Message *05

5 0 0
                                    

Its been a long time~ Haha. Napapakanta na ko dito. Akalain mo yun? Magwa-one month na ko dito sa susunod na araw. So far so good naman. Ang sabi pa nga ni Daddy ay ang galing ko daw! Naisip ko na magaling naman talaga ako dahil wala akong sakit. Ang sabi naman ng isang kasamahan ko dito ay proud daw sakin si Daddy. Haha. Saka ko lang nagets nung sinabi niya yun. Ang slow ko talaga!

Patagal ng patagal ay mas nagiging challenging ang trabaho. Masaya dito dahil tuwing huling Sabado ng buwan ay nagkakatuwaan! May nagsasayawan, nagiinuman at karamihan ay nagkwe-kwentuhan. At isa ako dun sa marami. Alam kong mababa lang ang alcohol tolerance ko at ayoko ring sumayaw. Ayokong mapahamak lalo na at wala ka sa tabi ko. Good girl to noh!

Antay lang Mr. Aizel. Hintayin mo sana ako at babalik rin ako. Wag mo kong ipagpapalit ahh?

Kandra

Message For HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon