Haaaayyy nakakapagod! 2 weeks na pala ang nakakalipas nung huling sulat ko sayo. Masyado kasi akong busy at pinagbubutihan ko talaga ang trabaho ko. Mababait ang mga tao dito. Maayos kausap kaso nakaka-nosebleed! Haha. Kung sana ay nandito ka at sasabihan akong "Kaya mo yan!" Pero alam naman natin na hindi pwede. Baka kasi di ako makapag-focus! Hihi.
Sa katunayan nga ay marami na kong kaibigan dito. Naiintindihan nila ako at ang sitwasyon ko. Nga pala! Naligaw ako nung isang araw. Sabi ng iba pag ganun daw ay dapat baliktarin ang damit mo. Pero syempre di ko ginawa! Tulad nga ng sabi mo ay pwede naman akong magtanong pero dapat ay sa katiwa-tiwalang tao. Proud ka sakin no? Sinusunod ko yung mga payo mo at achievement yun! Haha.
Miss na talaga kita. Kailan kaya ulit kita makikita?
Kandra ❤