Carpe Noctem II

77 3 0
                                    

Carpe Noctem seize the night

-

RJ POV

She's so damn beautiful. Mas lalo akong nahuhulog. Tsk ang bading pakinggan. RJ control your emotions hindi pwedeng ganyan. But she's so irresistible. God I can't afford to lose Maine.

As we enter I pulled her closer I want her to be secured. Maraming tao at ayokong masaktan sya. Pag nakikita kong nasa barangay siya hindi ko maiwasang magalala. Malaki ang chance na masaktan sya pag hindi macontrol ang crowd. Kaya kailangan kong mas magtrabaho. I want to give her the life she used to be. Maine deserves the best.  

Napansin ko ang tingin ng mga lalake kay Maine. Fuck off dickheads! She's already mine! Hindi ko mapigilang mainis.  Hindi man lang alam ni Maine na nasa kanya na ang atensyon. How can she be so attractive and cute? Mas lalo akong naiinis nginitian nya ang ibang artistang nadaanan namin. 

Nakipagshake hands pa kami sa other love teams at alam ko naging crush nya yun. Hindi ko maiwasang hindi mapangiwi sa mga nangyayare. RJ control your emotions huwag ka ditong magkalat. I know Maine already noticed my sudden change of mood. Bakit ba ako nagkakaganito? Hindi naman ako ganito dati pagdating sa kanya. 

Hey are you okay?

No I'm not okay pwede bang umuwi na tayo.  But I just nod and smile. 

Nagsimula na ang event medyo mas kumalma ako dahil dun sa 5x kiss at paghatid sakin ni Meng sa stage. Ang kulit talaga ng babaeng to. No dull moments with her . Hanggang matapos ang awarding medyo naging mas panatag ako. 

Nasa kotse na kami at hindi ko na maiwasang isipin ang mga bagay bagay. Ang tahimik ni Meng alam niya panigurado na wala ako sa mood. Hindi sya nangungulit sakin ngayon at medyo pinagpasalamat ko yun.

Hey what's wrong kanina ka pang tahimik? 

Hindi ako makasagot. Maging ako hindi alam ang sagot sa tanong nya. 

Ano bang problema mo? Magsalita ka naman! May nagawa ba akong mali? Sorry na huwag ka namang ganyan. May nagawa ba ako? Please sabihin mo.  

Nagulat ako ng bigla syang umiyak. God what did I do. Ang gago mo Rj pinaiyak mo ang babaeng mahal mo dahil sa kababawan mo.

I'm sorry love. Wala kang kasalanan ako ang may mali. Hush Love.

Ano ba kaseng problema? 

I don't know.

You don't know? How can you be so moody without any reason? 

And I don't know what to say. Wala akong masabi sa kanya.

Please answer me! Ayaw mo na ba sakin? Kinahihiya mo ba ako? 

She frustratingly get out the car at naglakad papasok. Sinundan ko sya papasok. Hindi kami nagiimikan mula sa elevator hanggang makarating kami sa pent. Pagpasok namin sa loob ng pent agad na pumunta si Maine sa kwarto at narinig ko ang kanyang iyak. 

Hanggang sa hindi ko na natiis at sinundan ko siya sa kwarto. Narinig ko ang hikbi nya sa loob ng cabinet. Nagtago nanaman siya.

Love? I'm sorry. Labas kana diyan?Please I will explain.

Binuksan nya ang cabinet at medyo nagulat ako nang makita na kalat kalat ang make-up nya at  magulo ang buhok but still so perfect. She hugged me tight at sniffed my armpit.

I'm just fucking jealous. I'm sorry baby.  and I hugged her tighter.

Selos ka? ha? bakit? paano? kanino? nanlalaki ang mata nya at nakakatitig sakin. I can't help it I pinched her nose.

Every man on that event keep eyeing on you! Ang lakas ng loob nilang tingnan ang girlfriend ko kahit alam nilang nandun ako! 

Pero hindi naman nila alam na boyfriend kita diba? Iniinis pa nya ako lalo. 

Kahit na! Tapos nakangiti ka pa sa kanila! nakita ko yung pagtingin sayo nang dalawang mokong na yun! Akin na nga yang kamay mo! Hinila ko sya sa sink at hinugasan ang kanyang kamay. Ayokong may ibang nahawak sa girlfriend ko.

to be continued..

---

Imagine nyo na lang ganito yung nangyare?

HAPPY READING ADN! <3

PLEASE KINDLY FOLLOW ME AND LEAVE COMMENT BELOW. THANKS!

PATULOY NATING SUPORTAHAN ANG DALAWA.

-

CABANANA

No More LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon