Chapter 9 - [All the Bright Places]

9.8K 343 20
                                    

I don't know his reason lung bakit inaya niya akong lumabas kasama siya. He's not in my league. He's handsome, rich at isa pa kaya niyang mag karoon ng date na mas aangat pa sa akin. Di ko lang magets kung bakit ako pinili niya. Maybe it's one of his shennanigans sabi ni Yuri kanina nung nag kita kami. Andito ako ngayon sa school auditorium. Freshman week. Introduction here, boring lectures there at kung ano anong workshop ang mga pinagawa sa amin. Katabi ko ngayon si Yuri at lunch break na namin.

"Nakakabagot naman tong seminar na to" sabay subo dun sa siomai na binili niya.

Hindi ko magets kung bakit siomai binili niya dahil mayaman naman sila. She can buy anything she wants. Bakit siomai pa?

"Bakit pala siomai binili mo kung kaya mo namang kumain sa mamahaling reataurant?" Tanong ko sabay kain ng chicken skin.

"Wala lang. Masarap kasi at mura pa. Tsaka isa pa, wala kang kasamang kumain pag dun ako sa mamahaling restaurant kumain."

"Sabagay. After neto yung masasayang activities daw gagawin natin ah"

"Ang inaabangan ko lang naman yung amazing race tsaka yung ibat ibat booth ng ibang institute." Sabay subo sa huling piraso ng siomai niya.

Hindi pa kami pumasok sa auditorium dahil mahaba pa naman ang lunchbreak namin kaya nag libot libot muna kasi sa grounds para tignan yung ibat ibang booth na tinatayo palang ng ibang institute. Merong dedication booth at theater play ng mga mascom, foodstall naman ang sa HRM at marami pang iba. Tumigil kaming dalawa ni Yuri sa isang booksale dahil pareho kaming mahilig magbasa ng libro.

"Anong maganda eto o eto?" Sabay angat ng pinili niyang libro. Young Elites at Red Crown.

"Parehas naman silang maganda basahin but I like Young Elites more" sagot ko sa kanya habang bumalik ako sa paghahanap ng libro.

"I didn't know you like to read" sabi sa akin ng lalaking tumabi sa akin. Kilala ko na yung boses na yun. Isa yun sa mga kinaiinisan kong tao. Sino pa nga ba? Edi si Lance.

"You don't know me that much then" sagot ko sa kanya habang patuloy pa rin sa pag hahanap ng libro.

"What's your favorite genre then? Romance? Non-fiction? Historical?"

"Romance, young adults, fiction and sci-fi or fantasy. Te magkano po itong libro na to? Tanong ko kay ateng naka pol-sci na patch habang pina pakita ang libro na hawak ko. All the bright places.

"350 po" sagot ni ateng nagbabantay sabay balik ng pag eentertain ng ibang customers.

"All the bright places. Yan pala mga gusto mong basahin ngayon ah?" Tanong ni Lance na nakalimutan ko na nandito pala sa tabi ko.

"Yes it is and wala kang pake kung ito gusto kong basahin. Aren't you supposed to be busy because of this freshman week?And where's your fanclub screaming at your feet?" Tanong ko sa kanya habang humuhugot ako ng pera sa bulsa ko.

"Ate bayad po" sabay abot ni Lance ng 500 kay ateng nagbabantay.

"Hoy, who said that you can pay for that?" Galit kong sabi kay Lance na ngumingisi sabay abot kay ate ng sarili kong pera. Tinignan lang kaming dalawa ni ate, unsure of what she'll do.

"My treat . Isa pa you've done a good job buying the materials for freshman week. Just think of it as your reward. Ate ako na po magbabayad for the book" sagot niya sa akin ng naka ngito sabay harap kay ate.

"We'll that's a reward I can take, thank you."

"You're welcome" sabay kuha ng barya kay ate at ngumiti siya sa akin.

"May puso ka naman pala behind that big wall of yours"

"I have. And I chose to hide it."

"Whatever your reasons are, you must open up your heart"

"That's the reason why I chose to build a wall around it."

"Lee halika na mag ti-time na. Nakabili na rin ako ng li-" pasok ni Yuri sa usapan namin. "Ikaw pala Lance. I tought your busy with this event?" Tanong niya.

"I've done my part and I still have my committee so i've got time to wander around" sagot niya.

"Ahhhh. Ok. Halika na Lee baka malate pa tayo sa seminar. Bye Lance!" Sabay lakad patungo sa auditorium.

"I should go too" pero bago pa namam ako makalad palayo sa kanya ay pinigilan niya na ako.

"Wait. Can we start over? Alam kong medyo pangit ang simula ng pagkakakilala natin pero i'm willing to try again. Hi my name is Lance Anthony Marquez" sabay abot ng kanyang kamay. Kinuha ko yun at nag pakilala rin.

"Nice to meet you, i'm Atkin Leeroy Madriaga. Freshman"

"Its nice to meet you Lee" sabay shakehands.

"Then this means i'm no longer your pet?" Sabi ko ng may mga ningning sa aking mga mata.

"Nope. A deals a deal" sabay hablot ko ng kamay ko.

"You fucker. Maka alis na nga." Habang papalayo ay narining ko nalang siyang tumawa.

"Labas tayo bukas! I'll treat you something nice!"

Kagabi si Hiro ngayon si Lance. Gumanda na ba ako?

[A/N]

I love you all. Keep supporting me!

That Possesive Jerk (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon