Sophie's pov
Gumising ako ng maaga kasi gusto kong makapasok ng maaga. Alam niyo na. Gusto ko kasing makita si Ryan kahit hindi niya ako pansinin okay lang. Makita ko lang siya mabubuo na araw ko.
Bumangon na ako at dumiretso sa cr. Asual ginawa ko ang aking daily routine. Humarap ako sa salamin. Tinitigan ko sarili ko.
"Bakit ba hindi niya ako magustuhan?"
Isa lang yan sa mga tanong ko. Bakit nga ba kasi?"Princess?" Natigil ang pag-iisip ko ng tinawag ako ni kuya mula sa labas ng kwarto ko.
"Bakit kuya?" Tanong ko sakanya pagkabukas ko ng pinto.
"Kakain na tayo" sabi niya sabay gulo sa buhok ko. Napasimangot ako
"Kuya bakit ba lagi mong ginugulo buhok ko?"
"Gusto ko lang princess" sabi niya ng nakangisi sabay pacool na bumaba ng hagdan.
Ang kuya ko talaga. Haaaaay. Siya nga pala si Luke Anderson ang nag-iisa ko kuya. Wala pa yang girlfriend, kahit madami diyang nagkakagusto. Never pa siyang nagdala ng babae dito sa bahay.
Yang kuya kong yan minsan parang mas bata pa sakin mag-isip. Pero kahit naman ganyan yan mahal ako niyan. Siya nga lagi kong kasama e. Lagi kasing wala sila mommy at daddy. Busy sila palagi sa business namin. Naiintindihan ko naman pero hindi ko maiwasang hindi magtampo sakanila kasi sobrang dalang nilang umuwi.
Bumaba na ako at dire diretsong umupo kasama ni kuya.
"Princess hindi kita maihahatid ngayon ha?"
"Okay lang kuya. Magpapahatid nalang ako kay manong roger"
Sabi ko sabay kuha ng bread sa plate."Busy kasi ako ngayon e. May aasikasuhin lang ako" paliwanag niya
"Ano kaba kuya okay lang no?" Sabi ko ng natatawa.
"Osige princess. Aalis na ako. Mag-iingat ka palagi ha?" Sabi niya at humalik sa noo ko.
"Oo kuya. Ikaw din. Mag-ingat ka palagi" sabi ko and I smiled sweetly.
Nang umalis na si kuya. Tinapos ko nalang yung kinakain ko saka ako tumayo at pumunta sa labas.
"Manong roger sa school po" sabi ko kay manong sabay sakay sa loob ng kotse.
"Opo maam" magalang na sagot ni manong.
Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana.
*buuuuzzz*
May nagtext. Kinuha ko kaagad yung phone ko sa bag ko tsaka ko binasa
From: Tricia
"Bruh! Hindi ako makakapasok ngayon. May pupuntahan ako e"Tss. Lagi naman yun busy e.
To: Tricia
Sige. Wag ka na pating bumalik. MwaaaPagkatext ko sakanya tinago ko na kaagad cellphone ko.
"Maam nandito na po tayo"
Hindi ko namalayan na nandito na pala kami. Tumango ako sakanya."Manong wag niyo na po akong sunduin mamaya" paalam ko sakanya
"Pero maa--------" may sasabihin sana siya pero...
"Ako na po bahala magsabi kay kuya"
Sabi ko saka nagwave sakanya.Dumiretso na ako kaagad sa tambayan ko.
Nasa ilalim ako ng puno. Wala ngayong naglalaro ng soccer kaya hindi ko alam kung paano ko malilibang sarili ko. Marahan akong pumikit at dinama ko yung hangin. Ang sarap sa pakiramdam.
Napaaga ata ako ng sobra. Kinuha ko nalang yung sketch pad ko. Lihim akong napangiti dahil ang puro drawing ko dito ay mukha ni ryan tsaka mga daydreams ko about saming dalawa.
Nagulat ako ng may lumapit sakin bigla......
"Miss?" Tanong niya na parang nag aalinlangan
"Bakit?" Tanong ko
"Gusto ko lang sana itanong kung saan dito yung **** building?" sabi niya at napakamot sa batok niya. Cute
"Transferee ka ba?" Sabi ko ng natatawa. Ang cute niya kasi. Haha
"Oo e." Sabi niya at ngumiti.
"Pareho naman tayo ng pupuntahan kaya sumabay ka na sakin" suggest ko sakanya. Nagliwanag naman ang mukha niya.
"Thanks! Wala talaga akong alam dito e" sabi niya ata kumamot nanaman sa batok. Turn on mga be. Pero may Ryan na ako e.
And speaking of Ryan. Hindi ko pa siya nakikita *pouts*
"Miss?" Pagtawag niya sakin. Napansin niya siguro na bigla akong nawala sa sarili. Si ryan kasi e.
"Just call me Sophie" sabi ko at marahang ngumiti.
"Xander" sabi niya sabay lahad ng kamay. Tinanggap ko naman yon kaagad.
"Tara na" aya ko sakanya
"Sige, baka malate tayo. First day ko pa naman" sabi niya ng natatawa. Naglakad na kami
"Terror pati prof natin" sabi ko, pero tinatakot ko lang siya
"Talaga?" Tanong niya na parang kinabahan bigla. Natawa ako
"Joke lang Xander" natatawa kong sabi sakanya.
"Akala ko naman seryoso" hahaha. Patol to si Xander
Nang marating na namin yung building naghiwalay na kami sa pag pasok.
Nang makaupo na si xander. Tumingin siya sakin
"Thank you" he mouthed
Kung hindi lang ako mabait hindi kita sasamahan. Hindi ko tuloy nakita si ryan. Mamaya pa kasi yung class na magkaklase kami.
Lecture. Lecture
Kaantok bes
~
Hi guys! Meron bang nagbabasa? O asa lang ako? :(

BINABASA MO ANG
What If I Walk Away
RomanceI love him to the point that I am willing to risk all that I have. But I'm not wonderwoman nor superman. What if? What if I walk away?