Loving You

3.5K 21 5
                                    

Loving you, ohohoh

Is such an easy thing to do

No you'll never know

It's driving me crazy coz it grows and grows

But I won't let it stop

No I'm not giving up

Loving you, oh loving you

Just have been too much............ ~ Minnie Riperton

Prologue

Paano kung 'yong taong kinamumuhian mo ay sa kala-unan, sa pagdaan ng panahon ay yun pala ang taong kakailanganin mo?

Paano kung yung taong pinandidirian mo ng buong buhay mo, ay yun pala ang makapagpapasaya sa'yo?

Paano kung yung taong hinahamak-hamak mo ay yun pala ang kukumpleto ng araw mo?

Paano kung 'yong taong pinaglaruan mo at binalewala ay yun pala ang taong gustong gusto mong maging ina ng anak mga mo at makapiling habambuhay?

Kaya mo bang lunukin ang pride mo para sa taong mahal mo at sakyan ang biro ng buhay at handang harapin ang sasabihin ng mga tao? At handang ipagpalit ang magandang pangalan at karangyaan ng buhay para sa iyong kaligayahan?

Halina't ating samahan ang masalimoot, kakaiba ngunit makulay na lovestory nina Dawn at Richard.....

Si Richard, isang gwapo ngunit mayabang at arroganteng binata na nagmula sa mayamang angkan, lahat ng gusto niya ay kanyang nakukuha lalong lalo na pagdating sa mga babae, palibhasa, dinadaan sa pera at charisma ang lahat, makalaglag panty ang Sex Appeal.....

Si Dawn, isang magandang dilag na may malaking pangarap at ambisyon sa buhay, gusto niyang iha-on ang sarili sa kahirapan at maipamukha sa mga magulang na nang-iwan sa kanya na pinag-sisihan nila ang araw na iniwan siya, kaya naman handa niyang su-ungin ang lahat maging butas ng karayom at kahit humawak sa patalim maabot lamang ang tinatamasang tagumpay.....

Magkasundo kaya ang dalawang puso na nagmula sa dalawang mundo? Maidudugtong ba ng pag-ibig ang mga pusong milya milya ang layo sa isa't isa?

Loving You (Richard Gomez & Dawn Zulueta)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon