Ara
"AAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!" sigaw ni Daks.
Agad namang tumakbo si Kimmoy papunta sa kwarto ko. "Bakit ano nangyare?!" tarantang tanong ni Kim.
Nakatulala lang ako sa kanilang dalawa.
"Eehh kasi"
"Ang gulo gulo ng kwarto ni daks oh!" sabi ni Daks habang nakapout.
Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ni Daks. Kala ko naman nakita niya si Thomas. Teka, asan na si Thomas? Bigla nalang nawala. Nilibot ng mata ko ang buong kwarto ko. Aba, ang bilis naman magtago! Sabagay, faster, fastest, Torres nga naman.
Buti nalang nung binuksan ni Miks yung pintuan, nakapagsuot na ako ng damit.
Pumasok naman si Mika at Kim sa kwarto ko. Pumunta sila sa higaan ko at umupo sila sa tabi ko.
Ngumiti si Mika sa akin at niyakap ako. Nung kumawala siya sa yakap, bigla nalang niya akong binatukan!
"Aray!" sigaw ko. "Bakit mo ginawa yun?!" tanong ko.
"Bakit di ka nagtext kagabi hah?!" mataray nitong sagot.
Kinurot naman ako ni Kimmoy sa tagiliran ko! " Aray! Ang sakit non negra hah!" sabi ko sabay irap sa kanya.
"Bakit hindi ka manlang tumawag sa akin hah!" mataray naman nitong tanong sa akin.
"Ang init ng ulo niyong dalawa sa akin! Meron kayo noh!!" asar ko sa kanila.
Binatukan na naman nila. "Aray! Nakakarami na kayo hah!" sigaw ko tapos inirapan ko sila.
"Bakit kasi di ka man lang naginform na nakauwe ka na pala!" sabi ni Mika.
"Oo nga Arabells! Alam mo bang lalo na akong naiistress sayo! Stress na nga ako sa work, lalo pa akong nastress ng dahil sayo!" reklamo ni Kimmoy.
"Ah.. Ehh.. Sorry na. Nakalimutan ko lang. Nakatulog kasi agad ako nung paguwi ko dito." palusot ko.
"Eh bakit ang kalat kalat ng kwarto mo aber?!" mataray na tanong ni Mika. "Tignan mo oh, kung saan saan na napunta ang mga unan mo. Ang damit mo naman nakakalat din!"
Hay nako si Daks. Napakaarte lalo na pagdating sa cleanliness. Ayaw niya talaga na makalat ang apartment. Minsan nga siya na ang naglilinis ng kwarto namin eh.
"Hay nako. Ang burara mo daks!" reklamo ni Mika. Tumayo siya sa kama tapos unti unti pinulot ang mga unan ko. Si Kimmy naman, pinulot ang mga damit ko habang ako, inaayos ang kama ko.
"Yuuckk!" sigaw ni Miks.
"Bakit!?" tanong ni Kim tapos pumunta siya kay Mika. Tumawa naman ng malakas si Kim kaya naman napakunot ang noo ko. Nakatalikod kasi sila kaya hindi ko makita kung ano ang nangyayare.
Humarap silang dalawa sa akin at tinignan nila ako habang nakangiti. Yung nakakalokong ngiti. Tapos may tinatago si Mika sa likod niya. Nagtatawanan silang dalawa tapos biglang pinakita ni Miks sa akin ang isang brief! Shit. "Victonara! Explain this to me!" sabi ni Mika habang si Negra tumatawa.
"Aaahhhh ehhh.. Ahhhh.. " shit shit shit!!!!! Jusko! Hindi ko alam ang sasabihin ko! Hindi ko naman pwedeng sabihin na kay Thomas yan! Jusko naman Thomas! Yan pa talaga ang nakalimutan mong isuot!-_-
BINABASA MO ANG
I Can't Help Myself (Thomara Fanfiction)
FanficAng sabi nga nila, mahirap pigilan ang pag-ibig lalo na kung tinamaan ka na talaga ng pana ni kupido. Paano ko mapipigilan ang sarili ko na mahalin ang tatay ng anak ko, kung may Bang na ako?