Chapter 5
Mabilis lumipas ang araw at ngayon ay sabado na. Napagkasunduan namin ni Yuri na magkita sa convenience store malapit sa school at magmula doon ay pupunta na kami sa subdivision kung saan sila nakatira. Hindi niya na sana ako susunduin pero nag pupumilit siya. sa mga nakalipas na araw ay wala pa namang ginagawang resback ung mayabang na Lance na yun! Hindi alam ni yuri na nagkasagutan kami ni Lance dahil baka kung ano pang gawin netong babae nato dun sa lalakeng mukhang chonggo!
Bumili muna ako ng pang breakfast dahil napagkasunduan nila Kuya Hiro na mga 8 am sila maglalaro. Naka tshirt lang ako, Jersey shorts at running shoes dahil inaya ako ni Yuri na mag Volleyball. Pagkatapos kong kumain ng cupnoodles at isang pirasong saging ay dumating na si Yuri. Siya naman ay nakapink na tshirt, black na sports shorts at running shoes din.
"Bat ang tagal mo?" Pag tatanong ko sa kanya habang pababa siya ng sasakyan nila.
"Sorry naman! Nalate ng gising haha" sagot niya sabay pasok sa convenience store.
"Anong gusto mong kainin?" Tanong sa akin ni Yuri habang kumukuha ng ilang junkfoods at soda.
"Kakatapos ko lang kumain kaya wag nalang." Sagot ko sa kanya na medyo nahihiya pa habang sinusundan ko lang siya.
"Ano kaba! Kakainin natin mamaya to habang nag lalaro ung mga ugok na yon!" Sabi niya habang namimili ng canned foods. "Corned beef, sausage or tuna?"
"Ung tuna nalang" pag sasagot ko sa tanong niya. "Wala ba kayong pagkain sa bahay niyo?" Out of the blue kong tanong sa kanya dahil kung tutuusin, bat siya ang namimili ng pagkain nila? May mga katulong naman siguro sila at mukhang mayaman?
"Hay nako, ayaw kasi ni mama na nakikita ung ref na walang laman kaya kung gagamitin namin ung mga laman nun eh bibili nalang kami tapos kung bat ako bumibili ng pagkain namin dahil ayaw ko ung mga katulong na bumibili dahil mali mali ung nabibili nila!" Pag sasagot niya sa tanong ko pero laking gulat ko ng sagutin niya ung tungkol sa mga katulong nila. Teka, mind reader ba siya?
"Hindi ako mind reader, madali kalang talagang basahin." Pagsagot niya muli sa akin. Habang palakad si kabilang aisle.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay lumabas na kami ng store bitbit ang mga pinamili niyang pagkain.
"Bat ang dami mong pinamili? Bumili ka na rin ba para sa kakainin niyo sa bahay ng isang linggo?" Pag bibiro ko sa kanya habang ipinapasok ung pinamili namin sa trunk ng sasakyan. Halos naka tatlong supot siya ng pinamili.
"Adik ka! Hindi lang naman kasi tayong lima ung kakain ee! May mga kasama sila kuya na maglalaro." Sagot niya habang inilalagay ung pangatlong supot na pinamili niya sa trunk.
Pagkatapos non ay pumasok na kami sa sasakyan nila at sinabi sa driver na umuwi na.
"Bat hindi nalang tayo nag grocery at mas mura mga bilihin dun?" Pagtatanong ko ulit dito habang tinatahak namin ang daan papunta sa kanila.
"Dun na sa convenience store at mas mapapadali tayo. Ayaw kasi nila kuya na naghihintay." Sagot niya sa akin.
Ilang minuto ang nakalipas ay pumasok na kami sa gate ng subdivision nila at kitang kita mo naman na mayayaman ang mga nakatira dito. Mga bahay na may pangatlong palapag, mga garden na napaka ganda at mga magagarbong sasakyan na nakapaarada.
"Teka, si Jc de Vera ba yung nakikita ko?" Pagtingin ko sa isang lalaking naka grey ja hood at nag jo-jogging.
"Ah oo, dito siya nakatira sa subdivision pero sa kabilang kanto pa siya nakatira magmula sa amin. Madalas ko siya nakakasalubong dito minsan pa ay sabay kaming bumibili ng kwek kwek malapit sa may court."
BINABASA MO ANG
That Possesive Jerk (BoyxBoy)
RomansIsang kilalang playboy si Lance sa kanilang university pati na rin sa iba pang schools. Gwapo, mayaman, matinik sa chicks at higit sa lahat badboy! But life will turn for him ng makilala niya si Atkin. Isang binatang napaka mahiyain at higit sa laha...