Chapter 10 - [Adventurous]

9.7K 332 18
                                    

Kakatapos lang ng seminar namin at hi di tugma ang salitang masaya sa mga ginawa namin. Bukas nalang daw itutuloy ang amazing race. Umuwi ng maaga si Yuri dahil may kailangan pa daw siyang gawin. Eto naman ako nagbibihis at ililibre daw ako ni Hiro sa kung saan. I can't help to feel excited. Pagkatapos kong magbihis ay pumunta ako sa isang milktea house sa labas ng school kung saan magkikita kami ni Hiro.

"Ate isa nga pong oolong milk tea." Order ko kay ateng nasa cashier. Time check 5:13 pm

"Ano pong pangalan nila sir?" Tanong ni ate.

"Lee po" sagot ko kay ate.

"95 pesos po" sabay sulat ng pangalan ko sa cup.

"Eto po" sabay abot ng 95 pesos kay ate at pumunta na ako sa kinauupuan ko. Maya maya pa ay tinwag na ni ate ang pangalan ko at kinuha ko naman na ang order ko. Ilang saglit pa ay dumating na si Hiro.

"Kanina ka pa ba andito?" Tanong niya habang paupo sa lamesa kung saan nandun ako.

"Hindi naman. Saan pala tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Secret" ang tanging tugon niya. Tumahimik nalang ako.

"Tara na habang maaga pa" sabay tayo at punta sa kotse niya. Sumunod nalang ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Pinaandar niya na ung kotse at lumarga na kami.

"Bat mo pala naisipang ayain ako lumabas?" Tanong ko sa kanya habang iniinom ang milktea ko.

"Masama bang mag aya ng kaibigan lumabas?" Balik tanong niya sa akin.

"Bakit hindi mo nalang ayain sila Lance?"

"Nakaksawa na ung mga pagmumukha nila."

Halos makalipas ang isang oras ay nag park na siya ng sasakyan. Abdito pala kami ngayon sa centris.

"Magaling kabangbumaril?"tanong niya sabay patay ng makina.

"Medyo?" Alinlangan kong sagot at tumawa nalang siya. Sinundan ko siya palabas ng sasakyan hangang sa marating namin ang isang gusali.

"Lazer tag" pagbasa ko dito. "Di ko alam mag babaril barilan pala tayo"

"Ayaw mo ba? Masaya kaya to"

"Oo na. Kaw naman mag babayad ee." Sabay tawa ko ng medyo mahina.

"Tumawa ka lang jan. Nasa akin ang huling halakhak." Pumsok na kaming dalawa at nag register. Kailangan daw marami kami pero naipilit ni Hiro na kaming dalawa lang ang mag lalaro. Isinuot na sa amin ang mga gear at kinuha ko na ang magihing baril ko.

"Feeling ko ako si lara croft" sabi ko kay Hiro.

"Ok lang yan. Maganda naman si Lara ee" sabi niya na ikinapula naman ng pisngi ko.

"Ewan ko sayo" ang tanging nasambit ko at mag sisimula na kaming maglaro. Dun siya sa kabilang at at ako naman sa isa. Red ako at blue siya at dun na nag simula ang barilan. Hanap dito,hanap duon. Medyo maluwang pala ang lugar kaya medyo natagalan akong hanapin siya. Hanggang sa may bumaril sa akin.

"What the-" hanggang sa binril ko na rin si Hiro. Ganito ang naging eksena namin sa loob ng isang oras. Sa huli natalo ako. 1st time ko kasi.

"Ang daya daya mo. Dapat nag patalo ka man lang kahit minsan ng maranasan ko namang manalo" sabi ko kay hiro habang papunta sa isang kainan.

"Yung mukha mo kanina nakakatawa. Gulat na gulat" sabay tawa ng malakas.

"Malamang! Ikaw ba naman barilin sa likod ng di mo alam!" Sabay palo ko sa kanya. "Pero infairness nag enjoy ako. Thank you!"

"Mamaya ka na mag thank you at marami pa tayong gagawin. Dun nalang tayo kumain." Sabay turo sa isang restaurant na di naman masyadong matao.

"Baliw. Baka mamahalin jan kaya walang katao tao" sagot ko sa kanya.

"Ok lang yan. My treat remember?"

"Oo na, oo na. Halika na at gutom na ako." Sabay pasok sa restaurant. Nag order na kami na sakto lang sa amin at nag kwentuhan kami about dun sa nangyari kanina.

Masaya palang kasama si Hiro. Di katulad ni Lance na nagiibang anyo. Mabait na, gwapo pa! Sino ba namang hindi maiinlove sa kagaya ni Hiro? Pagkatapos namin kumain ay umalis ulit kami. Gusto daw ni Hiro mag lakad sa may tabing dagat kaya pupunta kaming MOA ngayon. From QC to pasay. Siya na ang mayaman sa gas. Nakarating na kami sa destinasyon namin at mahangin ang lugar. Maraming tao.

"Bat mo pala gustong pumunta dito? Ang lalyo layo kaya nito. Sayang lang sa gas."

"Ok lang yun. Nakakarelax kasi sa akin ang paglalakad." Sagot niya.

"E bat di nalang tayo maglakad sa may QC? Kailangan MOA talaga?"

"Manahimik ka nalang jan. Sinisira mo naman ung ambiance ee" pabiro niyang sagot.

"Ewan ko sayo" ang tanging sagot ko nalang sa kanya. Naglakad lakad lang kami hanggang sa nandun na kami sa may ferris wheel.

"Gusto mong sumakay dun?" Tanong niya.

Umoo nalang ako. Akala ko sa ferriswheel kami sasakay ayun pala sa vikings. Shit.

"Akala ko sa ferriawheel tayo sasakay?" Tanong ko sa kanya habang nag babayad ng entrance kay kuya.

"Mamaya na yan. Dito na muna tayo" pagkatapos mag bayad ay sumakay na kami. Kinakabahan ako. Ayoko pa naman nito dahil umupo kami sa dulo. Maya maya pa ay nagsimula na siya hanggang sa mataas na ang pag swing nito.

"Putang ina mo Hiro! Papatayin mo ba ako!" Sigaw ko habang siya tinitugnan lang ako at tumatawa.

"You peice of shit!" Sigaw ko pa. Ilang ulit pang nag swing at ilang ulit ko ding minura sa Hiro. Tawa lang siya ng tawa sa tabi ko. Pag kababa namin ay unupo muna ako sa gilid para habulin ang paghinga ko.

"You fucker!" Sabi ko nalang kay Hiro na tawa parin ng tawa.

"Well, that was fun"

"That's not my definition of fun! Gusto mo ba akong patayin?"

"Halika na nga. Dun na tayo sa ferris wheel" naglakad ulit kami papuntang fereiswheel. By that time we reached the ferriswheel ay nakakahinga na ako ng normal. Siya bumili ng ticket namin at sumakay na kaming dalawa. Maganda ang view na makikita mo dito. Pati kabuuan ng mall makikita mo.

"Thank you nga pala sa pag libre sa akin ngayon. Kahit kamuntikan na akong mamatay sa vikings thank you pa rin."

"No problem. It's my pleasure to see you happy. What if ligawan kita?

What?

[A/N]

2 updates in one day! Love me moreeeee!

That Possesive Jerk (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon