Ara
"Thom?!"
"The one and only" sabi niya with a sweet smile.
Gosh! Ang pogi naman nito ni Bimbs! Nakakainlove! Charr!
"K... Kanina ka pa ba jan?!" tanong ko.
"Hindi naman. Nakita kasi kita na magisa, so I decided na batiin ka muna." sabi niya. And once again, he gave me a sweet smile.
Nahawaan naman ako mg ngiti niya. "Ahhh." sagot ko.
"Mind if I join you?" tanong niya.
"No! Not at all!" I smiled at him at pinaupo ko ko siya sa tabi ko.
Silence.
Ang awkward kasi. We're not that close kasi tapos shiniship pa kami. Walang nagsalita sa amin for like a minute. Nagulat nalang ako ng bigla niya akong tanungin.
"Bakit ka malungkot?" tanong niya pero nakatingin siya sa malayo.
Kumunot ang noo ko at tumingin ako sa kanya. "Huh?! Malungkot?" tanong ko.
"Oo." simple niyang sagot and still he's not looking at me.
"Hindi ah!" sige Victonara! Deny pa! Jan ka naman magaling eh!
Tumigin siya sa akin habang nakangiti. "Oh c'mon Victonara. You can't fool me." sabi niya habang natawa. "Kilala kita kaya wag ka na magsinungaling." sabi niya.
"Paano mo naman ako nakilala eh hindi naman tayo close?!" mataray kong tanong.
"Hindi nga tayo close because you never gave me the chance to get close with you!" sabi niya.
Grabe siya oh. "Hindi pwede, kasi may girlfriend ka,at may girlfriend din ako!" sigaw ko sabay irap.
"So?! That doesn't mean na hindi na tayo pwede mag-usap or maging close!" sabi niya sabay irap.
Awkward.
Ngayon lang kami nagusap ng ganito pero nagaaway na agad kami. Napayuko kaming pareho.
"Sorry." bulong niya.
Hindi ako umimik.
"My point is, I've watched your game a hundred times. I remember all of your facial expressions kaya!" sabi niya sabay tawa." Grabe ka ngumiti pag nakakascore ka, alam ko yung muka mo pag nasasaktan ka sa kakadig mo, alam ko rin yung muka mo pag natatalo kayo sa match." sabi niya. Napatingin naman ulit ako sa kanya.
"At yang itsura mo ngayon, para kayong natalo sa match niyo." sabi niya sabay tawa."So therefore, you are sad."
"Oo na." naptawa naman ako sa sinabi niya." Grabe, stalker pala kita??" biro ko sa kanya.
"You could say that. Actually, lagi nga akong nanonood ng live eh!" sabi niya sabay kindat.
"Talaga?!" sigaw ko.
"Oo naman. Sa tv nga lang." sabi niya sabay tawa.
"Bwiset ka! Kaasar ka! -_-" sigaw ko sabay hampas sa braso niya.
BINABASA MO ANG
I Can't Help Myself (Thomara Fanfiction)
FanfictionAng sabi nga nila, mahirap pigilan ang pag-ibig lalo na kung tinamaan ka na talaga ng pana ni kupido. Paano ko mapipigilan ang sarili ko na mahalin ang tatay ng anak ko, kung may Bang na ako?