Kabanata 2

23 0 0
                                    




The Flashback

Binuklat ko ang page ng binabasa kong libro. Nawawala na ako sa mundo ng hindi makatotohanan nang marinig ko ang matinis na sigaw ni Suzanne sa malayo.

"Jaina!" Inangat ko ang tingin ko sa papalapit na si Suz.

Malaki ang ngiti niya sa akin. Ang kanyang itim na buhok na hanggang balikat ay umaalon kasabay ng pagtakbo niya papalapit sa akin.
Malayo palang ay naaninag ko na ang bakod niya sa ngipin.

Ngumiti naman ako pabalik at kumaway rin.

"Nagbabasa ka nanaman? Tsaka bat di mo ako hinintay?" Sambit niya agad nang makalapit siya sa akin dito sa ilalim ng puno.

Binaba ko yung binabasa kong libro
"Tagal mo kaya sa banyo"

Ngumuso siya na nagpatawa sa akin ng bahagya.
Binalik ko ang tingin ko sa libro na binabasa ko at tinuloy ang naudlot na pagbabasa ko.

Ilang segundo siyang natahimik at panay ang buntong hininga niya.

"Is that Lucas?"

Binaling ko agad ang tingin ko sakanya. Sinundan ko ang line of vision niya.

Nahanap ng mata ko si Lucas sa di kalayuan. Nakapamulsa siya. As usual malamig ang aura niya. May iilang babaeng naghahagikhikan habang tinitingnan siya kapag napapadaan ito sa tapat nila.

"Hoy" kinalabit ako bigla ni Suz.

Binalik ko agad ang tingin ko sakanya nang kalabitin niya ako.

"What?" Tanong ko sakanya.

"Crush mo ba si Lucas?" Pinanliitan niya ako ng mata. Ang singkit niyang mata ay lalong sumingkit. Hindi tulad ng akin na malalim.

Umiling ako. Because it's true. I don't really like him. Kinakabahan lang ako tuwing nakikita siya dahil Siguro na rin sa nangyari noong nakaraang buwan.

Nagkibit balikat lang si Suzanne at hindi na ulit ako ginulo. Sinubukan kong ibalik ang atensyon ko sa binabasa ko. Pero hindi ko maitindihan ang bawat linya. Paulit ulit ko itong binasa pero hindi pumapasok sa kokote ko.

Sinarado ko ang libro ko at pumikit ng sandali.

"Hey, Jaina. Wala ka bang balak sabihin sa akin kung ano talagang nangyari?"

Hindi ko minulat ang mata ko kay Suzanne na nagtatanong. Kahit na hindi niya binanggit ang tinutukoy niya alam ko na ang ibig niyang sabihin.

Umiling lang ako bilang sagot. I gotta keep this to myself.

Narinig ko ang buntong hininga niya. Naiimagine ko ang itsura niya kahit nakapikit ako. I can't tell you Suzanne I'm sorry.

Flashback

Napatingin ako sa mga shots ko, napangiti ako. Ang gaganda ng kinalabasan.

Luminga-linga ako dito sa loob ng kagubatan sa likod ng Campus. Kinuhanan ko ng litrato ang bulaklak na kulay Lavander pero hindi ako nakuntento sa kinalabasan.

Habang inaanggulo ko ang camera ko may dumapong magandang butterfly sa bulaklak. Malaki na ito at itim pero pag titigan mo May ibat-ibang kulay ng specs sa pakpak niya.  

Kukuhanan ko sana ito kaso bigla itong lumipad. Sinundan ko ito hanggang sa huminto sana sa isang bulaklak kahit saglit lang. Pero hindi siya tumigil. Sumunod lang ako. Wala akong pakealam kahit magkandasugat-sugat na ang mga paa ko dahil sa mga sumasayad na tangkay na may tinik.

Hanggang sa nakarating na ako sa Kalagitnaan ng Gubat.

Susundan ko pa sana 'yong Butterfly, ngunit Napatigil ako nang may naaninag at narinig malalakas na tawanan na tatlong lalaking nagmumura at may binubugbog.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Tamed the GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon