Nandito na ko! Ang lamig dito. Ibang-iba sa klima diyan sa Pilipinas. Pagkarating ko dito nakakita agad ako nung Jacket na gusto mo! Yung grey na mamahalin ang tatak? Yun yon! Haha. Alam kong naiintindihan mo ko dahil ikaw lagi ang tumuturo kung sino man ang may suot na ganon. Nakalimutan ko yung tatak pero wag kang magalala! Kabisado ko yata yung itsura nun na kahit kung gaano kadulas ay alam ko. Haha.
Secret lang pero balak sana kitang regaluhan nun. Siguradong magugulat ka at magagalak! Teka nga.. Bat ko sinasabi sayo? Dapat surprise yun ehh! Kunyare di mo na lang alam. Haha. Kung ano-ano na yung mga naiisip ko! Ikaw kasi ehh! Akala ko ba nasa Pinas ka? Bakit naglalakbay ka sa puso't isipan ko? Hihi. Pick-up yun ahh!
Isang araw pa lang pero di na kita matiis. Pano pa kaya kapag mas matagal pa? Ikaw? Iniisip mo rin kaya ako?
Kandra ❤