Sophia's POV
Habang hinihintay ko ang mga kaibigan ko I decided to look for a book. Napukaw ang atensyon ko sa isang libro.The title is "What If I Walk Away"
Hmmmmm. Interesting. Maybe I should borrow this book.
I'm scanning the book when someone calls my name"Sophie" I know that voice. Tricia :)
"Hey Tricia" sabi ko sakanya.
"Anong naisipan mo at dito mo napiling pumunta?" Tanong nito bago umupo sa tabi ko
"Wala lang. Naisipan ko lang tutal hindi naman ako nagugutom" I said. Teka wala parin si Bianca?
"Oww? Kamusta naman si RYAN?" sabi niya at inemphasis pa yung Ryan. Langyang babae ito.
"Ayun. Ang hirap padin sungkitin" sabi ko ng natatawa.
"Ano yun underwear?" Pabirong sabi ni Tricia. Tuluyan na kaming natawa at nakalimutan namin na nasa library nga pala kami.
"Mga hija, kung gusto niyong magkwentuhan at magtawanan sa labas nalang library ito" sabi nung librarian. Hindi namin namalayan na naandiyan na siya. Halaaaa. Si tricia kasi e.
"Pasensya na po" mabilis na depensa ko at siniko ang katabi ko. Ngumiti na lang yung librarian at bumalik sa puwesto niya.
"Ikaw kasi!" Natatawang sita ko kay tricia
"What did I do?" Bulong niya habang natatawa padin sa sarili
"Girls. May namiss ba ako?" Andiyan na pala si Bianca. Saan kaya nanggaling ito?
"Napagsabihan lang naman kami ng librarian dahil kay tricia" natatawang sabi ko kay Bianca
"First time ata na may makasita sayo dito Sophie." Sabi niya at ngumisi
"Teka nga Bianca. Bakit ngayon ka lang?" Singit ni Tricia
"Dumaan kasi muna ako sa gym" sabi niya.
"Anong meron?" Takang tanong ko.
"May laro kasi ng basketball. Ang gwapo nga ni Captain e" yun lang naman pala e------ ano!?
"Bakit hindi mo agad sinabi?" Sabi ko at agad na tumayo
"Haha. Joke lang. Mamaya pa laro nila" natatawang sabi niya at umupo sa harap namin so eto ang pwesto namin. Tamo tong babaeng to
"Ha-ha nakakatawa." I said using my sarcastic voice.
"E bakit ba naman kasi patay na patay ka don?" Sabi ni tricia
"Hindi ko alam basta ang alam ko gusto ko siya. Ay hindi mahal ko na pala siya" sabi ko. Binatukan naman ako ni Bianca. Pambihira naman ito kung makapanakit biruin niyo nasa tapat namin siya tapos nagawa niya pa akong abutin.
"Aray naman Bianca" sabi ko ng nagrereklamo
"Sa dami ba naman kasi ng magugustuhan mo yung sikat pa" sabi niya. Parang si mommy lang. -.-
"Hayaan mo nga si Sophie. Napaka nito" Sabi ni Tricia at inirapan si Tricia. Mukhang magbabangayan pa ata yung dalawa kaya...
" wag nga kayong maingay napagsabihan na nga kami kanina ng librarian" sabi ko
Tumawa si Bianca pero mahina lang.
"Kaya pala patawa tawa kayo nung dumating ako"
"Tanungin mo yan si T--------"
*kriiiiiiiing*
" girl alis na ako terror prof ng next subject ko e" sabi ni tricia at nagbeso saming dalawa.
"Ako din pala Sophie" sabi ni Bianca
"Sige, pupunta pa kasi ako sa librarian at hihiramin ko itong libro" sabi ko
"Una na kami ha?" Sabi ni tricia at sabay na silang umalis.
Dumiretso na ako sa librarian.
"Excuse me po" sabi ko sa librarian. Nakuha ko kaagad ang atensyon niya.
"How may I help you?" Magiliw niyang tanong
"Ahmm. Gusto ko lang pong hiramin tong librong ito" sagot ko at pinakita ang libro
"Okay. Just sign this slip" she said tapos inabot sakin yung papel. Sinulatan ko na kaagad.
" Thank you po" i said bago umalis.
I'm excited to know what's the flow of this story:)
~~~~~~
Ahmmm. So yun po. Sa ngayon maikli lang po kada update ko kasi mobile ang gamit ko. Pero inuutay utay ko na pong habaan para sainyo :) kung sino man kayong nagbabasa na nitong ginagawa ko. Salamat:) lovelots :*
BINABASA MO ANG
What If I Walk Away
RomanceI love him to the point that I am willing to risk all that I have. But I'm not wonderwoman nor superman. What if? What if I walk away?