Two

326 11 1
                                    

Ara

Apartment

(kinabukasan)

*knock knock

"Daks! Lumabas ka na jan! Ano? Buong maghapon ka na lang ba magkukulong jan?" sigaw ni Mika from the other side of the door.

Heto ako ngayon sa aking munting kwarto, nakahiga sa aking munting kama,umiiyak, nagdadrama, nagwawala. Ang sakit kasi. Parang tumigil na ang puso ko sa pagtibok nung sinabi na ni Bang na ayaw na niya. Na may iba na siyang mahal.

Lahat naman ginawa ko para sa kanya eh! Yung iba ko ngang fans inaaway ko na dahil binabash siya. Ano pa ba ang kulang sa akin?!

"Ara!!" sigaw ni Kimmoy. "Nagbigti ka na ba?!"

Loka loka talaga tong si Kimmoy. Pag ako nakalabas ng kwarto ko bubugbugin ko yun!

"Gaga ka talaga negra!" sigaw ni Mika.

Maya-maya ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"What the! Paano niyo nabuksan ang kwarto ko eh nakalock yan!!" sigaw ko.

"Ddduuuhhhh.. May extra keys ako ng bawat kwarto natin!" paliwanag ni Mika.

Lumapit silang dalawa sa akin at umupo silang dalawa sa kama ko. Tumabi sipang dalawa sa akin. Bumangon naman ako at umupo.

"Daks, tama na."  sabi ni Mika habang nirurub yung kamay niya sa likod ko.

"Victonara, tama na kasi, tumutulo na sipon mo!" asar ni Kimmy.

Agad naman siya binatukan ni Mika. "Letche ka talaga negra! Umayos ka nga!" sigaw ni Mika.

"Eh nagbibiro lang naman ako eh! Gusto ko labg makita na tumatawa tong si Ara." paliwanag ni Kim.

"Ang sakit parin daks. *cries." sabi ko kay Mika.

"Malamang! Kakabreak niyo lang eh! Sapatusin kita jan eh!!" sigaw ni Mika.

Binatukan din siya ni Kimmy. "Hoy tangkad! Gaga ka! Umiiyak na nga tong si Ara, sasapatusin mo pa!!" sigaw ni Kimmy.

"Ay. Heheheh" sabi ni Mika sabay peace sign. "Ara naman kasi, tingnan mo nga yang mata mo! Halos di mo na maimulat kasi namamaga sa kaiiyak!" sabi niya.


"Daks,bruh, ano pa ba ang kulang? Lahat naman ginawa ko ehh!!" sabi ko habang humahagugol.

"Lahat nga ginawa mo! Tignan mo, kaya pala hindi ka na clingy sa akin kasi nagseselos yung syota mong haliparot!" sigaw ni Mika sa akin.


"Ara, wala naman kulang sayo eh. Sadyang di lang siya marunong magappreciate." sabi ni Kim.

Tuloy tuloy pa rin ako sa pagiyak ko. Niyakap naman ako ni Mika at nilagay ko ang ulo ko sa balikat ni Mika.

"Ssshhhhh.. Tama na." sabi ni Mika na patuloy pa rin sa pagrub ng kamay niya sa likod ko. "Ara tama na! Ubos na yung mga tissue mo oh! Wala ka ng pampunas ng sipon!" sigaw ni Mika.

Hindi pa rin ako tumitigil sa pagiyak. Sa tuwing naaalala ko na may kayakap na lalaki si Bang, lalong nadudurog ang puso ko.


"Kimmoy! Bumili ka nga ng tissue  para dito sa bestfriend natin!" utos niya kay Kimmy.


"Eeeehhh.. Ako na naman! Kahapon pa ako bili ng bili ng tissue oh! Pagod na ako!" sigaw ni negra. "Victonara! Tumigil ka na nga sa pagiiyak! Iuuntog na kita sa pader!!" banta ni negra sa akin.


I Can't Help Myself (Thomara Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon