Memoirs

69 4 0
                                    

Her memories is still fresh on my mind. Even the tiniest detail on her face. It feels like it just happened yesterday.  5 years passed and now I'm ready to go back.

-

Pagdating ko sa airport mukha na agad ni Maine ang bumungad sa akin. She's still gorgeous. Her smile is heavenly just like the old times. Napukaw lang ang iniisip ko ng sumabit na sa leeg ko ang mga braso ni Riza para yakapin ako. "Grabe kuya ang gwapo mo! Nakakagwapo ba ang tubig sa Italia? HAHAHA" 

"Loko ka talaga!I miss you Riza! asan ang mga pamangkin ko?" hindi ko napigilang hindi yakapin ang kapatid ko halos limang taon na ang nakalipas ng huli akong umuwi sa Pilipinas. 

"Sinusundo sila ni Drake galing school. Si daddy naman ayaw sumama kase may meeting daw sya" nalungkot ako dahil hindi parin kami okay ni daddy. Alam kong galit parin siya sa akin dahil sa mga nangyari noon. 

"don't worry kuya busy lang yun may problema lang siya sa kumpanya pero alam ko miss ka din nya"

"Okay lang Riz" hindi na nagsalita si Riza habang nasa byahe kami medyo nakatulog din ako sa sasakyan dahil sa pagod. Naunang hinatid namin si Riza sa kanilang bahay dahil medyo gumagabi na din dahil inabot kami ng traffic. Hindi ko namalayan na nasa dapat na pala kami ng gate ng aming bahay. Hindi makapasok ang kotse dahil may nakaparadang pulang kotse sa harap mismo nggate namin.

Bumusina ang driver namin ngunit hindi pa rin naalis yung kotse.

"Sige kuya dito na lang muna baba na lang ako" nagdoor bell ako at bumungad sa akin si Manang Elise. Hindi siya agad nagsalita tila nagulat sa hindi inaasahang pagdating ko ng makabawi ay agad akong niyakap.

"Grabe Den! ang gwapo mo! kumusta kana hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka ngayon sana ay napagluto kita ng paborito mo!"  Niyakap ko siya pabalik. "halina ng makakain ka ng hapunan at makapagpahinga na.   Dumeretso ako sa salas at nagulat ako ng makita ko siyang nakatalikod sa akin. Masaya silang nagkwekwentuhan ni Daddy . Halatang nagulat si Daddy ng nakita nya ako.

Maine.

Tumigil sya sa pagkwekwento at humarap siya sa akin.

Parang gusto kong manginig when our eyes met. Hindi niya ako binati at agad na bumaling kay Daddy. Inabot nya ang isang paper bag. "Daddy uuwi na po ako bukas pangako sasabayan ko na kayo maghapunan. " bumeso sya kay daddy at naglakad patungo sa direksyon ko. Nagakala akong papansinin nya ako ngunit nilampasan nya lamang ako.

Her eyes is emotionless.  Wala ni isang emosyon. I still remember how expressive her eyes but now it was empty. Parang walang natitirang kahit anong emosyon. 

Lumapit ako kay Daddy at nagmano. Niyakap ko siya ngunti hindi ko inaasahang yayakapin nya ako pabalik.  Dun na ako nagsimulang umiyak. Limang taon kong hinintay na yakapin ako ulit ni Daddy. Limang taon nya akong iniwasan. Hindi kami nagusap kung ano man ang nangyari noon  nagiyakan lang kaming mag-ama. Tumunog ang tiyan ko na siya namang kinatawa niya.

"Araw-araw pumupunta dito si Menggay. Lalo na noon." tahimik lang akong kumakain habang nagkwekwento si Daddy.

"Araw-araw walang palya. Umulan o umaraw kahit may sakit siya pinipilit niyang dumaan dito. Kahit na wala ako sa bahay sinasabi nina Manang na nadaan pa rin siya dito bitbit yung paborito mong pagkain" lalo akong natahimik sa sinabi ni Daddy ni hindi ko na kayang pakinggan ang mga susunod pa niyang sasabihin. May punyal na bumabaon sa aking dibdib sa bawat salitang kanyang binibitiwan.

"Bawat  araw nadadagdagan ang band aid sa kamay niya, kung hindi dahil nahiwa ay napaso siya. Ako yung naging judge ng bawat luto niya at habang tumatagal ay lalo itong sumasarap . Ngunit isang araw ibang pagkain na yung bitbit niya. Hindi na yung paborito mo. "Hinintay ka niya anak." 

Natapos kaming kumain at ni isang salita walang lumabas sa bibig ko. Wala akong masabi. Parang gusto kong sapakin ang sarili ko dahil sa sobrang duwag ko.

-

after how many days nakapag-update din! Pasensya na! Super naging busy lang talaga sa Work. Sana po ay mapatawad niyo ako! Maraming salamat po sa lahat ng nagvote at patuloy na nagbabasa. Maraming maraming salamat po! Please keep in touch! Kapit lang! Walang bibitaw ADN!

-CABANANA

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

No More LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon