Chapter 8
Buti nalang at pinapasok ako ni manong guard kung hindi baka bukas ay mag transfer na ako sa ibang school ng dahil kay Lance. Ugh. Peste siya. Kung bakit ko ba kasi tinanggap ung dare na yun! Lecheng alak yan! Nakakasira ng buhay. Dire diretso lang ako papasok sa school namin. May mga mangilan-ngilan lang na estudyante ang makikita kasama ng mga magulang nila para mag entrance exam o di naman kaya'y magbabayad ng tuition fee. Ang school namin ay hindi naman gaano kalaki katulad ng ibang university na katabi namin. Nasa dulo pa ung sariling cafe shop ng school namin kaya mejo malayo layo pa ang lalakarin ko.
Ng makarating ako sa entrance ng cafè ay makikita mo na ung tatlo na nakaupo sa matataas na upuan. Naka off ang mga ilaw pero maliwanag parin dito dahil sa bubong ng cafè.
"Ano po ang may ipag lilingkod ko sa inyo kamahalan?" Sarkastikong tanong ko kay Lance na siya namang ikinaharap niya sa akin.
"Mabuti naman at dumating kana. Eto 2,000 pesos" sabay abot sa akin ng pera at may papel na mukhang listahan. "Nakalista na jan kung anong bibilhin mo. Dun ka nalang sa national bumili para may resibo kang maibibigay."
"Bat ako bibili? Tsaka ano bang meron at pinapabili mo ako ng mga ganito?"
"Start na ng freshman week tomorrow. And im in charge of the seminar. Kailangan ko ng materials para dun. Tsaka pet kita, alangin naman na ako bibili kung may utusan ako diba?" Nakangisi niyang sagot sa akin.
"Bat ako? Im sure you have some committee that can buy you the materials?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Meron nga. But I forgot na may kulang pala sa mga pinabili ko sa kanila and they're on the way back dito sa school. Napaka inconvinient naman kung babalik sila diba?"
"Ok fine. Kailan mo ba kailangan to?"
"I need tonight."
"Wtf!? Tonight!?" Tinignan ko ung listahan na ibinigay niya at napa shit nalang ako sa isipan ko. Dalawang balot ng bond paper tapos limang stapler at dalawang galon ng glue, 3 box ng crayons, markers at iba pang pangsulat. Shit. Paano ko mabubuhat ng magisa un? Ugh. Lance, mapapatay talaga kita!
"Ano? Di mo ba kaya ung pinapagawa ko sayo? Kung di mo kaya, mabuti pat at mag tran-"
"Oo na, oo na. Kaya ko naman eh." Pagputol ko sa susunod niyang sasabihin.
"Mabuti naman kung ganon." Pagkatapos nun ay bumalik na siya sa dalawa niyang kasama at binalik ang dati nilang usapan. Habang ako naman ay nag iisip kung paano ko mabubuhat yung mga pinapabili niya. Lord, patawarin po ninyo ako kung mapatay ko man si Lance.
Naglakad na ako papunta sa national bookstore dahil nasa likod lang naman ito ng university namin. Tinext ko muna si Earl kung nasan niya at para narin magpatulong sa mga bibilhin ko pero hindi siya nagrereply. Tinuloy ko nalang ang paglalakad papunta sa NB dahil mukhang bsuy si Earl ngayon sa NSTP niya.
"kuya 2000 po lahat" sabi sa akin ni ate cashier.
"eto po" sabay abot sa pambayad, kinuha ko na ung mga pinamili ko at grabe ang bigat! kaya ko naman siyang buhatin kaso pagkadating ko dun sa pintuan ng store ay biglang nalang bumigay ung supot kaya napamura ako. "Shit" at dali daling kinuha ung mga nalaglag na materials.
"Need some help?" sabi ng isang lalake na nakatayo sa harap ko ngayon. tinignan ko muna ung shoes niya at halatang mayaman siya dahil branded ang suot niya hanggang sa tinignan ko na siya sa mukha at nagulat ako ng makita ko na galing pala kay Hiro ang boses.
"No thank you, kaya ko na to." sagot ko sa kanya at ibinalik ko na ang focus ko sa pag aayos ng mga pinamiling gamit.
"Let me help you" sabay level sa akin at kinuha ung mga stapler na nagkalat.
"Ano bang meron at nagpabili si Lance ng ganitong karaming bond paper, stapler at glue?" pagtatanong ko kay Hiro." Alam kong start na ng freshman week tomorrow but why buy so many things?" dagdag ko pa sa kanya.
"Si Lance ang in-charge bukas sa seminar, marami siyang activities na gustong gawin bukas para sa mga freshman to hasten their skills, creativity, workmanship and leadership skills."
"may puso pala si Lance at naiisip niya ung mga yon no?"
"He has a heart alright but he chose to be heartless and become a player because its easier to hide all the pain that way"
"May I ask why?"
"Next time nalang. di ba maaga ka pa bukas dahil freshman week?"
"oo nga pala! shit nakalimutan ko na kasali din pala ako sa freshman week tomorrow!"
"oh siya, hatid na kita kila Lance para mahatid na rin kita sa inyo"
"mabuti pa nga," naglakad na kami papunta sa school at pumunta sa parking lot ng mga students at sumakay kami sa isang magarang black BMW na bagong bago.
"Ilagay mo na yang pinamili sa trunk at start ko lang tong auto ko." pag uutos niya sa akin. syempre ako naman sumunod nalang ako. pagkatapos nun, ay sumakay nalang ako sa harapan katabi niya. sa pagkakaupo ko palang amoy ko na ung pabango niya. napaka masculine ng amoy at medyo nakakaadik. nag start na siyang mag drive palabas ng school at lumarga na kami. hindi ko namalayan na pumasok na pala kami sa gate ng isang subdivision dito sa E.Rod at makikita mo naman na napaka lalaki ng bahay dito at mayayaman ang mga may ari. ibat ibang sasakyan sa ibat ibang manufacturer. tumigil kami sa isang pinakamalaking bahay sa lahat ng nasa subdivision at lumabas si Hiro at kinuha niya ung mga pinamili ko at kumatok sa pintuan. maya maya pa ay may lumabas na matandang babae at kinuha yung mga pinamili ko. nagusap sila ng konti at nagpaalam na si Hiro sa kanya at sumakay na ng kotse.
"sino ung kausap mo kanina na babae?" pagtatanong ko sa kanya habang binabaybay namin ung daan papaalis ng subdivision nila Lance.
"yun ung nagaalaga kay Lance simula pa nung mga bata pa kami. si manang Junette."
"nasan ung mga magulang ni Lance? di pa ba sila umuuwi?"
"hindi kasama ni Lance ung parents niya jan sa bahay na yan. siya lang ung nakatira jan kasama si manang Junette at si ate Aila, apo ni manang."
"ahhhh" nalang ang naisagot ko sa knaya at tumahimik na dahil ayoko naman makiusyoso sa buhay ng ibang tao.
"saan kapala nakatira?" tanong niya sa akin nung nakalabas na kami ng E.Rod
"sa pnoval lang" sagot ko sa kanya.
"condo?"
"apartment lang. Di naman kami mayaman para makabili ng condo" tinuro ko ung details kung ano ung exact address ko dito sa manila at maya maya pa ay nakarating na kami sa tapat ng apartment namin ni Earl.
"salamat nga pala at hinatid mo ako papunta kila Lance at salamat rin pala at hinatid mo ako dito sa bahay." sabay baba ng sasakyan at pumunta na ng pintuan pero bago pa man ako makapasok ay sumnigaw siya.
"mag dala ka ng extra na damit bukas, ung maganda at ilalabas kita, My treat" sabay paandar ng sasakyan niya. ako naman nakatulala pa rin sa space na pinagparkingan ng sasakyan niya.
"SHIT"
__________________________
[A/N]
MagBUNYI ang l;ahat at nakapag update ako!!!!
you know the drill.
BINABASA MO ANG
That Possesive Jerk (BoyxBoy)
RomanceIsang kilalang playboy si Lance sa kanilang university pati na rin sa iba pang schools. Gwapo, mayaman, matinik sa chicks at higit sa lahat badboy! But life will turn for him ng makilala niya si Atkin. Isang binatang napaka mahiyain at higit sa laha...