Chapter 4 - Deal or No Deal?

1.1K 12 2
                                    

Dahil sa nangyari ay hindi muna pumasok si Dawn sa paaralan, hindi niya alam kung ano na ang gagawin, for sure, alam na ng lahat ang baho niya ngayon, paano siya haharap sa buong campus, ito na ba ang katapusan ng lahat ng mga pangarap niya? Good bye University na ba? Ano pa nga ba ang aasahan niya? O bakit ba kay lupit ng tadhana? Saan na siya pupulutin ngayon? Saan? Saan? Siguro ang pinakamainam na gagawin niya ngayon ay ang mag impake ng gamit,  iwanan ang lugar na ito upang makalimot.

Kung bakit din ba kasi walang lalaking nagkakagusto sa kanya, Maganda naman daw siya, yun yung sabi sabi ng marami, at sa tuwing tinitingan niya ang kanyang sarili sa salamin, totoo nga naman sila, di naman din sya talaga mataray, kung may lalaki lang na tunay na magmamahal sa kanya ay susuklian niya talaga ito ng pag-ibig na tapat at pagsisilbihan ng buong puso, handa niyang ipagpalit ang mga pangarap niya kung mahanap lang niya ang tunay na pag-ibig, eh, wala din naman siyang napala sa pagsisikap niya at pagbabanat ng buto......

Nang gabing iyon ay hindi talaga siya makatulog, pilit siyang binabagabag ng samot saring emosyon, nang pagkabigo, nang panghihinayang, nang pagsisisi (Nagsisisis siya kung bakit nakilala pa niya si Richard, ang lalaking tinik sa kanyang lalamunan), nang poot at paghihiganti, sa oras na iyon ay gusto niyang sumagaw, sumigaw ng pagkalakas lakas, dumaragdag pa sa sakit na kanyang nararamdaman ang music mula sa kabilang silid ng kaboardmate niya...

                                                         "Loving You"

It’s been quite a while
It really kept me wanting you
You’ve got some style that’s so unique
So beautiful, so warm, so deep

Stay with me tonight
Let me know the kind of love
That will remain forever be
A dream that you have made reality

Loving you, ohohoh
Is such an easy thing to do
No you’ll never know
It’s driving me crazy coz it grows and grows
But I won’t let it stop
No I’m not giving up
Loving you, oh loving you
Just have been too much

It’s been quite a while
I never felt so easily
I wonder how you broke my style
Close to me I need you now

Stay with me tonight
It’s got to be just too much of
That could remain forever be
A dream that you had made reality

To love and be loved could be the best feeling ever, pero kailan ba naman ito mangyayari sa kanya? Siguro kasi masyado lang mataas ang pangarap niya sa buhay, kaya nabubulagan na siya at hindi man lang niya naappreciate ang mga simpleng bagay sa paligid niya, ang mga taong nagmamahal sa kanya..........meron nga ba? eh kahit nga mga magulang niya iniwan siya eh...SAKLAP LANG! Sge lang Dawn, iyak lang Dawn...at humagugol na talaga siya...

Na-alimpungatan si Dawn nang tumunog ang cellphone niya, nagtaka siya ng bongga kung sino ang tumawag sapagkat hindi nakaregister sa phonebook niya yung number, sinagot pa rin niya ito..

Dawn: Hello?

"Hi" sagot naman ng boses ng isang lalaki sa kabilang linya.

Dawn: Sino to? 

"Hi Dawn, kumusta ka na?"

Dawn: Sino to sabi?

"Ikaw naman on, ang bilis mo namang kalimutan ako?"

Dawn: Rich--Richard?

Richard: Yes ako nga!

Dawn: Hayop kang tao ka! Ikaw ang dahilang ng lahat ng paghihirap ko, ang kapal ng mukha mo para tawagan ako, para saan pa huh?

Richard: Tumawag ako kasi mayroon akong importanteng sasabihin sa'yo?

Tila kinabahan naman siya..

Dawn: At ano naman iyon? Ayaw ko ngang pumunta!

Richard: Ikaw rin, mahalaga pa naman tong sasabihin ko sa'yo pero kung sakaling magbago ang isip mo well puntahan mo lang ako dito sa Pancake house Makati branch, I'll wait till 10 pm, kapag hindi ka darating bahalaka, kinabukasan mo ang nakasalalay dito.

Dawn: Huh? Paano namang nakasalalay dito ang kinabukasan ko, anong alam mo sa kinabukasan ko, eh sinira mo na nga eh.

Richard: Eh bakit, kasalanan ko ba? Aksidente lang naman ang lahat nang madiskubre kong pok-pok ka pala, oh sya mag-handa ka na at pumunta ka na dito dalian mo.

Dawn: Napaka demanding mo talaga.

Richard: Demanding man ako, wala ka nang magagawa.

Dawn: Tse!

Sabay pindot ng end call button

Hayop ka talaga Richard!...........at mas lalo pa siyang nainis nang ma realize niyang hawak pala siya sa leeg nito. Umupo muna siya sa sofa, at tumingin sa kawalan....HAY BUHAY!!!!!!!!!! saka tumayo, upang magbihis para siputin si Richard.

Mugto man ang mga mata pero ang ganda pa rin niya.

.

.

.

.

.

Mula sa malayo ay natatanaw na ni Richard si Dawn..kahit papano ay nakaramdam din siya ng konting pagkahabag para dito, at yeah, aaminin niya, maganda si Dawn, oh well, marami namang magagandang babae sa mundo, pero that body he'd seen last night, he's dying to taste it, di nga siya makatulog sa kaka-isip eh, Naalala lang tuloy niya yung sinabi ni Dawn sa kanya nung nasa car sila "Manyakis ka talaga Richard!" "...well makikita mo ngayon Dawn, dahil hindi mo ako pinatulog last night at ang sakit ng puson ko.." sa kaloob-looban niya. 

Nang makalapit ito sa kanya ay doon niya napansin ang pamumugto ng mga mata nito.

Richard: Umiiyak ka?

Pagpapakumbaba niya, di naman siya ganun kalupit eh, nasasaktan din siya sa tuwing nakakakita ng babaeng umiiyak.

Dawn: Pakialam mo kung umiiyak ako, bakit luha mo ba ang masasayang? *Matigas na sagot niya* Ano ba ang kailangan mo at pinapunta mo ako dito?

Richard: Maupo ka nga muna at kumain.

Umupo naman si Dawn ngunit di siya kumain.

Dawn: Ano ang sadya mo, sabihin mo na para maka-alis na ako, dahil di ko kayang sikmurain yang pagmumukha mo.

Richard: Ang taray mo naman, well anyways, nandito ako, para sabihin sayo na, wala pa naman akong pinagsasabihan sa mga nalalaman ko, it's only between me and you."

Nakahinga naman ng maluwang si Dawn, pero ang susunod na sasabihin ni Richard ay hindi niya magugustuhan...

Richard: Hindi ko naman talaga sasabihin yun Dawn eh, pero sa isang condition, magpapagamit ka sa akin, pero huwag kang mag-alala, babayaran naman kita eh, sa akin ka lang magpapagamit, pero babayaran kita ng malaki, pambayad ng tuition mo, at hindi ka na rin titira sa bahay na yun dahil dun kana titira so condo ko, huwag kang mag-alala, wala namang nakaka-alam noon eh, tayong dalawa lang may alam nito, pero huwag kang iibig sa akin, at huwag kang mag-expect na mamahalin kita, dahil libog lang ito, conservative kasi ni Sofia eh, at nirerespeto ko iyon dahil mahal ko siya, ano papayag ka ba?

Para naman siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig..

Dawn: HUWAT!!!!!!????

........................DEAL or NO DEAL?...............................

Loving You (Richard Gomez & Dawn Zulueta)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon