahil sa kanyang kaputian.

"Nabura po kasi ma'am. Uulitan ko nalang po agad mamaya." Yumuko ako pagkatapos kong sinabi iyan. Lumingon ako habang nakayuko kay Suzanne. Pinanlakihan niya ako ng mata.

"Uulitan!? Bukas na ang presentation niyo. Bakit ganyan ka Jaina? Napaka iresponsable mo talaga!" sigaw niya at dinabog niya bigla ang hawak niyang pamaypay sa lamesa niya na dahilan ng pagtingin sa amin lahat ng laman ng faculty office.

"Ipapakita ko sayo 'yung pictures mamayang exactly 4:00 ma'am" saad ko habang nakakuyom ang aking mga kamay. Sana wag siyang magalit

Napahawak naman siya sa baba na na mukang nag-iisip. Matapos ang ilang segundo umupo siya at inayos niya ang kanyang salamin. "Ok, Dismissed" Makalma na pagkakasabi ni Mrs. Cruz.

Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas kami sa faculty. Agad naman akong sinalubong ni Suzanne ng sigaw
"Jaina! Bakit nabura yung iprepresent natin?! Yang karumal-dumal na pictures na yun, meron pa?! Oh c'mon!" Sigaw niya sa tabi ng tenga ko habang naglalakad kami sa Corridor.

Umiling-iling lang ako. Hindi niya ako maiintindihan.

"You see, Suz this is very important. This could save a life"

"What?! Life? Ni hindi mo nga kilala yung tao eh!"
Umiling lang muli ako at dumiretso sa room.

Pagkaupong pag-kaupo ko napangiti ako nang May naramdaman akong kumakalabit sa likod ko.

Lumingon ako kaagad "Marcus, ano ba tumigil ka nga" sambit ko sakanya ng may pinipigil na ngiti.

"Bat katagal niyo dumating? Bakit ka pinatawag sa faculty? Why?!"

"Wala yun Marcus, tsaka tumigil ka nga. You sounded like a girl!"

Ngumuso siya pagkatapos kong tanggihang sagutin ang tanong niya. Napaka-kulit.Bigla namang dumating ang magtuturo kaya't natahimik ang lahat ng laman ng buong kwarto.

"Good Morning class, You have a new classmate, Come on in"

May pumasok naman na lalaki na Magulo ang buhok,naka Unbutton ang dalawang butones sa taas. Wala siyang necktie at may Kwintas, Badboy ang dating. Tinitigan ko ang hulma ng katawan niya. Tinitigan ko ang mga braso niyang mukhang matigas at ang kamay niyang may lumilitaw na ugat. Kung ikukumpara ko siya sa mga lalaki sa loob ng room na ito, magmumukha silang totoy.


Nagbubulungan naman yung nga kaklase ko parang konti nalang magsisigawan at magtitilian na.

He looks familliar.
Kung sana humarap siya ng kaunti dito sa side ko sa gilid para malinawan ako ng tingin sakanya. Tinitigan kong mabuti ang mukha niya. Ang mata niyang may mahahabang pilik mata at ang kilay niyang makapal ang kapansin pansin. He have this narrowed nose and thin pinkish lips. Mapalunok ako nang makita ko ang bibig niya.

Namilog ang mga mata ko nang magtagpo ang aming mata. Agad kong inalis ang titig ko sakanya. Binaba ko ang tingin ko sa ibang parte ng katawan niya. Hindi ko  kayang tagalan ang lamig ng mga mata niya.

Napatakip ako ng bibig nang nadapo ang tingin ko sa kanang kamay niyang may bandage.

"Lucas Metropolise" Malalim at malamig niyang sambit.

Halos natahimik ang nga tao sa loob. Ang ilan ay mahinang naghahagikhikan.

"Ok. Mr. Metropolise, Sit there Behind Ms. Mojica, The girl near the Window"

Tumingin naman sa akin yung lalaki at dumiretso sa dito sa banda ko. Nakatitig lang sa akin at walang emosyon. Ang mga matang iyon, ang ilong niyang matangos at ang kakaiba niyang kaputian.

That's when I confirmed that it is really him.

Nang makalapit siya sa akin.
Lumapit siya sa tenga ko.

"Delete the pictures"bulong niya sa akin na nagpatayo sa mga balahibo ko.

You'll never change your life until you change something you do. Isa akong tao na mahilig sa thrill. I usually go to the woods just to take good pictures. Hindi man ako ang tipo ng tao na kayang kaya ang maghiking or do rough and tough stuffs, I actually end up getting wounds from the twigs and thorns on my way to capture things in the woods. In short, lampa ako.

Ang sabi nila "chase the subject capture the memory" kahit na lampa ako I still stand up and pick up myself just to capture what I want.

But...
My last chase didn't end up well.
Nakuhanan ko ng litrato ang hindi dapat nakuhanan. Isang krimen na hinding hindi ko pa kailan man nasaksihan sa tanang ng buhay ko.

They said, they will come and get me.

I Tamed the GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon