Masarap ang mga pagkain dito pero kakaiba. May mga sushi at kimchi ba yun? na galing daw ng Korea at iba't ibang putaheng di ko maintindihan ang pangalan. Magsisimula na ako agad bukas ng trabaho ayon kay Daddy. Subukan ko daw munang pagaralan yung mga pasikot-sikot sa kompanya habang nagsisimula sa mababa. Keri naman ng powers ko.
Nga pala! Wag kang magalala sakin dito. Ang sabi sakin ni Crizel ay matamlay ka daw. May sakit ka ba? Wag mong papabayaan yung sarili mo ahh? Nag-aalala ako dito. Siguro nami-miss mo na ko noh? Ayiieee~ Mr. Aizel ahh! Baka mapauwi ako diyan ng maaga! Hihihi.
Pasensiya ka na at madalas ay maikli lang ang message ko sayo. Wag ka sanang magtampo at isiping atleast ay nakakasulat ako. Hayaan mo at sa susunod ay hahabaan ko. Hala! Kailangan ko ng matulog! Gigising pa ko ng maaga!
Kandra ❤