Thom
"Mika!" sigaw ko sa gulat.
She giggled. "You looked tensed." asar niya.
"Ahh.. Ehhh.."
"Joke lang." sabi niya sabay tawa. "Bakit ka nga pala napadpad dito bimbs?" tanong niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Shit. Ano isasagot ko? Sasabihin ko ba sa kanya na may nangyari sa amin ni Ara?
"Ano kasi.. Uuummm.." isip Thomas,isip!
"Ano?" tanong ni Miks.
"May binisita lang akong old friend." palusot ko.
"Nako, ang lapit lang ng apartment namin dito oh. Sayang hindi mo binisita si Ara!" Pang-asar nito sa akin tapos tumawa.
Nakitawa nalang ako kahit pilit.
"Anyway Bimbs, can I get your number?" tanong niya sa akin. "Pati na..narin yung kay Jeron." nahihiya niya pang sinabi.
"Sus, number lang pala ni Je ang gusto mo ehh!" asar ko.
"Hoy hindi ah!" pagtangi niya. Tumawa ako ng tumawa kaya hinampas niya ang kanang braso ko ng sobrang lakas.
"Aray!" sigaw ko. "Ganyan ka pala kalakas pumalo!" pagiinarte ko habang nakahawak sa kanang braso ko.
"Wag ka kasi mang-asar!" sabi niya tapos nagpout. Hahahha. Ang cute. "Oh, dali na. Amina number niyo."
"Akin na phone mo." utos ko. Kinuha niya phone niya mula sa bulsa niya at binigay ito ng maayos sa akin. Sinave ko na ang number ko dito. Pagkatapos nun ay ibinalik ko na ang phone niya sa kanya.
"Asan ang number ni Je!" reklamo niya. Hindi ko kasi nilagay ang number ni Je.
"Ako nalang magbibigay ng number mo sa kanya." paliwanag ko. Tinaasan niya ako ng kilay na para bang wala siyang tiwala sa akin."Trust me, okay? Isave mo na number mo dito." binigay ko ang phone ko kay Mika at hinablot niya ito bigla at nagsimula na siya magtype.
"Pag si Jeron hindi nagtext sa akin, bubunutan kita ng kilay." banta niya habang nagtatype. "Oh ayan na." at ibinalik na niya ang phone ko sa akin.
"Teka, bakit mo nga pala hiningi ang number ko?" pagtataka ko. "Pwede naman yung kay Je nalang."
" Gusto ko ibigay kay Ara ang number mo eh!" asar niya.
"Baliw ka talaga." sabi ko. Haayy. Kung alam lang niya ang nangyare.
"Oh, mauna na ako hah." paalam ni Mika sa akin."Thanks sa number mo!" at naglakad na siya palayo sa akin.
Ako naman, tumakbo na naman papalayo.
_________________________________
Ara
*sound of the door opening
"Daks! I'm home!!" sigaw ni daks nung pumasok siya sa loob ng apartment.
Ako naman ay nakahilata dito sa sofa,kumakain ng popcorn, habang nanonood ng favorite kong animated movie, Spirited Away.(yung nasa media. Panoorin niyo yan guys. Sobrang ganda! :3)
"Oh, di ka na tumuloy sa La Salle?" tanong ko pero nakatutok pa rin ako sa tv habang nakain.
"School's cancelled. Wala daw mga profs ngayon." paliwanag niya habang nilalapag sa lamesa ang mga gamit niya.
BINABASA MO ANG
I Can't Help Myself (Thomara Fanfiction)
FanfictionAng sabi nga nila, mahirap pigilan ang pag-ibig lalo na kung tinamaan ka na talaga ng pana ni kupido. Paano ko mapipigilan ang sarili ko na mahalin ang tatay ng anak ko, kung may Bang na ako?