Chapter 1: Chasing him

28 1 0
                                    

Sophia's POV

Nakatanaw lang ako sa mga lalaking naglalaro sa soccer field ngayon. Maaga kasi akong pumapasok kasi inaabangan ko palagi si Ryan, kahit hindi naman niya ako pinapansin.

Hindi ko maimagine na ang isang Sophia Anderson na katulad ko ay maghahabol sa isang lalaki. Kahit nagmumukha akong tanga sa kakahabol sakanya. I don't mind. I just like him that much to the point that wala na akong pakialam kung magmukha akong desperada

I'm a famous student in our university. President kasi ako ng student council sa university kaya everybody knows me. Kahit sa totoo lang iisang tao lang naman ang gusto kong makuha ang atensyon.....

Siya si Ryan Santos. He's the captain of the basketball team. Madami siyang tagahanga. May fan club nga siya dito e. Sa galing ba naman niyang magbasketball at sa taglay niyang kagwapuhan malabong hindi siya magustuhan ng mga babae dito.

Kaya siguro hindi niya ako magawang mapansin kasi madami siyang fan girls. Naputol ang pagmumuni muni ko ng makita ko ng naglalakad na si Ryan papunta sa building niya. Engineering kasi ang kurso niya.

"Ryan!" I shouted habang tumatakbo ako palapit sakanya.

Lumingon siya pero ng makita niyang ako ang tumawag sakanya dali daling siyang tumalikod at aalis na sana pero..

"Ryan! Hindi mo nanaman ba ako papansinin?" I said while pouting kahit hindi naman niya ako nakikita.

Huminto siya at lumingon sakin.

"Tss" sabi niya. Yun lang ba ang sasabihin niya? Wala man lang 10 words. -.-

"Sungiiiiit!" Bulong ko.

"Anong sabi mo?" Sabi niya.

Ohmyyyy! Nakinig ata ako. What to do???

"W-wala naman akong sinasabi" maang maangan ko saka umiwas ng tingin.

Tumalikod na siya pero parang may binulong pa siya ano kaya yun? Wag na nga lang pansinin.

"Uy! Teka Ryan sabay na tayo pumasok" sabi ko at sumunod sakanya.

"Tsk. Aso ka ba? Buntot ng buntot -.-" sabi niya with pokerface pa.
Tamo to ang sungit sungit talaga. Para laging may dalaw.

"Pareho lang naman tayo ng subject ngayon e. Kaya sabay na tayong dalawa." Sabi ko using my sweetest smile. He sigh giving up.

"Okay. Just please tumahimik ka naman." Sabi niya. Lihim akong napangiti at agad na tumango sakanya.

*Kriiiiiiiiing!*

Yes! Sakto! Thank you lord.

Sabay kaming naglakad papunta sa room pareho kaming tahimik pero pasimple akong nagnanakaw ng tingin sakanya at napapangiti ako mag-isa.

Nung malapit na kami sa room binilisan na niya ang lakad. Hinayaan ko nalang kahit masakit. Char! Hahahaha.

Nauna na siyang pumasok tsaka ako sumunod. Pagkapasok ko tsismisan na kaagad naabutan ko. Keso....

"Ang gwapo talaga ni Ryan"

"Papakasalan ko yan. Swear"

"Akin ka nalang"

"Captain. Crush na kita."

"So handsome :*"

Itong mga kaklase ko nagpapantasya nanaman kay Ryan. Para namang papatulan sila ng Ryan ko.

Sayo nga hindi magkagusto sakanila pa kaya? Sabi ng konsensya ko. Tss.

Buti wala pa yung prof namin. Katakot takot na discussion nanaman ito. :(

Dumeretso nalang ako sa upuan ko since kasama ni Ryan barkada niya.

Nakaupo ako sa likuran na katabi ng bintana. Kitang kita ko kasi dito yung magandang view sa labas.

"Good morning class" bati ni Ms. Mendoza. Umayos na ng upo ang klase. Hindi ako makapag focus. Nasa may unahan ko lang kasi si Ryan, hindi din naman siya nakikinig pinaglalaruan niya lang yung hawak niyang ballpen.

Hindi ko namalayan na nagring na pala yung bell. So it means class dismiss! Yes!

Nagsitayuan na kami at nag-ayos ng gamit. Papaalis na sana si Ryan kasama ang barkada niya.

"Ryan! Pwede ban-----" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kasi umalis na sila kaagad. Aba bastos yun a. Pero gusto ko padin siya <3

Nakakasakit na siya ng damdamin. <3
Sino ba kasing nagsabing magpakabaliw ka diyan? Letseng konsensya-_-

Pupunta na nga lang akong library. Tinext ko angmga kaibigan ko ng magkita kami sa library. Dumiretso na ako kaagad sa library.

A's note:
So this is my first chapter. Kung sino man po nakakabasa nito please tell me kung lame po. First time ko po e. But I'll try my best para mapaganda itong story na ito. So that's all. Thank you! :* love ya'll

What If I Walk AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon